Back to top
In Defense of Lito Lapid
Ang mga Senate bill ni Lito Lapid ay "batas na may puso. Importante ‘yan sa politika," sabi ng aming SPOT.ph blogger, Lourd de Veyra.
By: Lourd de Veyra  |   Published on: Feb 10, 2012 - 9:30am

 

(SPOT.ph) Hindi ako nang-aasar pag sinabi kong idol ko si Lito Lapid.

 

Seryoso ako: idol na idol ko si Lito Lapid nung ako’y bata pa. Kung hindi ka lumaki sa probinsiya nung 1980s, hindi mo ito maiintindihan. Halos umiyak ako ng dugo at naglupasay sa harap ng nanay ko nung ayaw niya akong dalhin sa sine para manood ng Geronimo, ang pelikula kung saan siya gumanap na Indian (“Indian” as in Native American a.k.a. Indian Pana as opposed to “Bumbay”). Kung paano nagkaroon ng mga Indian at mga cowboy sa Pilipinas ayon sa pelikula, huwag niyo na akong tanungin—akala ko talaga noon ay may tribo ng mga Indian sa Pilipinas.


Hindi ko na rin masyadong maalala yung kwento. Pero ang tumatak talaga sa akin ay yung eksena na nakikipag-paluan siya ng palakol sa ibabaw ng isang net na naka-stretch sa dalawang magkatapat na dulo ng bangin. Wasak yun. Ang lalim pa ng bangin. At siguradong walang daya dahil hindi pa naman uso ang mga special effects dati. Pero ang taas nung pinaglalabanan nila na pag napunit o nabutas ang net, alam mong hindi sila mabubuhay pag nahulog sila sa putanginang bangin. Hayop din yung theme song (“Geronimo… Sikapin mooooo….”) na parang opera tenor pa ang kumanta.


Ibang klase si Lito Lapid. Siya yata yung unang action star na kinabaliwan ko. Hindi ko masyadong trip si FPJ dahil natatandaan ako sa kanya (maliban sa idol siya ng erpat kong pulis). Ang angas ng tikas pero simpatico naman ang dating. Medyo bobcut ang buhok, may konting bangs at bahagyang tumatakip sa tenga ang gilid. May manipis na parang nagbibinatang bigote, na marka ng pagiging tunay na lalake. Mahilig siyang magsuot ng masikip na maong at leather boots na abot halos sa tuhod. At polong masikip na naka-rolyo ang manggas at bukas ang dibdib.


Hindi siya kaguwapuhan. “May hitsura lang,” ika nga ni Jun Sabayton. Rugged na macho ang dating. Hindi siya mahusay na actor. In fact, medyo one-dimensional lang ang estilo niya. Hirap umiyak. Pero bakit kailangan mong umiyak kung kaya mo namang magpaikot-ikot sa baras habang paa mo lang ang nakasabit? Kung kaya mong tumalon at sumipa ng baril na parang sa sepak takraw? Kung kaya mong dumaosdos sa semento habang bumabaril-baril? Kahit sa Hollywood wala pa akong nakikitang gumawa noon. Ang kanyang kilos: 'yun talaga ang pinakamalupit sa lahat. Wala nang katulad niyang action star ngayon (To begin with, wala nang action star ngayon).  Ika nga, they don’t make ‘em like they used to. Pero kahit sila Robin Padilla ay hindi ko nakitaan ng ganoong klaseng moves. Tingnan mo na lang ang choreography ng bugbugang ito sa Kastilyong Buhangin. Grabe.

 

 

Stuntman kasi siya dati—at noong kasikatan niya, siya rin mismo ang gumagawa ng mga delikadong stunts, sa panahon na hindi pa uso ang mga wire-wire na ginagamit sa mga kung fu movies ngayon. Walang double-double. Ang isang kilala kong ganun ay si Jackie Chan. Na idol ko rin matapos mapanood ang Snake in the Eagle’s Shadow at Drunken Master.

