Home » Blogs » This is a Crazy Planets » Lourd de Veyra: Wala Ngang Wang-Wang, Meron Namang...

Lourd de Veyra: Wala Ngang Wang-Wang, Meron Namang...

Published: Jul 16, 2010 - 10:18am

 

 

Kahit 'di mo siya binoto, aminin mong medyo na-elibs ka rin kay Noynoy Aquino nung nagdeklara siya: Walang wangwang. Alam mong maraming problema ang Pilipinas: korupsyon, extra-judicial killings, grabeng budget deficit, at kawalan ng host ng Wowowee. Pero patok ang "Walang wangwang." Wala na kasing mas nakakapikon pa, wala nang mas nakakapanginig pa ng laman, kesa sa sa isang Chevrolet Suburban na kala mo may disco sa bubong, na nagagawa pang humarurot sa gitna ng makapal na trapik.

Hindi ko alam kung wais si Noynoy na puntiryahin ang wangwang sa inauguration pa lang. Tingin ko, importante ang elemento ng mitolohiya sa pagka-presidente, at wala nang mas malapit pa sa realidad ng Pinoy kesa sa kalsada. Mahirap ma-imagine ang mga konseptong gaya ng "hustisya," "demokrasya," "pagbabago," etc. Masyadong abstrakto. Kaya nga nakakaisip lang tayo sa pamamagitan ng mga imahe. Sa kalye nakikita ang hindi pagkakapantay-pantay ng lipunan: ang isang batang babaeng may kargang mga bayong ng gulay na tumatawid sa overpass vs. BMW X5 na may matabang batang lalakeng nababato na sa kanyang PSP. Mga taong nagsisiksikan sa bulok na bus vs isang tropa ng mga mamahaling SUV na isa-isang tao lang ang nakasakay. Pulubi at sampaguita vendor na kumakatok sa bintana ng Porsche Cayenne. Ganun. Nabibili ng pera ang convenience at efficiency. Sa mayaman at makapangyarihan, walang red light, walang trapik-trapik, walang coding. Sa mahirap...magtiyaga ka na lang sa moshpit ng MRT. O kung naka-bus ka papuntang Novaliches, diyos ko po, magdasal ka na lang na Steven Seagal sana ang nakasalang na DVD.

Wala ngang wangwang, andami pa ring tarantadong drayber ng bus at trak (sama mo na diyan yung mga jeepney na walang ilaw). Kahit ilang libong batas ang gawin natin, kung hahayaan ng LTO na makakuha ng lisensya ang mga tanga at adik at lalong lalo na yung tanga, eh wala ring mangyayari sa mga daan natin. Bakit natin papayagang magmaneho ng limang toneladang sasakyan ang isang taong 35 lang ang I.Q? Wala na ngang wangwang, babanggain ka naman ng mga bwakanginang trak na walang preno, o kaya mga bus na nagkakarera sa gitna ng Edsa. Warning na dapat sa 'tin ang laman ng mga tabloids nitong nakaraang linggo: mga bus na nahuhulog sa bangin, sa Cebu, sa Cordillera, mga truck ng LPG (!) na nawawalan ng control at humahampas sa mga bahay, na nag-lechon sa isang buong pamilya, kasama ang isang two-year-old na bata. Ang matalinong drayber - na responsable sa buhay ng ilang daang tao - ay hindi magmamaneho ng 120 kph sa isang zigzag road sa kabundukan. Ang matalinong drayber ay hindi hahataw sa kalye kung alam niyang luma na ang 10-wheeler niyang dala. Alam niyang pag sumalpok siya sa concrete barrier, o bumale-balentong sa kanto ng Edsa-Connecticut hanggang Annapolis, eh masakit yun. Masakit na masakit.

Wala ngang wangwang, talamak naman ang mga motor at scooter na parang mas gago pa ata ang mga drayber (karamihan sa mga hayup na 'to, walang lisensya at walang rehistro ang mga sasakyan!). Bakit ba halos karamihan sa kanila, parang burat - kung saan masikip, dun pa gustong sumiksik? Ang hilig sumingit ng mga putangina, biglang na lang ka-cut mula sa blind side mo at ikaw pa ang iilag. Pag nabangga mo, ikaw pa ang may kasalanan (kahit anong sabihin mo kasi, mas malaki pa rin ang kotse mo kesa sa dalawang gulong). Akala yata nila, ililigtas pa rin sila ng helmet nila kung humarurot nang lasing sa Skyway. Wala ngang wangwang, parami naman sila nang parami. Parang mga bubuyog pag nagkumpulan sa pulang stoplight, at walang habas na haharangan ka pag nag-go. Hindi ako magugulot kung matutulad tayo sa Vietnam pagdating ng araw: hari ang dalawang gulong.

Wala ngang wangwang, andami pa rin namang kotseng iskandaloso ang tambutso. Sa totoo lang: ano ang kinaibahan ng wangwang convoy sa Honda Civic na lowered at may speaker na dumadagundong ng mga kanta ni Akon. Tingin ko dapat i-regulate din ang pagbenta ng mga dambuhalang sound system, at dapat ding tingnan muna ang playlist ng sinumang mag-a-apply. Dapat din sigurong ipakulong ang mga naglalagay ng blue na ilaw sa mga ilalalim ng sasakyan, at yung nagkakabit ng mga plakang may "LAWYER" o kaya "CUTIE." Isa sa mga matinding salot ng lipunan ang kabaduyan.

