On the Spot: Clifford Espinosa on upcycling, treating furniture pieces as canvasses, and kahoy na panggatong

The sculptor talks about social art and future projects.


 

(SPOT.ph) When furniture maker Clifford Espinosa met well-known sculptor Jerusalino "Jerry" Araos in 1988, little did he know that it would be the start of his lifelong career, not only in woodwork but also in philosophizing about patriotism and ecology. In the serendipitous encounter on the streets, he thought to himself, “Itong mamang ito, maraming alam,” so he withdrew from his Master’s program in urban planning and toiled day and night at his maestro's workshop. Eight years later, Espinosa started exploring furniture making by using scrap wood from worn-down centuries-old houses in Binondo. “Ginagawang panggatong,” he said about the small blocks and uneven chunks of wood that no one would take interest in. The result? Tables and chairs that completely exude the age-old concept of dulce et utile (beauty and utility).

 

In an exclusive interview with SPOT.ph, Espinosa narrated how he turned his background in architecture and urban planning into something more micro yet powerful in the bigger picture.

 


 

How do you describe yourself as an artist?

Parati kong sinasabi na ang sining ay hindi tungkol sa akin lang. Sabi ko nga, art is not self-expression. Hindi rin kasi ako naniniwala do'n. Ako lang 'yong kumukolekta sa lahat ng desires, aspirations ng mga tao. At 'yon ang ipinipinta ko, idinodrowing ko, at binubuo. At naniniwala rin ako na bilang artist, wag kang mag-iwan ng mga marka sa mga trabaho mo. Sabi ko nga, we have to liberate the art from the artist. Kung mapapansin mo 'yong mga piyesa, wala siyang pattern. 'Yong paa nito, 'yong hawakan nito, kakaiba sa lahat ng piyesa. Kasi ayaw kong magbigay ng signature sa bawat isa. Gusto ko 'yong bawat piyesa, i-express niya 'yong sarili niya kung anong kaya niyang i-express. Kung anong kuwentong kaya niyang ibigay. So ayaw ko siyang i-limit sa aking pagtingin lang.

 

"LuzViMin" resembles three small fishing boats with outriggers and can function as three separate executive tables.

 

Ang paggawa ng mga piyesa na ito masyadong malalaki at kailangan ng maraming tao. Itong art na ito, it's a social art. Hindi ko kayang mag-isang gawin ‘to. So marami kaming taong nagtutulong-tulong sa pagbubuo, sa pagma-manage ng buong grupo. Kunwari, napakalaki ng mesa, may ginawa akong anim na metrong mesa e. Sa paggawa pa lang no'n, hindi ko kayang mag-isa 'yan. So kailangan kong may foreman ako, may tagaliha ako. Pero ako 'yong nagbubuo ng buong konsepto. At ako rin 'yong nagmamando ng production, kung ano 'yong kalalabasan. Pero hindi ako lahat ang gumagawa. This is a social art.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


 

How did you start with woodwork and furniture making?

Architecture graduate ako, tapos after two years sa urban planning na estudyante rin ako. Na-meet ko si Jerry Araos, 'yong famous sculptor. Sa kalye lang. Nagkaigihan kami. Na-realize ko na mas matututo ako sa kanya. Mula noong araw na 'yon hanggang inabot na ako ng walong taon, sa kanya na ako nag-training. Pero ang pakay ko talaga noon, hindi maging artist. Gusto ko lang maging trabahador: Construction, landscape, gardens, carpentry.

 

"Bangko Sentral": a pun on the Central Bank, or also, a "Central Bench"

 

Nakita ko kasi na after ilang years, ginamit ko ito [furniture making] na hanapbuhay. Kasi nung umalis na ako sa kanya, kailangan ko mag-stay sa bahay dahil bagong panganak si misis. Pag pareho kaming magtatrabaho sa opisina, walang matitira sa bahay. So ginawa ko, nag-shop ako sa likod ng bahay. May alam na ako sa furniture. Nagsimula na akong gumawa ng sarili kong designs.

 

"Baki," derived from the Filipino word "Makibaka," is a homage to Espinosa's years as a young activist. It is also a tribute to Lean Alejandro, one of the young student leaders and street parliamentarians slain during the Marcos regime.

 

 

Why do you use scrap wood?

Kasi pag 'yong lumang kahoy, unang-una, matibay siya. Pangalawa, kasi nakakapanghinayang na hindi mo gamitin 'yang kahoy na 'yan e dahil bahagi na siya ng kasaysayan. Marami na rin siyang kuwento, tsaka maganda siyang gamitin bilang materyales. Tsaka nakakatulong din tayo para hindi tayo magputol ng bagong kahoy. Nasisinop natin 'yong mga tira-tira ng bahay na luma.

