Home » Blogs » Lengua Estofada » Chop suey Para sa Chinese New Year

Chop suey Para sa Chinese New Year

Illem Guro | Published: Jan 19, 2012 - 1:00pm

 

 

(SPOT.ph) Ngayong papalapit na ang Chinese New Year, siyasatin natin ang pinaka-sikat na lutuing Chinoy para sa puso nating mga Pinoy. Ito nga ba ay ang Chop suey? Mula sa pinakatanyag na restaurant, hanggang sa mga turo-turo't carinderia, hindi mawawala sa kanilang menu ang Chop suey.


Dragon's Gate sa Grant Avenue ng Chinatown, San Francisco, California, USA (ang 'tinaguriang' lugar kung saan naimbento ang Chop suey).

 

Sa China nga ba nagmula ang lutuing ito? Sa pagkakaalam ng karamihan, ang Chop suey ay unang niluto at naimbento ng mga migranteng Chino sa Amerika. Ang paniniwalang ito ay kinatigan ng  awiting Chop suey na na pinasikat ng musical nila Rodger's and Hammerstein, ang  "Flower Drum Song". Kasabay nito ng mga pelikulang may temang pag-ibig at kulturang Chino-Amerikano tulad ng "Love is a Many Splendored Thing" at "The World of Suzie Wong"

 

Panoorin ang "Chop Suey video" mula sa Rodger's and Hammerstein musical  "The Flower Drum Song"



Sa katunayan, ang Chop suey, na ang ibig sabihin sa Cantonese ay "sari-sari at halo-halong sangkap" ay nagmula sa distrito ng Toisan, lalawigan ng Guandong (dating Canton), Katimugang China, kung saan nanggaling ang karamihan ng mga migranteng Chino na lumayag papuntang America sa huling bahagi ng ika-19 na siglo.

Dito rin nagmula ang isang uri ng "mise en place" na binansagan nating "lutong macau" o ang paghahanda at pag-hihiwa-hiwa ng mga sangkap bago ito lutuin. Ito ang basihan ng pagluluto ng Chop suey.



Iba't-ibang uri ng chop suey. Click for more.

 

Global talaga ang Chop suey, naging bahagi na ito ng cuisine ng mga Chino-Americano, Filipino, Chino-Canadiano, Indonesian, Polynesian at kung saan merong diasporang Chino, naroon ang Chop suey. Sa Indonesia, kilala ito sa pangalang "Chap-chai" o halo-halong gulay.




Dahil napamahal na sa atin ang chopsuey, at talagang niyakap at naging parte na ng buhay hapag-kainan at kusina ng bawat Pilipino, narito ang pinaka-malapit na  Pinoy chopsuey na galing sa isang cookbook na nilimbag sa Amerika noong dekada 50.


Mga sangkap:
1 ulo ng bawang, pinitpit
1 sibuyas, hiniwa sa walong bahagi
3 sanga ng sibuyas na mura o leeks, hiniwa ng 2 pulgadang haba
2 sanga ng celery, hiniwa ng patagilid
1 carrot, hiniwa ng maninipis
1 pulang bell pepper, hiniwa ng pahaba
1 berdeng bell pepper, hiniwa ng pahaba
1/4 kilo cauliflower, pinigtas-pigtas
1/4 kilo green beans, hiniwa sa apat
1/4 kilo baby corn
1/4 kilo chicharo (snow peas)
1/4 kilo repolyo, hiniwa na pakuwadrado
1/4 kilo lomo (tenderloin) ng baboy, hiniwa ng maliliit at binabad sa toyo at kalamansi
1/4 kilo hipon (suwahe), binalatan at hiniwa sa gitna, dalawang bahagi
1/4 kilo atay at balunbalunan ng manok, hiniwa ng maliliit
2 kutsarang of gawgaw o cornstarch o sweet potato starch, na tinunaw sa 1/4 tasang tubig
1 tasang sabaw ng manok (maaari din gumamit ng 2 chicken cube sa paggawa ng broth)
2 kutsara ng sesame oil (ito ang sekreto ng mga restaurant kung bakit may kakaibang amoy ang chopsuey)
toyo, ayon sa timpla at nais, (iwasan na ang paggamit ng asin kapag linagyan na ng toyo ang lutuin)
mantikang pangguisa
itlog ng pugo, bilang palamuti


Paggawa:
Ang sekreto ng masarap na chopsuey ay ang bilis na pagluluto nito. Lutuin lamang ang chopsuey kung ang lahat ng kakain ay nasa hapag kainan na. Dahil sa mabilisan ang pagluluto nito, siguraduhin na ang lahat ng mga sankap at nakapila na at ihuhulog nalang sa kawali—ito ang "lutong macau" na mise en place.


