Back to top
Impeachment for Morons
Di maintindihan ang nangyayaring impeachment trial? Isang primer ayon sa aming SPOT.ph blogger na si Lourd de Veyra.
By: Lourd de Veyra  |   Published on: Jan 24, 2012 - 8:56am

 

 

Dear bayaw,

Alam kong dumudugo na ang ilong mo sa mga pinapanood mo sa Senado. Hirap na hirap ka na nga sa kapapaypay kahit naka-puting sando ka pa na umiiyak na ang bawat hibla dahil sa laki ng iyong tiyan (Beer pa, ‘tol!). Para tulungan kang maintindihan ang pinakamainit na sitcom ngayon, heto ang ilan sa mga salitang tila gumugulo sa iyong isipan at nagpapadugo ng iyong ilong. Marami pa ‘yan, bayaw. Pero sa ngayon, eto muna.

IMPEACHMENT—  Ang akusahan ang isang opisyal ng gobyerno na gumawa ng katarantaduhan. Pero alam ko, bayaw, ang sasabihin mo: “Eh, araw-araw naman ay may opisyal na gumagawa ng katarantaduhan, di ba?”

Pero saan ba nanggaling ang salitang “impeach?” Bakit, anong kinalaman ng prutas (na ginagamit sa isang dessert sa Jollibee) sa pag-uusig sa isang opisyal ng gobyerno? Eto ang sabi ng Google na dinala ang katangahan ko sa Random House dictionary interwebs: Bandang 1350–1400; Middle English empechen, enpeshen  < Anglo-French empecher  < Late Latin impedicāre  to fetter, trap, equivalent to Latin im- im-1  + pedic ( a ) a fetter (derivative of pēs foot) + -ā-  thematic vowel + -re  infinitive suffix.” Gets mo? Di ko rin naintindihan eh. Nag-cut-and-paste lang ako. Parang yung ginagawa ng bunso mo pag nagre-research sa assignment sa school.

SAL-N— Papel na naglalaman ng lahat ng ari-arian at halaga ng iyong pagkatao. Kumbaga, bayaw, kung SALN mo ito, idedeklara mo yung owner-type jeep mo, yung bidyoke na regalo ng utol mo na galing Saudi, yung higanteng speakers na made in Raon, at yung kabuohang halaga ng mga ari-arian mo pati na rin ang mga utang mo. Oo, bayaw, pati yung utang mo sa tindahan ni Aling Maring, kailangan mong ilista. Ay, nakalista na ba? Bayaran mo, ha.

PROSECUTION— Kung nakikinig ka sa radio, yung naririnig mong boses ay hindi boses ng tsiks kundi si Congressman Niel Tupas ng Iloilo. Boses girl lang talaga siya. (And speaking of tsiks, baka iwanan mo ang misis mo pag napanood mo si Karen Jimeno, isa sa mga spokesperson ng depensa). Karamihan sa mga congressmen-prosecutors ay mukhang may mga gatas pa sa labi— mukhang high school debate team nga daw, sabi ng iba.

Sila ang prosecution team. Sila ang mga nag-aakusa, ang mga nagsasabing may sala si Corona at dapat i-impeach

DEFENSE PANEL—Mga mamahaling abogado na ang tungkulin ay supalpalin ang mga akusasyon ng mga prosecutors at sa huli ay maipakitang walang-sala at inosente ang kanilang kliyente. Mas sosyalin at mas mukhang mamahalin ang mga Amerkanang suot kesa sa mga prosecutors. Sanay manghalukay at maghanap ng butas sa mga argumento ng mga congressmen. Kahit kulang ng period o comma.  

Sa kasong ito, mga beterano. Mahahaba ang mga CV (curriculum vitae o para mas maintindihan mo, “bio data”) kumpara sa mga prosecution. Eksampol: Si dating Justice Secretary Serafin Cuevas ay na-admit sa bar nung 1952. Si Niel Tupas ay naging abogado lang nung taong 1998.  At hindi lang yan. Di hamak na mas matindi ang hairdo ni Cuevas— para daw Beats by Dr. Dre sabi ng isang idol kong komedyante. Buti wala nang ganung problema si Congressman Barzaga ng Cavite.

