On the Spot: Stanley Chi, Author of Pogi Points

From suplado...to gwapo, este, pogi. Yes, there’s a big difference.

(SPOT.ph) Random tips from Stanley Chi’s new book, Pogi Points, available now in bookstores around the nation (whether pogi or otherwise):


1. Being pogi is a choice...kung ayaw mong maging pogi, eh ’di huwag!
2. Ang pagpapanggap ay isang matinding asset kapag ikaw ay magpapa-cute sa chicks...Use it wisely!
3. POGI-Presence of God Inside

 

Dear God...why have we not put this guy On the Spot yet?

 

To be fair, Stanley Chi did make it into our 2011 list of Top 10 Ugly-Sexy Hotties-number six, several notches below Ramon Bautista, as he reminded us during the interview. But that was when he was still suplado, dishing out Suplado Tips with aplomb via social networks and, later, two successful books. Now, he’s also pogi, and we pick his brains over some coffee to finally get to the root of his pogi philosophy. (Trust us...he’s thought deep and hard about it.)

 

Read on to get the inside, pogi-certified score on Daniel Craig, natural-born handsomeness, and how ultramarathoners can actually become ugly.

 

 

You first broke into the scene with your Manila Bulletin comic strip, Chopsticks, which pokes fun at the tsinoy community. As a tsinoy yourself, what are the usual stereotypes Pinoys have of Fil-Chinese?

 

Number one, kuripot. Number two, business-minded. Number three, magaling sa math. Number four, naka-sando palagi. Number five, may hardware [store]. Tapos isa, office sa baba, bahay sa second floor. Tapos ’yung laging tinatanong sa akin, pag Chinese ka, dapat bang Chinese rin ang mapapangasawa mo? Tsaka akala nila, marunong kang mag-karate.

 

Nung nagwo-work ako, nag-e-MRT ako, nagka-cab ako. ’Yung mga officemates ko, inisip nila mayaman ako. Pinagti-tripan nila ako na "Ah, si Stanley, low profile lang iyan. Nakaparada ’yung Pajero niya sa kabilang kanto para ’di lang ma-kidnap." ’Yun, isa pa iyon! Takot [raw kami] ma-kidnap! Tsaka they always have this notion that the Chinese look down on Pinoys. It’s not true.

 

 

Moving on to your latest book, Pogi Points...when did you realize that you were pogi?

 

Actually, hindi ko naman alam na bina-brand ako as pogi e. ’Yun naman talaga ang style e: kung pogi ka, kunwari ’di mo alam na pogi ka. Mas dagdag pogi points ’yan sa mga tsiks, e. Parang ’pag nanonood ka ng TV, tapos tinatanong ka, "Do you find yourself pogi?" sasabihin ng gwapong artist, "Oh, no, no! ’Di ako pogi. Cute lang ako."


So there are levels?

 

Oo. May pogi, may cute, may gwapo, may heartthrob, may Adonis. Mga pogi, nasa above-average ka. May mga taong pinanganak na gwapo eh. ’Yung kapogian, pwedeng pag-aralan yun. ’Yung natural-born na gwapo, hayaan na lang natin silang magpa-cute, kasi hanggang doon lang sila. (Laughs) ’Yung mga pogi, ma-abilidad iyan.

 

 

But if you’re a natural-born gwapo, plus you learn the art of being pogi...wouldn’t you be unstoppable?

 

Walang ganun eh. Kasi kung gwapo ka na, parang amplastik naman kung ’di mo i-acknowledge sa sarili mo ang kagwapuhan mo, ’di ba? Overconfident na kasi ang mga gwapo eh. Mga pogi, iyun ang mga nag-e-effort, at iyun ang hinahanap ng mga girls.

 

Gaya niyan! Nahanap nila ang mga kagaya ni Zoren, ’di ba? Kung naghahanap kayo ng mga kagaya ni Zoren, siguraduhin niyo munang kamukha kayo si Carmina.

 

 

Your fellow Manila International Bookfair endorser, Ramon Bautista, released a book (same time as you) called "Ba’t Hindi Ka Crush ng Crush Mo?" How would you answer this question?

 

Nagsulat ako ng foreword sa book niya, tapos nag-create rin ako ng komiks para dun. Anyway, ba’t hindi ka crush ng crush mo? I have three simple reasons. Number one, ’di ka mayaman. Number two, ’di ka type ng babae. Number three, panget ka lang talaga.


 

You created a book on being "suplado" before you moved on to being "gwapo." Which is the more important skill?

 

Kailangan mag-suplado ka muna. Ginawa ko lang [na title] ang ’Suplado Tips’ para ma-intriga sila. It’s really an underdog’s guide to empowerment. Kasi, ang bully, ’pag iniisip nila na ’di ka lalaban, ibu-bully ka lang niya palagi eh. Pero, if suplado ka, magdadalawang-isip ang mga iyan.

