Back to top
An Open Letter to Vic Sotto
SPOT.ph blogger Lourd de Veyra has a few things to say to "Bossing"

by Published on: Jan 3, 2014 - 8:00am

Like us on Facebook for daily updates!
30044
Share this Article
30044

 

NOTE: This blog post is the property of Lourd de Veyra, SPOT.ph, and Summit Media. Publishing or reposting it in any other venue without the express permission of the author, editor, and publishers is a copyright infringement.

 

(SPOT.ph) Dear Bossing Vic Sotto,

 

Una sa lahat, happy new year.

 

Magpapakilala muna ako. Ako po si Lourd de Veyra. Fan ako ng Tito, Vic, and Joey bago pa lang ako natutong magsulat-kung tutuusin, kaya kong magsulat ng academic thesis tungkol sa mga pelikula ninyo (Ang kaibigan kong direktor na si R.A Rivera ang gumawa naman ng undergraduate dissertation sa UP tungkol sa mga pelikulang pinagtampokan nina Joey at Rene Requiestas. Naka-uno daw siya kay Dr. Nicanor Tiongson). Kaya kong magdiskurso tungkol sa parodic element ng Ready... Aim... Fire at Forward March laban sa estado ng kapulisan at militar nung '80s. Puwede rin nating pag-usapan ang Doctor, Doctor I Am Sick bilang isang satirikong pagpuna sa medical malpractice (genius ang eksenang kinukunan ng 1,000 cc ng dugo si Palito), ang mga surrealistikong katangian ng Fly Me to the Moon, ang pagsubvert ng Kabayo Kids sa imahen ng Japanese superhero groups at paghihinete sa Pilipinas, ang Ma'am May We Go Out bilang isang critique ng Philippine educational system, etc.

 

Joke lang. Sinusubukan ko lang i-justify. Pero sa totoo lang, ika nga, silliness is its own joyful justification. Gusto ko lang ipakita lang na hindi ako high-brow snob na nanggagaling sa kawalan (Alam mo yung mga tipong manonood ng Bresson o Godard para aliwin ang sarili?).

 

Sabihin na lang natin na kayong tatlo ang Gomburza ng komedya para sa aming henerasyon. Kung ano man ako ngayon bilang tao at manlilikha, siguradong may bahid ng inyong impluwensiya. Nakatatak sa kamalayan namin ang mga eksena, ang mga "acheche!"

 

Sumusulat ako dahil film fest na naman.

 

As usual, ikaw na naman ang topgrosser. May special effects at mga engka-engkanto man o wala. Ang tindi lang talaga ng pulso mo sa bata, kaya naman ikaw ang consistent topgrosser. Bagong record daw: P50.4 million?

 

Pero kapapanood ko lang nung My Little Bossings. May problema ako eh. Malaki.

 

Saan ba tayo magsisimula?

 

Sabihin na lang natin na hindi ako ang audience ng My Little Bossings. At tama nga-paglabas ko ng sinehan, puro mga chikiting ang nakapila. Obvious naman kung anong demographic ang puntirya nito. Alam ko ang unang depensa niyo ng mga producers: hindi ako ang audience niyo. "Eh di huwag ka na lang manood."

 

Pero huwag naman ganun, Bossing.

 

Nagbayad ako ng P220 kaya karapatan ko bilang manonood na magbahagi ng saloobin.

 

Gaano niyo ba kabilis ginawa ito? May pakiramdam ito na parang tatlong araw lang eh, parang minadali, or what we in our circles refer to as: PNY ("Puwede na 'yan.")

 

Hindi kami nagbayad ng P220 para bentahan ng pancit canton, tinapay, sabong panlaba, cough syrup, at kung ano-ano pang produkto ang ine-endorse ninyong dalawa ni Kris Aquino. Ganoon na ba kayo ka-desperado? Hindi naman siguro.

 

Hindi kami nagbayad ng P220 para lunukin ang storyline na may babaeng willing magbayad ng P20 million para patirahin anak sa bahay ng accountant niyang hindi naman niya ka-close. Mahirap lunukin ang kuwento na may babaeng milyonara at edukada na magpapadala sa banta ng salbaheng kapatid na isisiwalat raw sa media na siya (Kris) ang mastermind ng pyramiding scam (Nalito ka ba? Ako rin eh).

 

Mabuti na lang at nandun ka, bossing. Nandun din si Ryzza. At higit sa lahat, nandun si Aiza na ako'y hindi natatakot na ideklara bilang isa sa mga pinakamahuhusay na artista ngayon.

 

Kulang sa exposure yung batang babaeng mataba. Ang ganung level ng pagka-cute, dapat nasa kanya ang 90% ng camera. Yung batang lalaki naman... Ano ba... sana magaling magbasketbol paglaki niya (Saka kung gusto niyang mag-artista sa Pilipinas, mag-aral siya ng Tagalog).

 

Pero bossing, maiba tayo: hanggang ganito na lang ba?

 

Pagkakataon niyo na sana. Kayong dalawa ni Kris Aquino ang dalawa sa mga pinakamakapangyarihang pangalan sa showbiz ngayon. Ang daming nagtitiwala sa inyo. Ang dami-dami niyong puwedeng gawin. But this is the best you can come up with? 'Wag niyo sabihing "Pinaghirapan namin ito," dahil maglolokohan lang tayo.

 

'Wag niyo ring sabihing, "Ano bang problema mo? Eh masaya naman sila." Please naman.

 

Take note: hindi nanood ang mga tao ng My Little Bossings dahil tingin nila'y maganda ang plot at storyline-wala naman ito sa mga trailer eh, hindi pinakita. Pero hindi naman porke naka-bangko kayo sa ka-kyutan ni Ryzza Mae at patawa mo ay PNY na lang ang ibang aspekto ng pelikula.

 

Sa totoo lang, ang huling pelikula mong pinanood ko sa sinehan mismo habang film fest ay Iskul Bukol: The Reunion. Bilang miyembro ng henerasyon na lumaki sa Iskul Bukol, sabihin na lang natin na ako'y disappointed-dahil kalahati ng pelikula ay nauwi pa rin sa mala-Enteng Kabisote na habulan, barilan, at pakikipagdigma sa mga pantastikong nilalang (Ang saving grace lamang ng pelikula ay ang linya ni Joey de Leon na "I want to be an eskimo/ Es, es, / Ki-...").

 

Like us on Facebook for daily updates!
How do you feel about this article?
Win  
1
Yum  
0
Want!  
0
LOL  
0
Yuck  
0
WTF  
0
1
Total Votes
We Recommend