PRESIDING JUDGE— Trabaho niya ang mambara sa mga tatanga-tangang congressman na masyadong bibo pero hindi naman pala handa. Kahit matanda na siya at kaunti na lang ang natitirang oras sa mundong ito, kailangan niyang tawagin ang mga senator-judges hindi sa pamamagitan ng kanilang mga pangalan ngunit “the gentleman from ______.” Kunwari, hindi puwedeng “Senator Joker Arroyo.” Dapat the gentleman from Makati and Bicol.  Sa kasong ito, si Juan Ponce Enrile, na sa edad na 87, ay matalas pa rin ang pag-iisip at matalim pa rin ang dila. Anong vitamins kaya ang iniinom ng mama? Para ba siyang si Dolphy? Na nandito pa rin kahit malapit nang magunaw ang mundo? Maauna pa ba tayo lahat kay Enrile at Dolphy?

SENATOR-JUDGES— Lahat ng nakakikita mong nakasuot na kulay pulang kurtina. Oo, kasama diyan si Lito Lapid. Binoto mo kasi eh.

SUBPOENA DECUS TECUM—Sa Tagalog: “Dalhin mo dito yang papel na yan kung hindi kalaboso ka, hayup ka.” Ang tindi talaga ng lingwaheng Latin, ano? Sa sobrang tindi nga, namatay siya.

POSTPONEMENT— “Bukas na lang po. Tanga kasi kami at hindi kami handa. Naghahanap pa kami ng ebidensya.” Kumbaga sa pingpong, huwag muna ituloy ang laro. Bukas na lang. Naiwan ko yung raketa ko.

ARTICLES OF IMPEACHMENT— Katalogo ng mga akusasyon. Sa kasong ito, walo. Pero kahit saan magsimula. Ano-ano ba itong mga ito?

Unang artikulo: ang pagtanggap daw ni Corona sa midnight appointment. Ano ba ang midnight appointment? Ang pagtanggap sa isang katungkulan na lagpas na sa nakatakdang panahon. Ang hindi pag-file ng SALN, betrayal of public trust, yada, yada…. D*asy9deqwhkjenakd*&ASDASJknaseq2e-210eqmadl;asmlkxnasjdbad as,x csf0p234i23qmwedaw;d,.as ca=0v8-spfvd.

Shet. Inantok ako. Nakatulog at sumadsad ang mukha sa keyboard.

COMPUTER-GENERATED— Sabi ni Congressman Barzaga (Oo, tol. Siya yung makinis ang bumbunan. Yung kamukha ni Minyong na gitarista ni Apeng Daldal. Balang araw magiging ganun din ako). “Computer-generated.” Para namang yung PC ang nag-imbento ng mga numero ng SALN ni Corona, di ba? Napaka-old school ng kanyang terminilohiya, ‘no?  Mas mabuti ata ang “scanned copies.”

ONE LONG MINUTE — Sa totoong buhay, mga fifteen to twenty minutes. Dahil sensitibo na ang mga pantog ng maraming senador at may mga problema na sa pag-jingle.

AUTHENTICATED— Para patunayan na ang isang dokumento ay hindi pinagawa sa Recto.

HOSTILE WITNESS— Saksi na medyo bad vibes.

CLERK OF COURT— Kung Supreme Court justice ka, sa Clerk of Court mo ibibigay ang SALN mo. Pero hindi siya basta-bastang clerk tulad ng mga nasa LTO o post office. Yung napanood mo last week, yung parang nahihiya na natatatakot pero medyo mayabang (Oo! Yung parang may bigote) ay abogado rin pala. Kaya pumapalag pa nang konti kay Drilon.  

