Impeachment for Morons

Di maintindihan ang nangyayaring impeachment trial? Isang primer ayon sa aming SPOT.ph blogger na si Lourd de Veyra.

 

 

Dear bayaw,

Alam kong dumudugo na ang ilong mo sa mga pinapanood mo sa Senado. Hirap na hirap ka na nga sa kapapaypay kahit naka-puting sando ka pa na umiiyak na ang bawat hibla dahil sa laki ng iyong tiyan (Beer pa, 'tol!). Para tulungan kang maintindihan ang pinakamainit na sitcom ngayon, heto ang ilan sa mga salitang tila gumugulo sa iyong isipan at nagpapadugo ng iyong ilong. Marami pa 'yan, bayaw. Pero sa ngayon, eto muna.

IMPEACHMENT-  Ang akusahan ang isang opisyal ng gobyerno na gumawa ng katarantaduhan. Pero alam ko, bayaw, ang sasabihin mo: "Eh, araw-araw naman ay may opisyal na gumagawa ng katarantaduhan, di ba?"

Pero saan ba nanggaling ang salitang "impeach?" Bakit, anong kinalaman ng prutas (na ginagamit sa isang dessert sa Jollibee) sa pag-uusig sa isang opisyal ng gobyerno? Eto ang sabi ng Google na dinala ang katangahan ko sa Random House dictionary interwebs: Bandang 1350-1400; Middle English empechen, enpeshen  < Anglo-French empecher  < Late Latin impedicāre  to fetter, trap, equivalent to Latin im- im-1  + pedic ( a ) a fetter (derivative of pēs foot) + -ā-  thematic vowel + -re  infinitive suffix." Gets mo? Di ko rin naintindihan eh. Nag-cut-and-paste lang ako. Parang yung ginagawa ng bunso mo pag nagre-research sa assignment sa school.

SAL-N- Papel na naglalaman ng lahat ng ari-arian at halaga ng iyong pagkatao. Kumbaga, bayaw, kung SALN mo ito, idedeklara mo yung owner-type jeep mo, yung bidyoke na regalo ng utol mo na galing Saudi, yung higanteng speakers na made in Raon, at yung kabuohang halaga ng mga ari-arian mo pati na rin ang mga utang mo. Oo, bayaw, pati yung utang mo sa tindahan ni Aling Maring, kailangan mong ilista. Ay, nakalista na ba? Bayaran mo, ha.

PROSECUTION- Kung nakikinig ka sa radio, yung naririnig mong boses ay hindi boses ng tsiks kundi si Congressman Niel Tupas ng Iloilo. Boses girl lang talaga siya. (And speaking of tsiks, baka iwanan mo ang misis mo pag napanood mo si Karen Jimeno, isa sa mga spokesperson ng depensa). Karamihan sa mga congressmen-prosecutors ay mukhang may mga gatas pa sa labi- mukhang high school debate team nga daw, sabi ng iba.

Sila ang prosecution team. Sila ang mga nag-aakusa, ang mga nagsasabing may sala si Corona at dapat i-impeach

DEFENSE PANEL-Mga mamahaling abogado na ang tungkulin ay supalpalin ang mga akusasyon ng mga prosecutors at sa huli ay maipakitang walang-sala at inosente ang kanilang kliyente. Mas sosyalin at mas mukhang mamahalin ang mga Amerkanang suot kesa sa mga prosecutors. Sanay manghalukay at maghanap ng butas sa mga argumento ng mga congressmen. Kahit kulang ng period o comma.  

Sa kasong ito, mga beterano. Mahahaba ang mga CV (curriculum vitae o para mas maintindihan mo, "bio data") kumpara sa mga prosecution. Eksampol: Si dating Justice Secretary Serafin Cuevas ay na-admit sa bar nung 1952. Si Niel Tupas ay naging abogado lang nung taong 1998.  At hindi lang yan. Di hamak na mas matindi ang hairdo ni Cuevas- para daw Beats by Dr. Dre sabi ng isang idol kong komedyante. Buti wala nang ganung problema si Congressman Barzaga ng Cavite.