 

Ibang klase ang mga action films ni Lito Lapid. Kinakailangan ng suspension of disbelief, ika nga. Ine-etsapuwera ang lahat ng batas ng pisika at natural na mundo. 'Wag mo nang tanungin kung paano nahahati ng kutsilyo ang bala at tinatamaan ang dalawang taong tumatakbong palayo. 'Wag mo nang kwestiyunin kung paano siya nakakatumbling  sa ere nang dalawang beses habang bumabaril. 'Wag itong tawaging absurdo. Mas bagay siguro kung “postmoderno”—sa mga panahon na hindi pa natin alam ito. Imposible raw mangyari sa totoong buhay ang mga pinaggagagawa ni Lito Lapid. Eh ano ngayon? Imposible rin naman ang mga nangyayari sa Shake, Rattle, and Roll, 'di ba? Wala namang nagtatatawa nung nagliliparan sa taas ng mga puno at ilog ang mga tao sa Crouching Tiger, Hidden Dragon. At hindi rin naman kapani-paniwala sa totoong buhay na mapapabagsak ni Bruce Lee ang isandaang karatista gamit lang ang isang chako. Katarantaduhan 'yun. Ang sinumang magsasabi na “Kaya talaga ni Bruce Lee yun!” ay ang mga uto-uto na naniniwalang philosopher din si Bruce Lee (Sinusulat ko ito habang naka-tune in sa Bruce Lee Lives sa NatGeo. May mga skateboarder at artista na nagpapakalalim. Magbasa naman kasi kayo paminsan-minsan).

 

Lito Lapid as Julio Valiente



Noong tumanda na ako, naglaho na lang sa aking alaala si Lito Lapid. Nahumaling ako sa mga robot-robot at mga horror movies, at 'di nagtagal ay nagkaroon ng panlasa sa mga pelikulang nasa kategoryang “seryoso” (as in nakatitig lang sa malayo at parang walang istorya). Ang mga katagang “Julio Valiente,” “Leon Guerreo,” at “Julian Vaquero” ay naging laman lang ng mga kuwentuhang katatawanan sa eskwelahan.



Masuwerte si Bruce Lee at pumanaw siya nang maaga sa edad na 32—sa kainitan ng kanyang kasikatan. Ganun talaga ang kabalintunaan ng buhay. Ang mga namamatay nang maaga ay nabubuhay nang walang hanggan. Example: John Lennon (Sige nga, sino ang may gustong bumili ng latest album ni Paul McCartney?)



Si Lito Lapid ngayon ay 56 years old at pitong taon nang senador ng Republika ng Filipinas. Tinawag siya sa editorial ng isang broadsheet na “the pride and shame of Pampanga.” May joke sa mga reporters na nagco-cover ng senado: siya raw ang chairman ng committee on silence dahil hindi siya nagsasalita (At apparently, hindi rin daw totoo ang tsimis na si Jeric Raval ang kanyang chief of staff). Sa larangan ng lehislatura, ang pangalan niya ay instant punchline. Dati sila Jaworksi at Ramon Revilla Sr. Si Lapid—kasama ang dalawang pangalang ito—ay ang sinasabing ehemplo ng “democracy at work (Sa Tagalog: “nagkanda-leche-leche na.”). Ito na ang kanyang ikalawang termino. Una siyang binoto noong 2004. Pangalawa noong 2010. God help us all.

1
   Next Page
Most Read
Most Shared



How do you feel about this article?
Win  
16
Yum  
1
Want!  
1
LOL  
3
Yuck  
0
WTF  
0
21
Total Votes
Related Articles
Username   * required
Security Code Security Code  * required
 