Buti na lang nandiyan si Drilon, na sa galing ng pagtatanong ay naipalabas ang katotohanan na dala pala ng maangas na Clerk of Court na dala pala niya ang SALN ni Corona— hindi lang daw puwedeng ilabas dahil kailangan pa muna ng paalam mula sa kanyang boss. Dah. Kaya nga sabi ng defense ay parang tumutulong daw sa mga inutil na prosecutors. Pero huwag mo sasabihin yan sa harap niya. Baka magaya ka kay Tatad at masigawan ng “What’s your problem!?” Malaking tao si Drilon (Hawig niya na halos si Juana Change).  Mahirap na.

GRAVE ABUSE OF DISCRETION—Nangkukupal. Lalo na sa pagtatanong.

CONTEMPT OF COURT— Kinukupal mo ang korte. Puwede kang ikulong. Gago at bastos ka kasi. Bastos!

 

 

Artwork by Warren Espejo

How do you feel about this article?
Win  
8
Yum  
0
Want!  
0
LOL  
0
Yuck  
0
WTF  
0
8
Total Votes
Related Articles
Username   * required
Security Code Security Code  * required
 
NOTE: SPOT.ph editors reserve the right to moderate and delete comments, without notice, that contain abusive or threatening behavior, contain advertising, spam, profanity or malicious comments.
25 Comments
  • Olympus
    ..idol lourd..tanong lang...paano ko malalaman kung mali na ang sinasabi ko sa publiko,...yung tipong pwede na akong idemanda sa salang pagkaungas dahil sa lahat ng mga kabalbalan (pero totoo) na sinasabi ko...eto kasi ang nagiging problema ng maraming kabataang gustong maging parang ikaw!!..medyo nakakatakot magsalita....baka naman pwede kang magmusay ng list of rules..
    Nov 10 2012 @ 11:30am     Reply  
  • Judge Derek
    Supalpal parati ki Inday Miriam yung kasimanwa niyang si Tupaz.Pero si Drilon talagang para sa Prosecution,nag sisipsip kasi ki Presidente. At ang tatlong Gurang dito ang parang mga Rock Stars: Enrile,87,Joker 85,at si Cuevas,83...
    Feb 21 2012 @ 11:50pm     Reply  
  • ungas1993
    Pareho pala kami ng iniisip ni Lourd kay Karen Jimeno LILF :))
    Feb 18 2012 @ 08:44pm     Reply  
  • naligaw lang ako
    hahaha! ang sakit sa bangs panoorin ng impeachment... mas maganda yatang mag bato bato pik na lang sila para matapos na. nagsasayang lang ng oras eh..
    Feb 07 2012 @ 05:03pm     Reply  
  • Beer Ninay
    SANA MARAMING MAKABASA NITO :) AT SANA MARAMI TAYONG LOURD DE VEYRA SA GOBYERNO :)
    Feb 06 2012 @ 02:35pm     Reply  
  • estribo boy
    Drilon = Juana Change

    Panalo!!.. hahaha...
    Jan 31 2012 @ 02:23pm     Reply  
  • kk
    thank you for this lourd. :) more articles please.. :) ay wag baka sabihin mo nangkuk*p*l ako sa pag demand
    Jan 30 2012 @ 08:05pm     Reply  
  • kawaan-ka-ni-lourd
    SUBPOENA DECUS TECUM—Sa Tagalog: “Dalhin mo dito yang papel na yan kung hindi kalaboso ka, hayup ka.”