 

The "Peace Table" is a poignant representation of the Filipino people's decades-long desire to achieve peace in the southern regions. On one side of the piece, there appears to be a gun that is at rest; on the other, a segment of a table that transforms into a church pew.

 

 

What's your inspiration for your furniture pieces?

Ang bawat piyesa madalas may kuwento. Nagsisimula ako sa kuwento, tapos tsaka ko na lang tinitiyaga na maging isang piyesa. Halimbawa, sa kasalukuyang panahon, matagal ko nang nais magkaroon ng kapayapaan, so gumawa ako ng "Hapag Pangkapayapaan" [a.k.a. "Peace Table"]. Tapos mula doon tsaka ko kinuha 'yong mga kahoy na puwedeng bumagay sa kuwento. Pati mga joineries. Tsaka ginagawan ko ng paraan na functional talaga siya, na nagagamit siya sa araw-araw. Pero meron siyang aesthetics, meron siyang kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


 

We observed that you don't use nails on your pieces, how do you put them together?

Ang mga piyesa, may joineries siya, hindi siya ginagamitan ng pako. Ginagamitan lang namin ng mga pakong kahoy. Iniisa-isa naming bilugin 'yan. Ang importante, saktong-sakto ang sukat kasi pag maluwag, kakalog 'yong piyesa; pag masikip naman, mababasag ang kahoy. Tapos 'yong locking system naman namin, kahoy din ang ginagamit namin. Ang tawag diyan, kunya. Pag inipit mo 'yong dalawang piyesa, lalong sumisikip. Habang gumagalaw 'yong kahoy, sumisikip lalo 'yong piyesa na 'yan. So hindi namin ginagamitan ng metal. Kasi ang metal pag ginamit mo, pag kinalawang 'yan, luluwag 'yong kapit ng kahoy, masisira na 'yong joinery. Kaya lang, kailangan talaga ng tiyaga sa paggawa ng bawat isa kasi wala silang pattern

 

"Perlas ng Silangan"

 

Describe your latest collection, "Perlas ng Silangan."

Ang "Perlas ng Silangan" kasi tungkol ito sa dapat magkaisa na ang bayan natin kasi, imagine 1,700 islands ka na, separated ka ng mountains, dagat, tapos ang dami pa nating dialects [sic]. Kung titingnan mo, ang dami nating pinagkakaiba. Parang iba't ibang kulay tayo, may pula, may dilaw, may blue. Pero nakikita ko 'yong pagkakaiba na 'yon, pag pinagsama-sama mo, maging batayan ng ating pagkakaisa. 'Yong blue, pula, tsaka dilaw, pag pinagsama-sama mo 'yan, nagiging kulay puti. Kapayapaan. Perlas ng Silangan.

 

"Trono" features holes carved around the sitbones, which, in the artist's view, makes you feel like you're sitting on clouds

 

What can you say about Filipino art?

Ang sining kasi, magagaling ang mga Pilipino diyan. It's Filipino time na. Dapat tapangan natin mag-create ng original designs. Ang gagaling natin kasi ang gagaling natin kumopya e, kaya hindi tayo masyadong umuunlad. At naniniwala ako na sa pamamagitan ng sining, mapapasarap natin 'yong pagkain sa hapagkainan. Ang gagaling natin e, kaya lang kailangan original 'yong design. 

 


 

What's next for Clifford Espinosa?

Maraming concepts na pwede pa nating gawin sa mga piyesa. Kasi hindi lang siya tables, hindi lang siya chairs, tinitingnan ko sila as canvass. Para akong nagdodrowing sa kanila ng mga konsepto. Tulad ngayon, gusto kong susunod, tungkol sa kalikasan naman, tungkol sa halaga ng kalikasan sa buhay ng tao. Iba't ibang klaseng ibon, iba't ibang klaseng bulaklak, iba't ibang klaseng insekto na may iba't ibang kulay. 'Yan naman ang mga gagawin ko na mga piyesa sa susunod. Pero lahat 'yon, nagagamit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

 

The Espinosa Arts and Design (EADE) office and showroom is at 47 Esteban Abada, Loyola Heights, Quezon City. For more information, visit the EADE website.

 

 

Tell us your #feels!

Win
9
Yum
LOL
WTF
9
Total votes
View more stories tagged ""

Read more stories about

Comments

Latest Stories

Load More Stories

SUBSCRIBE TO NEWSLETTER

Get the latest updates right in your inbox!