Wala ngang wangwang, pero sunod-sunod pa rin ang mga hukay sa kalye - mga hukay na pagkatagal-tagal gawin at takpan (Tangina, ano ba ginagawa nila sa baba? Nagmemerienda?). Kung kelan pa tag-ulan, saka pa maiisipang bakbakin ang lecheng kalyeng wala namang problema. Wala ngang wangwang, lubak-lubak pa rin ang mga daan, parang gago pa rin ang pagkakapuwesto ng mga concrete barrier at U-turn slots. Wala ngang wangwang, wala pa rin namang number coding ang mga bus - mga bus na naghahari sa Edsa pero wala namang sakay.

Wala ngang wangwang, wala rin naman matinong gamit ang PAGASA. Aanhin mo rin ang pagkakapantay-pantay sa lipunan kung sabay-sabay rin naman tayong nalulunod sa baha? Wala ngang abusado, pero wala ring paang walang alipunga, walang batang walang dengue, at walang bahay sa Provident Village na matitira.

Walang wangwang. Magandang simula. Dakilang halimbawa. Pero sabi nila, dapat daw mas pagtuunan ng pansin ni P-Noy ang sunod-sunod na pag-todas sa mga aktibista at media. Ika nga ng mga militante, bago ang wangwang, asikasuhin muna ang bang-bang. Tandaan: kahit sa karo ng patay na papuntang sementeryo, bawal na rin ang wangwang.

 

This is a Crazy Planets is available in newsstands, bookstores and supermarkets nationwide for only P195. For more information, click here.

Artwork by Warren Espejo.

 
Tags: lourd de veyra   lourd   aquino   Noynoy   wang-wang  
Username   * required
Security Image Security Image  * required
 
NOTE: SPOT.ph editors reserve the right to moderate and delete comments, without notice, that contain abusive or threatening behavior, contain advertising, spam, profanity or malicious comments.
Filter comments by:
  • longganisang lucban 9 months ago Report Abuse
    "Wala ngang wangwang, pero sunod-sunod pa rin ang mga hukay sa kalye"rnrnTama ka dito lourd.Bakit ba nila ginagawa ang pambabakbak sa kalye pag june na maulan, mabagyo at may pasok ang mga bata sa school! grabe sarap murahin ng mga taga DPWH!
  • paraord111 9 months ago Report Abuse
    natamaan ako sa mga ngmomotor hehe, sorry na po boss.
  • neutral universe 13 months ago Report Abuse
    Wala ngang wangwang, pero marami pa ring reklamador na tulad mo.
  • roland Oct 04 2010 @ 06:11pm Report Abuse
    gusto ko ito si lourd. pero wag sana niya lahatin ang may motorsiklo. hindi naman lahat iresponsable sa daan. eh sa ito ang mura at kayang bilhin ng common na pinoy. kasalanan na ng mga lto o kung ano ang responsable na ahensiya ng gobyerno, na hindi nareregulate iyong mga driver na walang lisensya, at motor na walang rehistro. yun kadalasan ang mga barubal na driver sa daan ang walang mga lisensya.
  • Nardong Putik Sep 29 2010 @ 03:27am Report Abuse
    panalo talaga lourd!
  • Deinan Espidas Sep 02 2010 @ 01:55pm Report Abuse
    For Bravo-Basahin mo ang sinulat mo, kung educado ka walang masama salita ka sanang ginamit. Taong kanto ka lang parang si Senator Sotto kung magsalita. No depth.
  • Bravo Aug 22 2010 @ 12:54pm Report Abuse
    kinangina mo rin Lourd at ang babaw ng tingin mo sa nagmomotor. Gago ka tignan mo rin kc social injustice kung bakit di lahat ng tao makakapagafford ng kotse tulad mo hayop ka! AT kung magkokotse man ako e ayaw kong magmukhang g*g* sa traffic tulad mo, kaya ka pumapangit lalo! Puntiryahin mo ang edukasyon na kailangan nating lahat para maitaas ang antas ng diskusyon at hindi ng prejudices mo hunghang! Hinayupak ka buwis ko pa yata pinangaral mo kung sa UP ka man nag-aral kaya maging sensitibo ka sa mga patutsada mo dahil baka uurong din bayag mo!
  • Brendar Aug 16 2010 @ 06:26pm Report Abuse
    i salute you sir ! Ganda ng mga comments mo at totoo lahat na nangyayari ngayon. Isa pa ay madami pa ring mga buwayang traffic enforcers na kumokotong sa mga motorists na bukod sa inaabala na nila ay peperahan pa at gigipitin sa pagkumpiska ng lisensya para tubusin. Para di na maabala ang motorista sa pag claim ng lisensya na di man lang alam kung saan at kailan ito makukuha ay magpapa areglo na lang sa mga buwayang mga enforcers. Sana ay magkaroon ng sistema na magbibigay lang ng citation ticket ang mga traffic enforcers para bayaran ang offence penalties ng mga offenders sa mga designated payment centers at naka record ito sa LTO data base para sa license renewal review ng mga drivers. Tiyak ko mababawasan or mawawala ang kotobgan at lagayan sa ganitong sistema. Walang maaabala at walang kikita, walang corruption at siguradong titino ang mga drivers natin.
  • buy ugg Aug 05 2010 @ 02:28pm Report Abuse
    Without prior written consent by Tencent, gucci
  • Pablo Job Aug 04 2010 @ 02:55pm Report Abuse
    Poocha!!!!! dapat unahin ni PNoy eh Droga saka Kurupsyon..yung Wangwang nayan ipaubaya nalang niya sa LTO.
  • Winkle Jul 31 2010 @ 06:30am Report Abuse
    Lourd, tungkol sa pagbabakbak ng mga kalye tuwing tag-ulan - kasi ang pagkakaalam ko, yun lang ang panahon na malalaman nila kung saan ang may baradong kanal kasi kapag magbubuhos ka ng sandamakmak na tubig eh masyadong mahal. pero tama ka, dapat ding bilisan ang paggawa dahil nakakaperwisyo sila.Ü
  • Louie Jul 30 2010 @ 02:32pm Report Abuse
    Ang galing mo! Well said.
  • sheila Jul 28 2010 @ 05:57pm Report Abuse
    Ginawa na naman issue yang wang-wang ng media. Dahil siguro yun lang ang tanging catch phrase na nakuha nung inauguration ni Aquino. Marami pa hong problema, set-aside na yan, please. Parang jeje-language lang (naalala ko ang seryosong mga pahayag ni Boy Abunda at ng Malacanang ukol dito). Konting oras lang, I bet, babalik din yang wang-wang nyo. Yung vice president nga di sumunod, eh sino pa ba gagayahin ng tao? E di yung nag-set ng example.
  • q1111 Jul 28 2010 @ 05:46pm Report Abuse
    Snocap's badge is pretty cool, I agree. Very useful and functional and a good fit for some sites.
    gucci mens shoes
    true religion women's jeans
    ed hardy t shirts
  • champagne11 Jul 26 2010 @ 07:05am Report Abuse
    astig.. sapul kung sapul!
  • WANGWANG Jul 25 2010 @ 07:13pm Report Abuse
    @da-pak. Sabihin mo yan kay Kris Aquino.
  • da-pak! Jul 25 2010 @ 12:46pm Report Abuse
    why don't u try being the PHIL'S president and let's see what u can do...talking to much is cheap...lolz....
  • Jessie Jul 25 2010 @ 12:00pm Report Abuse