NOTE: SPOT.ph editors reserve the right to moderate and delete comments, without notice, that contain abusive or threatening behavior, contain advertising, spam, profanity or malicious comments.
25 Comments
  • MANG FREDIE
    "Bakit may triplets? May Fourplets? Dati wala" hahaha
    Ang RH Bill nga naman :)
    6 months ago     Reply  
  • unlapi
    o, 'bat tumatawa na naman kayo?
    Jul 19 2012 @ 01:17am     Reply  
  • mylourd
    mabuti hinatulan niya si Corona noong Martes na guilty ang verdict. At medyo galit siya noong sinabi niya ang salita na yan, pang-action star talaga! :D
    May 31 2012 @ 08:45pm     Reply  
  • walang name
    Maganda yang mga naipasang batas ni Lapid, may sense kaysa naman sa kagaguhang anti-planking law.
    Apr 29 2012 @ 02:14pm     Reply  
  • asdf
    mabuhay si jollibee.
    Apr 14 2012 @ 04:05pm     Reply  
  • indolentfilipino
    Ok na ang katulad niya na kahit hindi masyadong matalino, e may puso naman. Di katulad ng iba na matalino nga, puro pangungurakot naman ang inaatupag
    Mar 06 2012 @ 10:50pm     Reply  
  • Jiya
    Ang okay naman kay Lito aminado siya ne medyo mahina siya sa mga batas na yan at humihingi muna siya ng abiso mula sa kapwa senador bago magdesisyon tungkol sa usapin sa Impeachment. Marami naman palang panukala batas edi ok, tapos pipili na lang ng mga matitinong batas kesa naman sa iba na galing pa ata ng Bicol tapos ang panukala e baguhin ang pangalan ng EDSA.Hindi naman lahat perpekto, ikaw ba nasabi mong hindi ka pa nagkakamali sa mga desisyon mo?First things first, we must unite to educate our people para malimitahan ang mga ganitong pangyayari na ayaw niyo naman makita.Hindi yung puro kutya lang. Mas ok ata kung makita yung kung titignan natin yung mga positibo at magfocus sa mga yun hindi lang puro mali.
    Mar 04 2012 @ 12:27pm     Reply  
  • Ama ng Tulisan
    Tama ka Anak! Ang milyong milyong MASANG TANGA,ang dapat sishin kung bakit andiyan siya sa Senado!
    Mar 03 2012 @ 11:38pm     Reply  
  • Cul de SAC 26
    YOHOO.. lito palos lapid...
    Feb 28 2012 @ 08:03pm     Reply  
  • Anak ng Tulisan
    Minsan kasi aminin man natin o hindi yung inis or galit natin sa isang tao front lang natin yun kung susuriin "inggit" lang naman yun. Siyempre nga naman galing lang siya sa mahirap na pamilya at halos no read no write siya pero ngayon di amerikanang suot at nasa malamig na kwarto ng senado nag-oopisina. Hindi kasalanan ng isang Lito Lapid na kasalukuyan nanunungkulan sa bayan ngayon ang dapat kwesyunin eh yung sampung million bumoto sa kanya kung sinuri ba nilang mabuti ang kakayahan ng isang Lito Lapid para pagkatiwala nila ang isang posisyon sa gobyerno.
    Feb 27 2012 @ 02:25am     Reply  
  • yellow magic mashroom sutra
    hanep bumato ng pauch line nung lunes..pagod ka na ba.juloi valienteidol din kita.
    Feb 25 2012 @ 08:42am     Reply  
  • thefan
    ang kulit ng article mo kay Lito Lapid..hahaha
    Feb 25 2012 @ 03:07am     Reply  
  • Cochise
    Gumawa ng sine si Lapid tungkol sa Apache chieftain na si Geronimo? Thanks for the info Lourd! kunsabagay, yung nadaanan ng Lahar sa Fampanga eh para na ring Southwest sa US.
    Pero seriously, dapat gumawa ng batas na bawal ng bumoto ang mga mangmang na sektor ng Pilipinas dahil iyang mga iyan ang nagluluklok na mga kapais ni Erap, Lapid,Revilla etc. Iyan ang PostModern Bill!
    Feb 22 2012 @ 12:25am     Reply  
  • M.e couple power sos