Sa isang malaking kawali, wok o karahay, sa malakas na apoy magguisa ng sibuyas at bawang. Ihalo ang baboy, atay at balunbalunan at sangkutsahin ito ng 3 hanggang 5 minuto. Pag nagsimula nang umusok ang kawali, banlian ito ng isang tasang sabaw ng manok at huwag hinaan ang apoy. Pabayaan itong kumulo.


Sa hudyat ng pagkulo, ihalo kaagad ang mga gulay at hipon . Halu-haluin at pag nagsimulang kumulo muli, ihalo ang tinunaw na cornstarch, timplahan ng toyo at sesame oil. Haluing mabuti at pagmasdan ang paglapot ng sabaw. Ihain kaagad.

Halos lahat ng Chinese restaurants, Pinoy at Chinoy foodcourt, carinderia, turo-turo, pares at jollijeep ay merong chopsuey. Para sa inyo saan ang may pinaka masarap na chopsuey?


Photos by Illem Guro

Tags: chinesenewyear   chopsuey  
Username   * required
Security Image Security Image  * required
 
NOTE: SPOT.ph editors reserve the right to moderate and delete comments, without notice, that contain abusive or threatening behavior, contain advertising, spam, profanity or malicious comments.
  • Be the first one to comment...
 
Search    ARTICLE   ESTABLISHMENT

ADVERTISEMENT

hindi naman scam ang mdqcc, sa katunayan may mga docs naman sila to operate...pero payo ko lang sa mga nagnanais mag franchise sa mdqcc, alam kong...

chan - May 24, 2012 | 5:44am

READ THE ARTICLE - Scam alert: DTI lists con artists targeting OFWs

" Chief Justice Corona Issue ".. Year 2012-13....

usa women newscaster assn. 2012. - May 24, 2012 | 1:59am

READ THE ARTICLE - Top 10 Cutest TV Newsmen in the Philippines

Eto na ang Moment of Truth para DAANG MATUWID ni Noy Noy. Everyone of those 188 plus Drilon should sign the Waiver hurled by Corona. Ang mga hindi...

Botante - May 24, 2012 | 1:19am

READ THE ARTICLE - Chief Justice Renato Corona now in ICU for "possible heart attack"

tama na away. panoorin na lang natin si toni. http://www.youtube.com/watch?v=R-yxUFcszYE&feature=related

Holycow69 - May 23, 2012 | 11:51pm

READ THE ARTICLE - Toni Gonzaga gets flak for her anti-Lady Gaga statements, Carlos Celdran tweets: "Are you for real?"

WHAT A SHAME.. PA SOSAL SOSYAL PA ANG ANAK NA SI DIVINE LEE, CORRUPT PALA AT ILLEGAL ANG AMA.. LESSONS ITO SA MGA KUNO ANAK MAYAMAN TO STAY HUMBLE...

tropicana 10 - May 23, 2012 | 11:27pm

READ THE ARTICLE - Arrest warrant issued for Globe Asiatique owner Delfin Lee, other company officials

EAT+DRINK
CHECK IT OUT: Season of the Crab at Li Li
Try out Hyatt's crab dishes this June.
ENTERTAINMENT
Where To Go Tonight: The Bar & Club Scene This Week
Your handy guide to the metro's hottest gigs and parties.
ENTERTAINMENT
Top 10 Things To Do To Savor The End of...
The season's ending, so make it last.
SHOPPING+SERVICES
Oakley unveils innovative eyewear and apparel in its new collection
Gear up for an active lifestyle.
EAT+DRINK
CHECK IT OUT: El Buono Pizza at Tomas Morato
Who says that you can't have everything - supersized?
SHOPPING+SERVICES
Top 10 Museums to Visit in Manila
Dive into culture in these museums.
VIDEOS
VIDEO: "Call Me Maybe" with Solenn Heussaff, Anne Curtis, Manny...
Beautiful showbiz people meet the planet's catchiest song.
VIDEOS
VIDEO: "It's More Fun..." Meme
The Department of Tourism recaps the greatest hits of their viral campaign.
VIDEOS
VIDEO: Juana Change stamps Chief Justice Corona guilty
Juana Change gives her two cents on the Corona impeachment proceedings.
VIDEOS
VIDEO: Kim Chiu and Enchong Dee's ASAP dance fumble
A complicated number that ended up on the dance floor—literally.
VIDEOS
Madonna's NFL Halftime Superbowl Spectacle Stuns
The Queen of Pop still has the moves and holds her own against Nicky Minaj, LMFAO, Cee Lo Green and MIA.
VIDEOS
Lourd de Veyra's modeling debut in Cosmo's January issue
Lourd trades t-shirts for sixties-style suits.
VIDEOS
Ford Supermodel of the World Danica Magpantay stars in her...
The young model is Globe Tattoo@Home's newest brand ambassador.
VIDEOS
Videos of Ate Vangie, the "Pinoy Siri" go viral
Meet "Vangie," the Taglish-speaking virtual assistant who can help you combat Manila traffic jams, make Pinoy spaghetti, and more.