    *** THIS COMMENT HAS BEEN DELETED DUE TO VIOLATION OF SPOT.ph's TERMS AND CONDITIONS.***

  • Jodi Jul 25 2010 @ 01:58am Report Abuse
    Lourd, dapat may naka bold din to: ...at kawalan ng host ng Wowowee. Hehe.
  • MP Jul 24 2010 @ 09:49pm Report Abuse
    Lourd, Tita Aida is right. We need to expose the not-so-good things happening at the airports: VIPs (kuno) getting special treatment (including movie stars), smelly toilets, etc. Hey, those airports earn a lot from the fees each passenger pays so how come they can't fix those effing toilets?
  • Tita Aida Jul 24 2010 @ 01:53am Report Abuse
    @ Lourd, please write an article about NAIA (VIP, toliets, etc.). It is a good eye opener for the current admin. The goal is to effect change that is long overdue.
  • thunderkiss65 Jul 23 2010 @ 05:46pm Report Abuse
    oo nga dapat tingnan din ung playlist! ang lalakas mag sounds puro naman walang kwentang rnb ang tugtog!
  • dilahatama Jul 22 2010 @ 11:10pm Report Abuse
    ok lang walang wang-wang muna di naman natin matatapos lahat ng problema sa unang 100 days. mainipin namn tayo masyado men... paisa-isa lang. pero sana next na si gloria makulong.
  • Daryo Jul 22 2010 @ 08:36pm Report Abuse
    Gus2 pla ni Pnoy na pantay pantay sa kalsada edi dapat yung mga jeepney drivers ang turuan nya, bakit ayaw nya tirahin ang mga tinatawag nilang masa? eh un nga ang mga mas walanghiya. mas siga sa kalsada, mas barubal magmaneho. pati malakas na ilaw binabawal niya pati malakas na busina. ok na bawalan niya yung wang wang pero ang headlights, fog lights at busina kung babawalin niya yun kalabisan na.
  • air Jul 22 2010 @ 05:43pm Report Abuse
    Alayk! :D :-bd
  • FisforFiery Jul 22 2010 @ 04:02pm Report Abuse
    Napakagaling. Ginoong Lourd, nakasakay ka na ba ng habal-habal?
  • larkin Jul 22 2010 @ 10:03am Report Abuse
    mataba si bob ong, shiriko. sigurado ka ba na nabasa mo lahat ng books ni bob ong?
  • jecka Jul 21 2010 @ 08:55pm Report Abuse
    bkit ang gugulo ninyo plzzzzzzzzzzz strophic nga eeeeeeeee d b kau naka2intindi
  • landonglangib Jul 21 2010 @ 05:55pm Report Abuse
    isama na rin ang mga makakapal na mukhang taxi drivers na namimili at namemresyo!
  • Don Jul 21 2010 @ 04:18pm Report Abuse
    Sama mo na rin yung ang mga naka HID Head Lights. Lalo na yung mga SUV na kahit naka low beam eh sapul na sapul ka parin kung nagkataong mababa ang sasakyan mo.
  • chinadress Jul 21 2010 @ 10:54am Report Abuse
    I have lived outside the Philippines more than half of my life and did my best to promote our country. Have visited the well-known tourist spots and not-so-trodden areas to maximize info to my foreign friends, as well as writing travel reports.
    The latest visitors, a Dutch couple who visited Boracay(they loved it) and Manila..guess what the taxi driver told them,"run to your hotel, there are so many criminals here!".
  • Marj Jul 21 2010 @ 09:07am Report Abuse
    @ MakaBurgis, dengue, AIDS, H1N1, or hypertension will do it. LOL
  • MakaBurgis Jul 20 2010 @ 11:30pm Report Abuse
    @marj.