    Maiba ako, anak ba ni george banal si Bolet banal jr.ng Moss?magkamukha sila eh.nasaan na kaya si red sternberg biglang nawala sa eksena pati si chubi del rosario?pang club ung tugtog sa rumble shower.
    Feb 18 2012 @ 09:33am     Reply  
  • ynzo12
    sarap basahin..
    Feb 18 2012 @ 07:20am     Reply  
  • Genuine
    kk, it's the love of money that is the root of all evil. Passivity and money itself has got nothing to do with it.
    Feb 16 2012 @ 09:15pm     Reply  
  • kk
    I didn't want to say the obvious about lito lapid, coz its mean and he hasn't done anything wrong to me (personally), also because the senate bill 2179 isn't complete trash. We can not be passive forever though, that might just be the root of all evil and not money. If lito remains a senator and be a president one day then that just means we have all refused to give a damn. but from the looks of things.. we have stopped giving a damn a long time ago coz as far as i can see lito isn't the only one just warming a seat in the senate or the congress and so on...
    Feb 15 2012 @ 03:18pm     Reply  
  • Idol ko na si Lito Lapid
    Galing mo sir Lourd!..Sa totoo lang, hindi ko idol si Lito Lapid. Isa nga ako sa mga taong tinatawa tawanan sya dahil minsan na nga lang sya humirit, tunog nagjojoke pa.. Pero kung titingnan natin, yung mga katulad ko ang mas katawa tawa kasi puro lang tayo puna at pangungutya (pero ikaw idol Lourd e ndi kasama dun kasi magkahalong puna at puri ang artikulo mo). samantalang si Sen. Lito Lapid, kahit tatahitahimik e ang dami na pala naiisip na batas na pangMasa.. Pinatunayan nya na maiging nang masabihang pipi kesa naman sa ang dami sinasabi at sinasatsat, sya lang naman ang nakakaintindi ng sinasabi nya... Oras na siguro mga kababayan na gawin natin ang diskarte ni Sen. Lapid, nakikinig muna bago magsalita at sabihin ang saloobin nya...
    Feb 14 2012 @ 11:30am     Reply  
  • gob
    idol ko si lito lapid.
    Nung elementary ako ang pangalan ng boy scout group namin ay kamagong. nung higschool ako at nagsimulang tubuan ng bigote, hindi ako nag-ahit para kamuka ko si lito lapid. Nung college ako, lito lapid ang code name ko pag may exchange gifts pag pasko.
    Feb 12 2012 @ 10:27am     Reply  
  • alberto glory mood music
    hanep sa short short.tama ung maaga na todas immortal.mamili kayo lito lapid movie o mike arroyo. pag ibig ko ay parang bowling
    Feb 11 2012 @ 08:05am     Reply  
  • Genuine
    May time nga noon na bawat linggo e may bagong labas na pelikula si Lito Lapid. Daming Pinoy actioner, drama, comedy, ST, at iba pang klaseng pelikula nang mga panahong yun. Di pa kasi uso ang digital kaya di pa rin uso ang pamimirata ng bagong labas na pelikula. Young people these days sure missed out on the glory days of Philippine cinema. Magaganda rin yung early FPJ flicks tulad ng ANG SALARIN, ANDALUCIA, TOUGH GUY, at ANG HARAGAN.
    Feb 11 2012 @ 01:19am     Reply  
  • iwa
    si geronimo lang ang indian na may bigote. at umiyak na rin si lito lapid sa pelikula, noong katambal niya si nora aunor
    Feb 10 2012 @ 06:24pm     Reply  
  • mylourd
    sana hindi maging susunod na presidente natin o pumasok sa call center si Lito Lapid kapag natapos niya ang termino sa senado. Balik artista ka na lang, Geronimo. ;)
    Feb 10 2012 @ 05:54pm     Reply  
  • julio valiente
    nakalimutan mo yung eksena na binaril nya ang dalwang kalaban sa pamamagitan ng paghati nito sa kutsilyo, classic!
    Feb 10 2012 @ 12:23pm     Reply  
  • Pompyang

    "Explain this to me like I'm Lito Lapid."

    Feb 10 2012 @ 10:49am     Reply  
1 to 20 of 25