
Wala nang pumapansin kay Joe De Venecia.
Ganu'n talaga pag wala ka na sa kapangyarihan. Pero naaalala ko noong araw, nung House Speaker pa siya, nung imposibleng makita mo siya na walang sipsip na nakapalibot, may ngiting aso, parang kay Dumbo the Elephant ang tenga (or Yoda, sabi ng iba) at parang mapuputol na ang braso sa dami ng kinakamayan.
Noon 'yun.
"Pana-panahon," ika nga ng idol ko at kamukha kong si Noel Cabangon (para kaming pinagbiyak na inidoro). Or as Erap so eloquently put it: "Weather-weather lang." Tingin ko, para sa isang taong nasanay na sa matagal na pag-upo sa inidoro ng kapangyarihan, wala nang mas nakakalungkot pang eksena dito: ang maglakad sa gitna ng main lobby ng Batasang Pambansa na walang pumapansin sa yo, kahit congressional staff. Well, may pa-ilan ilan din naman--mga nag-iinterbyung reporter, etc.
Pero kung ikaw si Joe de V, na noo'y pinuputakti ng mga politikong sipsip-tae, at may biography pang may nakasindak pang title na The Global Filipino parang depressing nga ito. Dapat ang title, paraphrase ng libro ni Gabriel Garcia Marquez, "No One talks to the Former Speaker." Unless by "global" we refer to his ears. Malaki ang ipinayat at itinanda ni Manong Joe, pero kagalang-galang pa rin siya sa kanyang navy blue suit (kahit na noong prends pa sila ni GMA ay kala mo parang wind-up toy monkey kung makapalakpak). Siya'y palingon-lingon, naghahanap ng mababati. Pero, ika nga, times have changed. Kumita na sila, este, nakapagsilbi na sila.
At ganito nga ang nangyari isang mainit na hapon sa House of Representatives, noong July 26, 2010, ang araw ng pinakaunang State of the Nation Address ni Pres. Noynoy Aquino. (Maraming pwedeng meaning ang 'SONA': "Son of Ninoy Aquino," "Single Only, No Asawa," or "Shet, Out Na Arroyo." Or, kung referring to CGMA, " Serious Offenses si Ate," or "Sayang O, Ngayon Absent." Or kung sa anak niyang si Mikey Arroyo, "Sekyu O Nagpapanggap Amputa?"). Dahil para itong Grand Eyeball party ng lahat na antas ng gobyerno, nakita dito ang nagbabagong mukha ng politika sa Pilipinas.
Well, totoo, nandiyan pa rin ang ilang matatandang hukluban na parang mga naaagnas na zombie na ayaw pa ring mamatay. Pero napansin ko nung hapon na 'yun na parang bumabata 'ata ang mukha ng kongreso ngayon--kabataang nagbibigay pag-asa at optimismo pagkatapos ng lagim ng siyam na taon. Tangina, drama 'nun a. Baka imahinasyon ko lang 'ata. Hindi pa kasi ako nag-lunch noon, saka sobrang init sa lobby. Iba talaga ang alingasaw ng daan-daang mga warlord, illegal logger, smuggler, extortionist, addict at drug pusher (Ay sori, nasa Hong Kong pala), at ang sari-sari pang mga raket ng mga dakilang kongresista--ang singaw ng mga kaluluwang dito pa lang ay sinusunog na sa impyerno. Nagkakatunawan na ng meyk-up sa maraming operadang mukha at mga gown na kulay plema.
Pabonggahan. Yan ang kadalasang nangyayari kapag SONA--di bale na yang pa-austerity-austerity na yan.
Siyempre wala naman akong alam sa fashion kaya hindi ako pwedeng magkomento sa mga barong at gown na pumarada doon. Kunwari lang yang mga pa-political-political reportage na yan ng mga TV news programs-- ang tunay na highlight ng coverage nila ay ang red-carpet fashion. Lalo na ang mga bisitang artista, na talaga namang sight for sore eyes pag kinumpara mo sa mga matatandang politikong mukhang almuranas. Basta sabihin na lang natin na mukhang mamahalin ang mga damit (marami na namang kustorerang bading ang kumita) at marahas sa mata-- violent paroxyms of green, purple, and yellow.








..un lng