    hahahaha dami kong tawa dito..
    Jan 30 2012 @ 05:22pm     Reply  
  • RIHANNA piranha
    masuerte pala tayong na nsa bahay.puede taung uminom ng tubig na 'di tini tipid. at tumayo para kumain o mag banyo.ganu'n pala ka strict sa loob ng court/senate happy yippie yeahey.nakapsa ako sa job interview. bayaw lourd bakitt wala c munggo sa wasak..wala sa hulog ung bodyguard ni mayor .ep ng bitag.pumapatol sa babai.'di na bitin ang t3 at aksyon..
    Jan 29 2012 @ 04:50pm     Reply  
  • alberto glory
    De kalibre ang defense..idol ko si Ret.jus. cuevas at siempre si jpe. ok lang 'yan tolits. naalala ko sa'yo c saint john Mary Vianney Patron saint of the parish Priests he had a poor memory,little ability for abstract thought,and simply could not grasp the fundamentals of such subjects as Latin and theology.Although his piety was reconized,he flunked out of seminary. As a young man, his fervent desire was to become a priest,but his own intellectual shortcomings made that dream nearly impossible. the examiner of candidates for ordination.The examiner saw jean academics deficiencies,but also saw his holiness and suitability for the Priesthood. bayaw hipag lourd kailan uli ang book signing 'di ako nakapunta sa sm manila .
    Jan 29 2012 @ 03:45pm     Reply  
  • tin
    nakakafrustrate talaga kung paano tumatakbo ang impeachment ni Corona ngayon..sa sobrang engot ng mga prosecutors, pinaglalaruan na lang sila ni justice Cuevas
    Jan 28 2012 @ 12:52pm     Reply  
  • mylourd
    I'd bought the latest book of Lourd called Super Panalo Sounds and it's a great book of his. Buy it now on National Bookstore just P200 on this book. ;)
    Jan 27 2012 @ 08:35pm     Reply  
  • psyote
    Sana mabasa to ng mga prosecutors para naman di nagmumukhang sundalong walang baril sa gitna ng gera. Sa mga prosecutors at dito sa article ni sir lourd lang ako natatawa sa buong impeachment circus na yan e haha. Ganda choice of word: Nangkuk*p*l at Kinuk*p*l haha palagi ko nagagamit yang mga term na yan sa opisina eh.
    Jan 27 2012 @ 09:41am     Reply  
  • mylourd
    ayan, napanood ko si sen. miriam kanina sa impeachment hearing, ang galing niya mag-illonga kapag galit at minura niya ang mga defender at prosecution layers kanina kahit na pagka-sosy siya magsalita ng Ingles na mukhang galing sa Harvard, Alabang at call centers. :D
    Jan 25 2012 @ 07:54pm     Reply  
  • Scotty
    Warren Espejo! I am your number 1 fan! I follow your tumblr at warespejo.tumblr.com
    Jan 25 2012 @ 02:58pm     Reply  
  • Crazy Cat
    Warren Espejo rocks! Bumili na tayo ng mga work n'ya bago sobrang sumikat na rin sya at mag-mahal na. Hehehe.
    Jan 25 2012 @ 02:22pm     Reply  
  • Genuine
    Yup, that artwork could easily be a t-shirt graphic. Man, De Veyra is something, making fun of the sedate. Keep it up!
    Jan 25 2012 @ 02:03pm     Reply  
  • joy
    now i know!
    Jan 25 2012 @ 11:12am     Reply  
  • Moises Valiente III
    astig mga artwork ni Warren Espejo, pati sa "This Is A Crazy Planets'", sana mai-exhibit sa Kanto
    Jan 24 2012 @ 07:01pm     Reply  
  • Gelo
    Bull's eye. Hindi na kelang ng kung anu anong analysis.
    Jan 24 2012 @ 01:49pm     Reply  
  • just saying
    Mas funny si PH: professionalheckler.wordpress.com

    PEACE!
    Jan 24 2012 @ 01:41pm     Reply  
  • carlo
    daming typos. pakiayos naman tol bago ko balikan ang pagbabasa.
    Jan 24 2012 @ 01:35pm     Reply  
  • booman
    sobrang laniwan ako sa lahat, sana ganito na lang sa senado (ung paguusap nila may kasamang mura)kaysa maririnig ang nakakasawang pagsisinungaling nila
    Jan 24 2012 @ 12:12pm     Reply  
  • e-lobrino
    weak ngayon ah. parang pinalabas na to sa Sapul sa Singko minus the expletives.
    Jan 24 2012 @ 11:36am     Reply  
  • vina
    OMG...87 na si Enrile!
    salamat Lourd at bumalik ka muli sa dati mong gawi....ang patawanin kaming suki ng SPOT...MABUHAY KA!
    Jan 24 2012 @ 11:18am     Reply  
1 to 20 of 25