    If I had my way, they all deserve a BULLET on the HEAD, including those *ssh*l* Bishops!
    I think a BLOODBATH of gargantuan proportions, will straighten our decadent society!
    The Left couldn't do it, the Right couldn't do it with their numerous coups, WHO IS GONNA DO IT?
  • Marj Jul 20 2010 @ 11:20pm Report Abuse
    @ Makaburgis, EXACTLY. And these friggin Bishops who interfere in any government policy are all present in the wedding, funeral, and birthday parties of these looters. Think Chavit.
  • MakaBurgis Jul 20 2010 @ 06:14pm Report Abuse
    @Marj,

    Ano work mo? Fixer sa Customs,Saan ka nakatira? Sa Ayala,Alabang, Saan nagaaral ang mga anak mo? Sa International School.

    How Pathetic! in other words, you are accepted in polite society as long as you have ARRIVED?
    No questions asked where you got the LOOT?

    Then let's wonder no more on why the supposed high -end digs in MetroManila,Boracay,Tagaytay,Misibis etc... are inhabited by LOWLIFES who masquerade as successful businessmen ....
  • ugz Jul 20 2010 @ 05:40pm Report Abuse
    napakahusay mo magsulat. saludo ako sayo.
  • Marj Jul 20 2010 @ 02:58pm Report Abuse
    @MakaBurgis, in the Philippines there is no need to research the source of income. It is right in front of your eyes. You only ask three questions, alam mo na: Ano work mo? Saan ka nakatira? Saan nag-aaral mga anak mo?
  • MakaBurgis Jul 20 2010 @ 01:31pm Report Abuse
    @marj,

    Sure, as long as those crooks at BIR don't pocket the money....Did you ever wonder why those govt' employees at BIR,CUSTOMS,PAGCOR,GSIS,NAPOCOR, ARMED FORCES, NAPOLCOM,etc.. are so goddamn wealthy on a mere gov't regulated salary scales? Don't tell me they inherited their wealth from rich parents or they won the lotto three times in a row...
  • Marj Jul 20 2010 @ 10:24am Report Abuse
    Balikbayans and OFW's , who are still Filipino citizens, should pay income taxes to the Philippine government.
  • Marj Jul 20 2010 @ 10:18am Report Abuse
    I know I will get a lot of flak for saying this but I don't care: All Filipino citizens should pay income taxes especially Balikbayans. Nobody has the right to complain about the services of the government if he/she does not pay income tax. Ask any Filipino citizen Balikbayan (green card holder or immigrant visa) when was the last time he/she paid his/her income tax? The BIR should run after them. That is HUGE.
  • Milo Jul 20 2010 @ 09:14am Report Abuse
    Sa dami ng traffic violators sa kalsada, kung magiging stricto lang ang mga pulis at enforcers sa pagkolekta na fines, bilyon-bilyon siguro ang kikitain ng gobyerno na pwedeng pambayad ng utang ng bansa.
  • Noel Curray Jul 20 2010 @ 08:01am Report Abuse
    Agree naman ako sa lahat ng sinabi mo dito Idol... ang hindi lang ako sangayon ay sa sinabi mong:

    "Wala ngang wangwang, andami pa rin namang kotseng iskandaloso ang tambutso."

    walang masama kung ipi-PIMP MY RIDE mo yung sasakyan mo. Di ba sining yun? Graphic design yun idol.

    Ano ba gusto mong maging itsura ng pilipinas Idol? isang plain lang na lugar? Idol, wala akong masasabi sa mga points of view mo dito pero wag mo naman sisihin ang pagiging malikhain ng ibang tao sa kanilang mga sasakyan.
  • alber chan Jul 19 2010 @ 10:55pm Report Abuse
    at a glance, sino ba sa inyo ang naka-isip na si pres noy at dapat mag-ingat dahil isa siyang president ng isang bansa? Could you imagine what could happen when a president whoi was satopped by a traffic light and was bombed or gunned donw? Holy s**t!! Noy does not have the morale authority to boast that he is immune to assassinations!Bottomline, ang presidente ay dapat mag-ingat dahil siya ang tini-tingala na sambayanan! Pag namatay siya bigla dahil sa assasination dahil sa assasination ay biglang magkaka-gulo ang pinas!
  • Marj Jul 19 2010 @ 10:20pm Report Abuse
    @MakaBurgis, when Hillary visited UST prior to the elections, she was asked how Filipinos would deal with perceived election cheating and corruption related to the Millenium Development Fund. Hillary, without batting an eyelash, said that the Filipinos can always use the social networking sites and blogs to report and magnify some anomalies. Without giving all the credit to Hillary, I guess the PNoy team took that message seriously and followed the advice. Our job as concerned citizens is to be vigilant.
  • MakaBurgis Jul 19 2010 @ 08:19pm Report Abuse
    @marj,

