Back to top
Dolphy: May Liwanag Ang Buhay
Lourd de Veyra says: "Tutal, lahat may Dolphy tribute. Siyempre ako rin." And what a damned fine tribute it is.
By: Lourd de Veyra  |   Published on: Jul 16, 2012 - 2:00pm

Dapat ang buhay parang Dolphy movie nung ‘80s. Kumpleto ang elemento. May patawa, may iyakan sa gitna, may suntukan at barilan pagkatapos (kadalasan may kinikidnap na anak), pero ang ending, dapat lahat ay masayang kumakanta at sumasayaw sa beach o kaya sa park. Walang denouement. Rising action pa rin hanggang sa dulo. Masaya lagi ang climax. Freeze frame. Roll credits. Lahat naka-embalsamo sa ngiti. Habambuhay nakalutang sa ere. Dapat ang buhay nating lahat parang ganun. Kaso hindi. Pero may mga alaala naman. O kaya DVD player. O YouTube. Pero wala pa ring katapat ang alaalang nabuo hindi lang kay Dolphy pero pati na rin ang sa pamilya mo. At ng sa akin.

 

Kung sinasabi nila na sa Mindanao daw ay binabaril ang screen pag sinasaktan ng mga kontrabida si FPJ, si Dolphy naman, nagiging dahilan para mag-celebrate. Kumbaga parang ice cream, o cake, o fried chicken. Pag nagkakasama-sama ang buong pamilya. Pag may grumadweyt o nakakuha ng mataas na grado sa school. Kakain muna sa panciteria, dadaan sa ice cream parlor, at diretso sa sinehan para manood ng Dolphy movie.

 

Pati tatay kong pulis Maynila, na sisiga-siga at laging sinasabing, “Ang corny naman ng Daddy Knows Best na yan eh!” nakita kong palihim na humahagulgol sa eksenang pinapalayas ni Dolphy si Maricel Soriano at si Snooky.

 

***

Mukhang hanggang sa hukay, gumagawa pa rin ng milagro si Pidol.

 

Namatay si Dolphy sa eksaktong oras na 8:34 pm. At ang balitang pumutok nung makaraang dalawang araw: marami taong tumama nang tumaya ng ‘834’ sa Lotto. Only in the Philippines—kung saan umiiyak ng dugo ang mga rebulto, nanganganak ng isda o di kaya’y sine-Cesarean ng mga buntis ang mga sarili nila. Hindi ako magugulat kung balang araw ay magkaroon ng panukala na gawing santo si Dolphy ng Vatican. At kung sakaling matuloy, Dear Lord, Dear Saint Dolphy, nawa’y basbasan at gabayan ng kanyang espiritu si Anabelle Rama. At siguro si Amalia Fuentes na rin.

 

(May kumakalat na salbaheng text joke. “Dear God, kinuha mo na po ang favorite kong action star na si FPJ. Tapos kinuha niyo na rin po ang favorite kong rapper na si Francis M. Kinuha niyo na rin po ang favorite kong singer na si Michael Jackson. Tapos yung favorite kong comedian na si Dolphy naman. God! Gusto ko lang pang malaman niyo na si Gloria Macapagal Arroyo ang favorite kong presidente. AMEN.”)




How do you feel about this article?
Win  
28
Yum  
0
Want!  
0
LOL  
1
Yuck  
1
WTF  
1
31
Total Votes
Related Articles
Username   * required
Security Code Security Code  * required
 