 

 

Is this from personal experience?

 

Oo. (Laughs) Pero kailangan kang maging suplado ka na naaayon sa sitwasyon.

 

 

What is the fine line between pagka-metro and pagka-pogi?

 

Siguro naman kung metro ka... (Laughs) Alam niyo naman ’yung metro, diba? It’s a euphemism for, ano.

 

Kailangan ’di mo memorize ang kanta ng One Direction. ’Ika nga naman nina Ramon [Bautista] at Boy’s Night Out, pag na-memorize mo iyan, dapat magduda na ang girlfriend mo o kaya ’yung nililigawan mo.

 

Tatanuningin mo, "Sino favorite singer mo?" tapos sabihin niyan, "Taylor Swift"? Patay. O kaya pag bumibirit siya ng Mariah, medyo question mark na iyun.

 

 

How long would it take for one to become pogi?

 

Dapat constant na pinag-aaralan mo iyan e. Kasi nagbabago ang taste ng mga girls eh. Dati, ’pag may mga tattoo ka, iniisip nila, para kang nakulong. Ngayon, ’pag naka-tattoo ka, porma mo na. Artist. Dati, nung 80s, masikip ang mga suot. Nung 90s naging maluwag. Ngayon, sinusulit yung mga skinny jeans.

 

By the way, ’wag kang magsi-skinny jeans ’pag mataba ka, ha.


 

Photo courtesy of Stanley Chi

 

How does money factor into the equation?

 

’Yung pera, magagamit mo lang iyan para ma-enhance ang pagiging pogi mo. Halimbawa, ’pag talagang panget ka, pero mayaman ka, eh di bumili ka na lang ng kotse. Tapos magsuot ka ng mga branded na damit. Pero may disclaimer ako: wala iyan sa tatak ng damit, nasa nagdadala pa rin iyan.

 

One tip para malaman mo kung type ka ng girl. Kung wala kang pera, utangan mo ’yung girl. ’Pag pinautang ka ng girl, type ka nun. ’Pag di ka na siningil, mahal ka na!

 

 

Can girls become pogi?

 

Well, kung gusto nilang maging pogi, choice nila iyan! May mga nakita akong babae na nagbabasa ng Pogi Points. Kanya-kanya iyan, nirerespeto ko naman.

 

 

What is your pogi tip for ultramarathoners?

 

Pogi tip ko sa kanila ay, ’pag nag-marathon ka at pauwi ka na, ’wag kayong sumakay ng elevator. Panindigan niyo naman ang pagiging marathoner niyo! Nagma-marathon ka nga, pero nakatira ka sa building, mag-e-elevator ka pa...’wag na tayong mag-lokohan!

 

 

How about for MRT riders?

 

Syempre, kailangan na gentleman ka. ’Wag mo nang istaylan na kahit nakaupo ka, kunwari tulog ka para pwede ka tumayo. Ako nga, ’di na nga ako umuupo pag naka-MRT o LRT.

 

 

Pogi advice for comedy book authors?

 

Find a niche. Kung anong gusto mong isulat, iyan ang isulat mo. If you like writing essays na seryoso, iyan ang i-pursue mo. Kung ’di ka happy sa ginagawa mo, magiging miserable rin ang buhay mo.

 


 

If I were a girl, what would your pick-up line be for me?

 

(Thinks for a moment) "Nasa akin na ang lahat..." Sabihin mo, "Pero?"

 

 

Pero?

 

"...ikaw na lang ang kulang." O di ba? Andyan na lahat-pogi, suplado...ikaw na lang talaga ang kulang! Pero kailangan ’pag na-deliver mo iyan, poker face dapat.

 

 

And what would your pick-up line be for everyone out there, to convince them to get a copy of Pogi Points?

 

There are tips, and trivia, tapos may mga hirit sa ilalim [ng page]. There are comics sa loob. I had a pictorial with some cosplayers na ginawa kong parang komiks, and then I have Top 10 tips, kung paano manligaw ng mga religious na babae, paano manligaw ng Chinese na babae. May mga pogi stories-some writers and bloggers contributed. Maraming palabok dun sa book.

 

Kung basahin mo ’yung book, magiging pogi ka. Kung babae at basahin niyo ’yung book, try niyo lang, wala namang mawawala eh.

 

 

Other than yourself, who is the most pogi guy in the world?

 

Syempre, ’yung mga kamukha ko na, ’di ba? Tsaka si Daniel Craig. ’Yan ang ultimate na suplado tsaka pogi! Nasa kanya na ang lahat. Ikaw na lang ang kulang!


Tell us your #feels!

Win
Yum
LOL
2
WTF
2
Total votes
View more stories tagged ""

Read more stories about

Comments

Latest Stories

Load More Stories

SUBSCRIBE TO NEWSLETTER

Get the latest updates right in your inbox!