    Actually, PNoy has just to read the comments on Lourd' blog to read the unvarnished truth & reality of the realm he is governing. Readers here could serve as INFORMERS to PNOY on who is corrupt in his Cabinet and the gov't body as a whole.That's transparency!
  • job Jul 19 2010 @ 05:41pm Report Abuse
    galing mo talaga lourd, anggaling mo kung papano mo nakikita ang problema ng bansa na may kasama pa ding humor!saludo ko sayo!astig!egis erp!
  • Hendrick Jul 19 2010 @ 03:36pm Report Abuse
    Let's see if Jessica Zafra could still copy-edit your article since it's in tagalog. Ummmm...
  • Jo Jul 19 2010 @ 03:07pm Report Abuse
    Katawa ka talaga Lourd, pero ayos :D
  • Naomiii Jul 19 2010 @ 03:04pm Report Abuse
    yes, thanks to spot.ph for giving people like Lourd De Veyra a voice among the masses. Hey President PNoy, look here!
  • Marj Jul 19 2010 @ 02:53pm Report Abuse
    The PNoy administration keeps on harping upon the use of the social networking sites and blogs to detect Customs and BIR cheating. With the mastery of the Filipinos for ostentatious display of wealth, I take it as a jail bait. There you have it. BIR and Customs, just visit that car wash place and I won't be surprised if you catch the big fish.
  • mnx4 Jul 19 2010 @ 02:28pm Report Abuse
    @j. Basahin mo ulit yung article makukuha mo din yan.
  • j Jul 19 2010 @ 01:36pm Report Abuse
    So ano yung point?
  • Makamasa Jul 18 2010 @ 10:24pm Report Abuse
    Basahin po ang article na titled "this one for the boys". Iisipin niyo ba na sa Germany ito? Hindi po, sa Pilipinas po ito. Puro pasikat. Puro pakitang tao. Ibibigay ko ang buong retirement fund ko I bet 99% nang mga may ari nito hindi nagbayad ng saktong taxes. Paging Customs. http://thefashpack.blogspot.com/
  • purplefly Jul 18 2010 @ 06:25pm Report Abuse
    ang lupit ng article na 'to!!!
  • Alahoy Jul 18 2010 @ 05:56pm Report Abuse
    Palong palo sir ang husay mo mag sulat... nagagawa mong kami mapatawa kasabay sa pag realize kung ano talga ang nangyayari sa kapaligiran natin. saludo ako sayo! apir!
  • Bwisit sa pagasa Jul 18 2010 @ 04:17pm Report Abuse
    nakakabwisit ang pagasa sa twitter. imbes na weather twit, mga nangyayari sa tv, events, sports ang twit. very updated sa mga current events ang mga t**na nila. pati jejemon twit kesyo daw may nag message sa kanila sa facebook na gusto raw mag training sa tanggapan nila pero jejemon daw ang pagkasulat. hinde ko ma konekta ang jejemon sa nangyayari sa panahon kung saan yun dapat ang inuulat. maraming namamatay, nawawalan ng pangkabuhayan, at tirahan, mas nakuha pa nilang mag enjoy sa pag uulat ng walang kinalaman sa trabaho nila. pero accurate mga g*g* sa pag twit sa showbiz at sports. tamaan sana sila ng basura
  • tuta Jul 18 2010 @ 04:02pm Report Abuse
    (karamihan sa mga hayup na 'to, walang lisensya at walang rehistro ang mga sasakyan! akala ko wag natin sila idadamay at ihahalintulad sa tao dahil wala silang kasalanan ...
  • angelbyday Jul 18 2010 @ 03:30pm Report Abuse
    Lourd, pag naghuhukay sa kalye nagagalit ka. Kung wala namang gawin ang public works, im sure magagalit ka rin. Ikaw kaya maghukay kesa daanin mo sa satsat, diba?


    at yung Pag-asa, im sure di naman din nila kagustuhan na maging luma yung instrumento nila, diba?