NOTE: SPOT.ph editors reserve the right to moderate and delete comments, without notice, that contain abusive or threatening behavior, contain advertising, spam, profanity or malicious comments.
23 Comments
  • MANG FREDIE
    WASAK yung sinabi niya na. "APARATO?, ah, wala, pag tuyo, ino-oral ko muna" :)) haha MANG DOLPHY, Komedyante pero may mga moves na kikiliti rin sa puso mo at mapapa halakhak ka.
    9 months ago     Reply  
  • Ygrette
    Now Dolphy's classic "hampas" gamit ang newspaper or kung anu-ano to his sons and daughters in Home Along and to his fellow actors in his movies is really nostalgic. I'm born in the 1990s but I and my father used to bond over a Dolphy movie during leisure times. At pinapanood ko din ang sitcom niya kasi nakakatanggal ng stress. Wala ka na talagang mahahanap na katulad ni Pidol sa henerasyong ito ng mga mabababaw na mga aktor.
    Nov 09 2012 @ 05:00pm     Reply  
  • rajehn27
    Dapat kay gloria at corona yung national artist award,...Mga madramang buyawa,, hahah
    Sep 11 2012 @ 11:39am     Reply  
  • Dodong Hipster
    Di ako masiyadong aware sa mga Dolphy classics pero naabutan at nasubaybayan ko ang Home Along Da Riles. Mga 5 years old pa lang ata ako noon. Magaling talagang komidiyante si Mang Dolphy, walang duda. Pero gustong gusto ko 'pag Drama ang ginagawa niya. Iba ang tama. 'Di ko makakalimutan ang pelikulang Rosario at isang MMK episode kung saan gumanap siya bilang ex-con. Superb. :')
    Sep 01 2012 @ 02:27am     Reply  
  • Daphne
    Hi! For all the readers of Lourd's blog out there, can you please answer this survey? Thank you! http://fluidsurveys.com/surveys/daphnecatsao/this-is-a-crazy-planets-by-lourd-de-veyra/
    Aug 20 2012 @ 01:37pm     Reply  
  • National Artist Kuno
    Bakit nabigyan ba si Caparaz ng NA award? mi kaso pa yun sa Supreme Court di ba?
    Jul 24 2012 @ 08:35pm     Reply  
  • Alberto glo
    sorry ho. pero anu kaya ibalik ni Gng. Carlo caparras ung Natl' Artist Award nya.
    Jul 23 2012 @ 03:48pm     Reply  
  • Fries
    Sa TV network na nakasaad sa Mother Ignacia: RATINGS at PERA lang ang gusto nila at ginagawa nila ang lahat, kahit labag sa moralidad, kung ano ang mag-aatract sa masang Pinoy. PBB Teens, isang example. Analysis ko from FB pages na sobrang daming nag-comment ng BBE Myrtle yet she wins that doctored excuse for a reality show. Sino ba ang hindi magtataka doon?

    Sana makita ko ang mga pelikula ni Dolphy naman, lalo na yung parody kay Hitler. Ni Home Along da Riles di ako pinapanood ng ermats ko nung 4 pa lang ako. Nalamon na ni Mammon ang TV station sa Mother Igancia, haluan mo pa ang propaganda.
    Jul 22 2012 @ 12:51am     Reply  
  • Big Dick
    "Pag tuyo, ino-oral ko..." hayup ka din mag interview Lourd! saludo ako, in your face talaga, tangna!
    Jul 19 2012 @ 12:06am     Reply  
  • xsis10s
    Bakit siya binitawan ng television network diyan sa may Mother Ignacia kung talagang sinasabi nilang siya ay National Treasure? Bakit ang mga kung sino-sino lang ay kaliwa’t kanan ang mga shows na wala namang kwenta?

    Wla na ksi pakinabang si Dolphy. alam nyo naman mukha silang RATINGS at gusto nila maraming RATINGS
    Jul 18 2012 @ 09:41pm     Reply  
  • Banayad Whiskey
    Hindi nga bumenta sa takilya yung father jejemon pero naging best actor naman si Dolphy dahil sa pelikulang yon.
    Jul 18 2012 @ 06:43pm     Reply  
  • Ozzy Boy
    Bakit nilangaw ang huling mga pelikula ni Dolphy?
    Sigurado tayong lahat na walang problema sa pagiging aktor n'ya.