PRESIDING JUDGE- Trabaho niya ang mambara sa mga tatanga-tangang congressman na masyadong bibo pero hindi naman pala handa. Kahit matanda na siya at kaunti na lang ang natitirang oras sa mundong ito, kailangan niyang tawagin ang mga senator-judges hindi sa pamamagitan ng kanilang mga pangalan ngunit "the gentleman from ______." Kunwari, hindi puwedeng "Senator Joker Arroyo." Dapat the gentleman from Makati and Bicol.  Sa kasong ito, si Juan Ponce Enrile, na sa edad na 87, ay matalas pa rin ang pag-iisip at matalim pa rin ang dila. Anong vitamins kaya ang iniinom ng mama? Para ba siyang si Dolphy? Na nandito pa rin kahit malapit nang magunaw ang mundo? Maauna pa ba tayo lahat kay Enrile at Dolphy?

SENATOR-JUDGES- Lahat ng nakakikita mong nakasuot na kulay pulang kurtina. Oo, kasama diyan si Lito Lapid. Binoto mo kasi eh.

SUBPOENA DECUS TECUM-Sa Tagalog: "Dalhin mo dito yang papel na yan kung hindi kalaboso ka, hayup ka." Ang tindi talaga ng lingwaheng Latin, ano? Sa sobrang tindi nga, namatay siya.

POSTPONEMENT- "Bukas na lang po. Tanga kasi kami at hindi kami handa. Naghahanap pa kami ng ebidensya." Kumbaga sa pingpong, huwag muna ituloy ang laro. Bukas na lang. Naiwan ko yung raketa ko.

ARTICLES OF IMPEACHMENT- Katalogo ng mga akusasyon. Sa kasong ito, walo. Pero kahit saan magsimula. Ano-ano ba itong mga ito?

Unang artikulo: ang pagtanggap daw ni Corona sa midnight appointment. Ano ba ang midnight appointment? Ang pagtanggap sa isang katungkulan na lagpas na sa nakatakdang panahon. Ang hindi pag-file ng SALN, betrayal of public trust, yada, yada.... D*asy9deqwhkjenakd*&ASDASJknaseq2e-210eqmadl;asmlkxnasjdbad as,x csf0p234i23qmwedaw;d,.as ca=0v8-spfvd.

Shet. Inantok ako. Nakatulog at sumadsad ang mukha sa keyboard.

COMPUTER-GENERATED- Sabi ni Congressman Barzaga (Oo, tol. Siya yung makinis ang bumbunan. Yung kamukha ni Minyong na gitarista ni Apeng Daldal. Balang araw magiging ganun din ako). "Computer-generated." Para namang yung PC ang nag-imbento ng mga numero ng SALN ni Corona, di ba? Napaka-old school ng kanyang terminilohiya, 'no?  Mas mabuti ata ang "scanned copies."

ONE LONG MINUTE - Sa totoong buhay, mga fifteen to twenty minutes. Dahil sensitibo na ang mga pantog ng maraming senador at may mga problema na sa pag-jingle.

AUTHENTICATED- Para patunayan na ang isang dokumento ay hindi pinagawa sa Recto.

HOSTILE WITNESS- Saksi na medyo bad vibes.

CLERK OF COURT- Kung Supreme Court justice ka, sa Clerk of Court mo ibibigay ang SALN mo. Pero hindi siya basta-bastang clerk tulad ng mga nasa LTO o post office. Yung napanood mo last week, yung parang nahihiya na natatatakot pero medyo mayabang (Oo! Yung parang may bigote) ay abogado rin pala. Kaya pumapalag pa nang konti kay Drilon.  

Buti na lang nandiyan si Drilon, na sa galing ng pagtatanong ay naipalabas ang katotohanan na dala pala ng maangas na Clerk of Court na dala pala niya ang SALN ni Corona- hindi lang daw puwedeng ilabas dahil kailangan pa muna ng paalam mula sa kanyang boss. Dah. Kaya nga sabi ng defense ay parang tumutulong daw sa mga inutil na prosecutors. Pero huwag mo sasabihin yan sa harap niya. Baka magaya ka kay Tatad at masigawan ng "What's your problem!?" Malaking tao si Drilon (Hawig niya na halos si Juana Change).  Mahirap na.

GRAVE ABUSE OF DISCRETION-Nangkukupal. Lalo na sa pagtatanong.

CONTEMPT OF COURT- Kinukupal mo ang korte. Puwede kang ikulong. Gago at bastos ka kasi. Bastos!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

 

Artwork by Warren Espejo

Tell us your #feels!

Win
Yum
LOL
WTF
0
Total votes
View more stories tagged ""

Read more stories about

Comments

Latest Stories

Load More Stories

SUBSCRIBE TO NEWSLETTER

Get the latest updates right in your inbox!