    mas madali mag reklamo kesa gumawa. yun lang.
  • Rachel Jul 18 2010 @ 12:16pm Report Abuse
    Napansin ko din yan, e. Yong mga naging kaklase ko sa gradschool sa Singapore ang simple manamit, simple ang bag. Jansport lang at mumurahing handbag. Ang cellphone, mumurs din. Pero mayaman sila. Pano mo malalaman? Kung san sila at ang mga kapatid nila nag-aral. Yong Hong Konger kong kaibigan, may kapatid na nag-aaral sa University of Toronto, yong isa naman nyang kapatid sa England nag-aaral. Tapos sya pinag-aaral pa sa Singapore. Yong classmate ko namang Indian, sa University of Southern California nag-undergrad, samantalang yong kapatid sa Imperial College sa UK. Don mo makikita na matino priorities ng magulang nila-- ang pera para sa edukasyon, hindi para sa handbag na overpriced at sa magarang kotse.
  • Makamasa Jul 18 2010 @ 11:27am Report Abuse
    Tama ka. Nabasa ko rin nga sa ibang comments ang tungkol sa mga maids o drivers. Nag shopping si Ma'am. Nakabuntot ang mga naka unipormeng maid at naka unipormeng drivers. Bitbit ang sangkatutak na shopping bags habang nakabuntot kay Ma'am. Bakit nga ba kailangan pa ng uniporme? Dapat pa bang ipaalam na mayaman kayo at sila may mahihirap? Bakit ganoon? Mayayabang talaga at pretensyosa ang mga Pilipino. Magbago na kayo!!!
  • MakaBurgis Jul 18 2010 @ 10:18am Report Abuse
    Gusto kasing ipa-percieved sa mga tao, barkada, kapitbahay,kamag-anak,kaklase,ka- majong,ka- sugal etc.. na sila ay ARRIVED NA!in short, ang ibig sabihin: Hoy mga Ulol! tapos na ang paghihirap namin, mayaman na kami! mainggit kayo oy! abilidad lang iyan Tsoy!
    Wala talagang punpuntahan ang mga Pilipino, nauuna ang yabang! ALL FLASH,BUT NO SUBSTANCE!
  • Makamasa Jul 18 2010 @ 02:04am Report Abuse
    Pumunta ka sa LA Airport. Pag naka Mercedes or BMW, most likely, 80% of the time - Pinoy. Pumunta ka sa mga malls, pag naka LV or Coach, most likely, 80% of the time - Pinoy. Bakit kaya?
  • MakaBurgis Jul 18 2010 @ 12:00am Report Abuse
    Bakit mayayabang? dahil gustong takpan ang kahirapan! ang iba may INFERIORITY COMPLEX at dinadaan sa yabang at porma. Tingnan mo na lang ang mga sasakyan sa kalsada. Ang lalaki! Expedition,Hummer,Focus,Pajero,Pathfinder Strada,Escape,Chevy Suburban.Third World tayo at mahal ang gasolina pero hayup ang pinipiling sasakyan! puro gas-guzzler!Ang iba diyan walang bahay at garahe pero inuuna pa ang porma.Mali mali ang priorities natin.Dapat ituwid!
  • Makamasa Jul 17 2010 @ 11:06pm Report Abuse
    Bakit mayayabang ang karamihan sa mga Pilipino? Purong pakitang tao? Designer bags. Fancy clothes. Flashy cars. Mansions. Etc. Nakuha ba ito sa mga Espanyol? Hindi naman ganito ang mga Singaporeans at Taiwanese - ang mga tunay na mayayaman sa SE Asia di ba?
  • Sheng Jul 17 2010 @ 04:44pm Report Abuse
    Tama lang to start from the smallest issue to the biggest sa gayun lahat ng tao tama turok sa dibdib!
    Sa kalsada ngayon SUV at Sedan pantay pantay hindi kagaya dati puro wang wang nang wangwang tatabi kung maliit kang sasakyan. Pagkagara ng sasakyan nandun din ang yabang. Sunod sunod na rin yang mabubuksan. Absolute power corrupts absolutely ika nga. Umpisahan sa wangwang, kabit kabit lang lahat ng issue sa usaping kapangyarihan sa gobyerno! Ika nga ni PNoy "Kung tatanungin sya kung kelan nya gusto wakasan lahat ng problema sa Pilipinas ang gusto nya bukas" Hindi naman kaya yun kasi hindi naman sya magician. Let's just help build a better Philippines! Ripple theory, start change within yourself to help change the whole society!
  • chloe Jul 17 2010 @ 03:44pm Report Abuse
    "Isa sa mga matinding salot ng lipunan ang kabaduyan." o nga kaburaot pati ung naglalgay ng "GUWAPO ON BOARD" tas pagtingin mo nman kay kuya panget haha..

    eto lourd pampabadtrip :D

    http://www.innocentenglish.com/cute-animals/cute-baby-kittens-puppies-img/cutest-puppy-halloween-costume-pic54.jpg
  • katsch Jul 17 2010 @ 02:52pm Report Abuse
    the lourd rules!
  • klootzak Jul 17 2010 @ 11:52am Report Abuse
    @shiriko afaik, hindi tao si bob ong kaya imposibleng siya si lourd. pero malay natin, baka yung ibang sinulat niya si lourd ang may gawa.

    @sdashfsa on the contrary, i think natumbok naman yung deeper meaning nung wangwang statement eh. its not simply banning the use of sirens, we all know that. naka-highlight pa nga eh: sa kalye nakikita ang hindi pagkakapantay-pantay ng lipunan.

    bakit ba hindi mawala-wala yung mga comment na "puro satsat ka lang lourd blahblahblahblah"?! duh, blog kaya to. anu pa bang pwedeng isaksak dito kundi puro salita.
  • jerny Jul 17 2010 @ 11:43am Report Abuse
    yakkk .. bob ong daw si sir lourd hahaha..
    malayong malayo.

    si bob ong magaling isalin sa tagalog ang sulat ng iba. (MAGLING ISALIN SA TAGALOG ANG SULAT NG IBA)
    si lourd hindi naman db?
    keep on reading.
  • Shuriken Jul 17 2010 @ 10:28am Report Abuse
    @shiriko,

    Who the f*ck is Bob Ong? please give an intro....
  • edgar reynes Jul 17 2010 @ 08:17am Report Abuse
    who writes better lourd or jessica zafra? i think these two should get together and make a book or journal. calling interested editors or publishers.
  • edgar reynes Jul 17 2010 @ 08:16am Report Abuse
    who writes better lourd or jessica zafra? i think these two should get together and make a book or journal. calling interested editors or publishers.
  • edgar reynes Jul 17 2010 @ 08:16am Report Abuse
    who writes better lourd or jessica zafra? i think these two should get together and make a book or journal. calling interested editors or publishers.
  • Jamber Jul 17 2010 @ 07:34am Report Abuse
    I really think President Aquino has been doing a great job since day one. And wang-wang is just the first stop, he still has 6 more years to attend to other issues. I think what he is trying to do is to attend to more modifiable issues of the society and then moving to more complicated issues. That way, I think, he could accomplish more than nothing.

