
Ngayong pinagdiriwang na natin ang ika-113 taon ng kasarinlan ng ating bansa, pahintulutan ninyo sana akong makibahagi ng mga salita na tungkol sa pagkain na malapit nang mabaon sa limot. Dahil sa globalisasyon at paglaganap ng fast food, unti-unti na nga bang namamatay ang kulturang panglutuin at pangkusina ng ating bansa? Siguro naman hindi pa, dahil kung pagmamasdan mo ang mga trends sa mga fastfood outlets, food kiosks at food carts, halos karamihan dito ay Filipino-themed! Tingnan mo na lang ang Mang Inasal at Bibinkinitan, kanilang pinagdiriwang ang kanilang pagkakaiba sa mga kanluranin na ideya ng fast food.
Mayaman ang wikang Pilipino sa mga salita na nagpapatungkol sa pagluluto at pagkain. Mayroon tayong mga kataga at salita na pawang sa mga lalawigan at palengke lamang natin naririnig at minsan, walang katumbas sa Ingles. Nakakatuwa dahil nasa Cartimar Market sa Pasay lamang ako kahapon, buhay na buhay pa rin ang mga salita na akala ko ay nalimutan na.
Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, ang patnugot ng aklat na Lexicon ng Wikang Filipino, ang pambansang wika ay isang mabisang paraan upang magkaisa ang ating bansa. Para sa akin, ang pagkain din, ay isang mabisang paraan upang ang bansa ay magkaisa. Kahit iba't iba ang ating panlasa, ang pagkain, para sa akin ay susi sa pagkakaunawaan at kapayapaan; isa itong epektibong kasangkapan ng diplomasya.
Simulan natin ang pangunahing bahagi ng ating katawan na ating ginagamit sa pagkain... ang ating bibig. Maraming salita na tungkol sa bibig na nagsisimula sa titik "Ng." Nguya, masticate or to chew sa Ingles,“nguyain mong mabuti ang iyong kinakain, para matunawan ka ng maayaos” laging bilin ito ng ating mga nanay. Ngasab naman ang ginagawa ng mga hayop dahil kumakain sila sa sabsaban. Ang nganga ay kombinasyon ng buyo, bunga at ikmo, ang pagnguya nito ay nakakapagpapula ng nguso, bibig at ngipin. Ang ngabngabin ay ang paglapa ng karne mula sa buto nito. Halimbawa, ngabngabin mo ang bawat balat, taba at himaymay ng bawat laman sa buto ng crispy pata. Kung tayo ay magagawi sa mga palengke, tulad ng sa Baclaran, Pasay Cartimar, Aranque at sa Cubao, kapansin-pansin ang mga katagang ginagamit sa pagbebenta ng mga kalakal at estilo ng paghanda at pagluto ng pagkain.
Alam nating lahat na sa Pilipinas, metric system ang sinusunod na pamantayan ng panukat at timbangan, tulad ng grams (gm), kilograms (kg), mililiters (ml) at liters (l), ngunit marami pa rin sa ating tindero't tindera ang malikhahin sa paggamit ng iba't ibang panukat at panimbang ng mga paninda. Noong araw ang bigas ay nabibili kada ganta o gatang. Ang asukal, onza at libra. Ngayon, isang guhit ang tawag sa 100 grams, at kuarta naman ang tawag sa one-fourth kilo. Kung bibili ka naman ng mga likidong tinatakal tulad ng suka o mantika, karaniwan itong mabibili sa mga botelya na may iba't ibang hugis at dami ng laman. Ang 250 ml ay bilog (dating bote ng gin), 350 ml naman ang lapad (galing sa bote ng Tanduay Rum), 450 ml ang cuatro cantos (galing din sa bote ng gin), ang 750 ml naman ang long-neck na botelya (na karaniwang bote ng brandy). Ang mga prutas at gulay tulad ng bayabas, sampalok at kamatis ay mabibili ng isang tumpok. Samantala ang sibuyas at bawang naman ay mabibili na nanak bungkos. Ang saging ay mabibili ng isang piraso o isang piling, at karaniwang may walong piling ng saging sa isang bugkos.
Ang bungkos ng isda ay tuhugan ang tawag. Ang isdang hiniwa ng pahalang na karaniwang ginagamit sa pang-sigang ay pustá. Ang isang hiwa ng karne o isda naman ay gilít, sa Hiligaynon, ginurot naman ang tawag dito. At ang tawag sa isang malaking pirasong karne ay lapáng (dito kaya nagmula ang salitang lafang ng mga bading?). Ang tawag sa isdang mabaho ang amoy ay masangsang. At kapag malapit na itong mabulok at ubod ng sangsang ito ay bilasâ. Ginagamit ang salitang hinaín sa paghahanda ng isda bago ito lutuin. Ngunit sa ibang lugar, simpleng “gawín ang isda” ang gamit. Ginagamit ang salitang tadtád kapag hinihiwa ang karne ng maliliit na piraso, tulad ng karne na ginagamit sa paggawa ng menudo, at giniling kapag pinadaan ang karne sa gilingan. Ginagamit ito sa paggawa ng bola-bola. Ang tinadtad na karne sa Zamboangga ay picadilyo de karne o karne ya mole. Hindi tinatadtad ang isda, kung hindi ito ay hinihimay o himayin. Tandaan, ang kape ay siyang ginigiling at ang palay ay binabayo o kinikiskis bago ito maging bigas.
Panitikan ng Pagkain
-
cooking ginamos 6 months ago Report Abuse...di ba nakaligtaan ang 'pagsasangkutsa"...?
-
Ang tadtad ay maarin ring tawagin na tilad
-
ano 'to thesis?
ADVERTISEMENT
hindi naman scam ang mdqcc, sa katunayan may mga docs naman sila to operate...pero payo ko lang sa mga nagnanais mag franchise sa mdqcc, alam kong...
chan - May 24, 2012 | 5:44am
READ THE ARTICLE - Scam alert: DTI lists con artists targeting OFWs
" Chief Justice Corona Issue ".. Year 2012-13....
usa women newscaster assn. 2012. - May 24, 2012 | 1:59am
READ THE ARTICLE - Top 10 Cutest TV Newsmen in the Philippines
Eto na ang Moment of Truth para DAANG MATUWID ni Noy Noy. Everyone of those 188 plus Drilon should sign the Waiver hurled by Corona. Ang mga hindi...
Botante - May 24, 2012 | 1:19am
READ THE ARTICLE - Chief Justice Renato Corona now in ICU for "possible heart attack"
tama na away. panoorin na lang natin si toni. http://www.youtube.com/watch?v=R-yxUFcszYE&feature=related
Holycow69 - May 23, 2012 | 11:51pm
WHAT A SHAME.. PA SOSAL SOSYAL PA ANG ANAK NA SI DIVINE LEE, CORRUPT PALA AT ILLEGAL ANG AMA.. LESSONS ITO SA MGA KUNO ANAK MAYAMAN TO STAY HUMBLE...
tropicana 10 - May 23, 2012 | 11:27pm