    Kung pangit ang concept, pangit ang storyline, pangit ang script, at hindi magaling ang direktor,
    kahit si Al Pacino pa ang artista, lalangawin at lalangawin ang pelikula.
    Jul 18 2012 @ 12:58pm     Reply  
  • VB
    User Ka-Pidol: "Ano ang ibig sabihin nito? 1993 lang ang Home Along. Baka nalilito sila sa sitcom vs. pelikula. " - Kasi may pelikula din po ang Home along da riles. Helllooow!

    Ikaw di naka-gets. Ang point lang dun ay ang generation.. Ng mga nanunuod at syempre alam ni Lourd na may movie ang Home Along!
    Jul 17 2012 @ 09:04pm     Reply  
  • Ka-Pidol
    "Ano ang ibig sabihin nito? 1993 lang ang Home Along. Baka nalilito sila sa sitcom vs. pelikula. " - Kasi may pelikula din po ang Home along da riles. Helllooow!
    Jul 17 2012 @ 12:47pm     Reply  
    1
  • Genuine
    Sinabi na rin ni Teddy Locsin, imbes na igawad kay Mang Dolphy ang National Artist for Cinema by the NCCA and Malacanang in 2010, e nag-imbento ang mga alipores sa palasyo ng... Order of the Yellow Pumpkin, na halos ikahulog ni Dolphy ng isabit sa kanya ni PNOY. Dolphy knew exactly what was being handed him by the courtiers at the palace. He was just too decent to turn it down and snub the whole affair. He knew what they gave him 2 years ago, a piece of you know what.
    Jul 17 2012 @ 12:14pm     Reply  
  • janna
    "1993 lang ang home along. Baka nalilito sila sa sitcom vs. pelikula."..

    di naman siguro kc ako nakapanood ako ng Home Along da Riles the movie sa probinsya nmin, kya kung ako ang tatanunging kung anong paboritong pelikula ni Dolphy, ang sasabihin ko din ay Home along the riles.
    Jul 17 2012 @ 11:59am     Reply  
  • vinalariza
    nakakamiss ka lourd!
    mas gusto ko rin yung black and white na pelikula ni dolphy.
    ngayong nakakapanood ako ng mga lumang pelikula nya, na realize ko kung gaano "ka-trying hard" ang mga komedyante natin ngayon--halos lahat ginagaya si dolphy...walang originality.
    Jul 17 2012 @ 09:40am     Reply  
  • pugadengkanto
    Ayus ang tribute na ito. Limang pages, medyo mahaba. Pero kumakagat sa bunbunan! matagal na rin akong hindi natawa sa mga binabasa ko. ayus ka talaga Lourd! Akala ko dati yan din pangalan ko! LOL
    Jul 16 2012 @ 08:58pm     Reply  
  • psyote
    Ewan kung bakit pero mas nagugustuhan ko yung mga black and white na pelikula ni pidol. Pero sabi nga ni Lourd pinakakumpleto yung 80's movies niya.

    Mabuhay Mang Pidol! Isang tagay ng Banayad Whisky para sa ating idolo!
    Jul 16 2012 @ 04:06pm     Reply  
  • HBK
    Gusto ko lang pang malaman niyo na si Gloria Macapagal Arroyo ang favorite kong presidente. AMEN... at mahal na mahal po namin ang gobyerno ng China. AMEN.

    Pero sana nga sinuportahan ng TV5 at ABSCBN2 yun huling huling movie ni Mang Pidol. Sayang. Walang kapromo-promotion akong nakita sa movie na yon.
    Jul 16 2012 @ 03:56pm     Reply  
  • Pilipino
    Salute to you Mr. King of Comedy
    Jul 16 2012 @ 03:43pm     Reply  
  • Jake O' Bron
    long live the comedy King!
    Jul 16 2012 @ 02:29pm     Reply  
1 to 20 of 23