    Mr. de Veyra you're a blogging demigod!
  • J Jul 17 2010 @ 04:49am Report Abuse
    Like!
  • Susan Monte De Ramos Jul 17 2010 @ 04:15am Report Abuse
    Hay nako puro satsat wala naman binatbat sino ba yang Lourd na yan? Punta ka nga dito sa M dela cruz sa pasay ng magkaharap tayo nyeta ka
  • sdashfsa Jul 17 2010 @ 03:29am Report Abuse
    Tsk. Too much literal construction from the wangwang statement of P-Noy.
  • annery10 Jul 17 2010 @ 02:16am Report Abuse
    tama lahat ng sinabi mo lourd, kahit ako nabwibwisit sa mga bus na naghahari-harian sa kalsada at sayo pa magagalit kasi ikaw na daw ang hinintuan ikaw pa ang may ganang tumangging sumakay.
  • shiriko Jul 17 2010 @ 02:14am Report Abuse
    danielle, hahahaha tama ka, its a metaphor they are just digging their own fate... rock on Lourd!
  • danielle Jul 17 2010 @ 02:09am Report Abuse
    di sila nagmemerienda, gumagawa sila ng elevator papuntang impyerno.
  • danielle Jul 17 2010 @ 02:06am Report Abuse
  • shiriko Jul 16 2010 @ 11:35pm Report Abuse
    @kid clean: hmm maaring may point ka din :)
  • Kid Clean Jul 16 2010 @ 11:23pm Report Abuse
    Kay shiriko, malay mo isang grupo ng manunulat si Bob Ong. 'Di natin alam. hehehehe
  • shiriko Jul 16 2010 @ 10:57pm Report Abuse
    @kghj: Iba ba? maaring ang paraan ng pagsusulat iba kasi ng alibro yun ito article (kung napansin mo) pero yung tinatawag na THOUGHT, yung spirit na parehong present in both... well palagay ko lang naman, let's say educated guess... ok?
  • shiriko Jul 16 2010 @ 10:55pm Report Abuse
    anu bayan nagamit ko pa name mo unconciously tsk3 sorry it should be my name shiriko
  • kghj Jul 16 2010 @ 10:54pm Report Abuse
    @kghj: Iba ba? maaring ang paraan ng pagsusulat iba kasi ng alibro yun ito article (kung napansin mo) pero yung tinatawag na THOUGHT, yung spirit na parehong present in both... well palagay ko lang naman, let's say educated guess... ok?
  • kghj Jul 16 2010 @ 10:33pm Report Abuse
    shiriko,
    please naman. hindi sila iisa. paano mo naman nasabi na iisa sila? ibang-ibang-ibang-iba ang paraan nila ng pagsusulat.
  • shiriko Jul 16 2010 @ 09:32pm Report Abuse
    Ika nga ni BF Our streets is the exact metaphor of what kind of government we have
  • shiriko Jul 16 2010 @ 09:10pm Report Abuse
    Kilala nyo ba si BOB ONG? malaki kasi ang hinala ko na si BOB ONG at LOURD DE VEYRA as iisa... hmmmm... agree guys?? mapapansin nyo yan kung nabasa nyo na ang mga libro ni bob ong :-)
  • Alex B Jul 16 2010 @ 09:04pm Report Abuse
    You tell it like it is Lourd! Props to you!
    At saka, i-amend na rin yung law na parating ang driver ang mi kasalanan kung mi naaksidente sa kalye. Mi pedestrian na bigla na lang tatakbo sa kalye ,pag nasagasaan driver ang mi kasalanan,Dapat baliktad! Lalo na itong mga motorsiklo, o-overtake sa kanan, pag nahagip mo ,ikaw pa ang magbabayad!

    Bawasan na rin ang sasakyan sa kalye, ang sikip na! ang mga rolling coffins di na dapat ni-re-renew ng LTO ang permit.Ang mga walang garahe, hindi dapat bumili ng sasakyan.Dapat e-enforce ng LTO ito.Requirement ang garahe! Kaya ang sisikip ng kalye natin ,double parking pa!
  • shiriko Jul 16 2010 @ 09:00pm Report Abuse
    At para sa iba na sinasabi na wala naman daw nagagwa itong si Master Lourd puro lang daw dakdak, why dont you think again?? Remember that each of us has own tasks in life, so kung di ka marununong magpahayag ng iyong opinion sa pamamagitan ng paggamit ng kapangyarihan ng mga salita siguro naman marunong kang magbasa ng mga ito (tulad ng article na to) at dahil nabasa mo dapat mamulat ka at dahil namunlat ika ngayon ang gagawa ng AKSYON! di bah tama? Lourd is a very good example of the latin phrase na nakakabit sa pera ng USA (sana may ganito din tayo): "E Pluribus Unum"! m/
  • shiriko Jul 16 2010 @ 08:39pm Report Abuse
    ang sarap sanang isipin na ang mga taong katulad mo sana Lourd ang namumuno sa bansa at lahat sana ng tao sa bansa ay katulad mo ding mag isip! The Lourd is really my sheperd! Love you idoL! m/
  • Elle Jul 16 2010 @ 07:39pm Report Abuse
    kingina ang galing mo talaga gumawa ng article Lourd
  • tere Jul 16 2010 @ 05:07pm Report Abuse
    you have the power of words and you have the ability to see things. i hope you get to enlighten more people. thanks to spot.ph for making that possible.
  • idolnoy Jul 16 2010 @ 04:32pm Report Abuse
    para saan pa at unti-unti na rin mawawala or mababawasan ang mga pasaway at hindi disiplinadong motorista sa kalsada. Sana ay mabasa ng ating mahal na presidente ang artikolong ito.. :)
  • lolo Jul 16 2010 @ 03:23pm Report Abuse
    lols dun sa natawa ako dun sa nagmemeryenda..haha on serious note, sapul talaga kung bumanat tong si lourd, palung-palo, hasang-hasa. Sana gumawa ka ng libro.
  • Marj Jul 16 2010 @ 03:13pm Report Abuse
    @ naman, only fools will believe that crap. The Filipinos have mastered the art of social climbing in the whole world. BTW, Jinggoy, Precy, and family were spotted the other day at a US airport. Guess what, they had 2 "alalays" with them to carry all (again, all) their bags. That is a very unwelcome sight in the US. The Americans call it "disturbing". Last month, Prince Edward entered a US checkpoint. Guess what, he was spotted carrying his baby with an assistant following him (NO UNIFORM). Royalty vs. pseudo-rich. You be the judge.
  • sheila Jul 16 2010 @ 02:42pm Report Abuse
    Natawa ko dito, sobra!
  • naman! Jul 16 2010 @ 02:38pm Report Abuse
    @marj: naisip mo bang kaya naka uniform yung mga househelps ay dahil request nila yun na kesa bumili sila ng bumili ng sariling damit ay bigyan na lang sila ng uniform ng mga amo nila?

    thanks Lourd sa pagtira sa mga t*r*nt*d*ng drivers ng bus,jeep, scooters at motorsiklo!!!
  • romji Jul 16 2010 @ 02:23pm Report Abuse
    lol natawa ko sa kawalan ng host ng wowowee
  • Ron Jul 16 2010 @ 02:17pm Report Abuse
    my day is not complete without your words of wisdom...
  • Marj Jul 16 2010 @ 02:15pm Report Abuse
    Walang wang wang is a good start. Next should be the international airport. Walang VIP VIP treatment sa Customs and Immigration. I agree that there is a gap between the rich and the poor but it is our attitude that need to change. Do we ask our maids and drivers to wear uniforms? For what? It is archaic. It is very demeaning. It smacks of hypocrisy of the highest form. It is nothing but show off. Period. Do we address the poor as "Mang" or "Aling" and the rich as "Ma'am" or "Sir"? There is a lot more simple things to change.
  • Carmie Jul 16 2010 @ 01:15pm Report Abuse
    oo,tulad kay Basyang,..hay!
  • missmonday Jul 16 2010 @ 01:11pm Report Abuse
    ako ay sumasang-ayon sa iyo ginoo. isa pa dapat bigyang pansin ng gobyerno ang PAGASA dahil palaging pinagbubuntungan ng sisi ito kapag nagkaroon ng kalamidad. kung maayos lang ang kanilang pasilidad upang maghatid sa atin ng balita at agarang paghahanda, hindi sana masisi ang PAGASA.
  • Mhinami Jul 16 2010 @ 01:11pm Report Abuse
    Thumbs up! My Lourd,
1 to 20 of 105
 
Search    ARTICLE   ESTABLISHMENT

ADVERTISEMENT

Your guys are a (love)lifesaver!

Garry - February 9, 2012 | 9:01pm

READ THE ARTICLE - 10 Alternative V-Day Date Ideas

The truth is always stranger than fiction.

Hydra - February 9, 2012 | 6:03pm

READ THE ARTICLE - Chinese national who murdered his girlfriend along Roxas Boulevard committed suicide, say police

SPOT, can you please give this to the senator-judges especially JPE. Parang awa nyo na. Thank you!

pawlah15 - February 9, 2012 | 4:32pm

READ THE ARTICLE - 15 Ways to Spice Up the Impeachment Trial

She's like the William Hung of the Philippines--only hotter.

Barney - February 9, 2012 | 4:31pm

READ THE ARTICLE - PHOTOS: Annebisyosa: No Other Concert

SHOPPING+SERVICES
20 Mushy V-Day Gifts
Bring on the mush! Here, our 20 lovey-dovey gift picks for your dear Valentine.
ENTERTAINMENT
10 Things to Do This Weekend
SPOT.ph zeroes in on the events you shouldn't miss.
ENTERTAINMENT
Catch "Imagining Identity: 100 Filipino Self-Portraits" at the Finale Art...
A sneak peek to the 100-painting collection of Paulino and Hetty Que with works by Juan Luna, Damian Domingo, and more.
NEWS+FEATURES
10 Alternative V-Day Date Ideas
Make someone's heart flutter with a non-boring, anti-cheesy, fun date.
EAT+DRINK
CHECK IT OUT: Nectar in Makati
A new place for nosh nibblers and wine sippers.
EAT+DRINK
Valentine's Day Dining 2012: Where to Go
Our guide to the perfect V-day date destination.
ENTERTAINMENT
Lovefest 2012: Valentine Shows and Concerts
A foolproof romantic date with your special someone
VIDEOS
Madonna's NFL Halftime Superbowl Spectacle Stuns
The Queen of Pop still has the moves and holds her own against Nicky Minaj, LMFAO, Cee Lo Green and MIA.
VIDEOS
Lourd de Veyra's modeling debut in Cosmo's January issue
Lourd trades t-shirts for sixties-style suits.
VIDEOS
Ford Supermodel of the World Danica Magpantay stars in her...
The young model is Globe Tattoo@Home's newest brand ambassador.
VIDEOS
Videos of Ate Vangie, the "Pinoy Siri" go viral
Meet "Vangie," the Taglish-speaking virtual assistant who can help you combat Manila traffic jams, make Pinoy spaghetti, and more.
VIDEOS
Juana Change pokes fun at the "little girl" in latest...
"They are plotting to kill me," says Juana Change as Gloria Arroyo in new vid.
VIDEOS
Juana Change's Christmas 2011 Video: "Iba't-ibang Mukha ng Pasko"
No nega vibes here: Juana Change parties with kids in her new Christmas video.
VIDEOS
Bea Alonzo gets groovy in Preview's holiday video
Join Bea and The Bang Bangs as they backtrack to the '60s in this very mod holiday music vid!
VIDEOS
Be the life of the party with Petra Mahalimuyak's latest...
This 19-year-old comedian shows off dance moves that would put J.Lo to shame.