On the Spot: BAYAW for President

The presidential hopeful talks to us about the election, the FOI bill, and solving the MRT problem.

 

(SPOT.ph) While everyone is abuzz over Sen. Grace Poe's possible run for the presidency, DILG Secretary Mar Roxas' attempts to coax her into the party, and Vice President Binay's really, really vigorous non-campaign, one man wants to rise above the rest.

 

BAYAW PARTYLIST

Dito nagsimula ang lahat...

Posted by BAYAW for President on Monday, 3 August 2015

 

Jun Sabayton of Bagong Alyansang Ayaw sa Walang Hiya (BAYAW) Party List is a man with a vision; a presidential hopeful who wants to serve the people. It's all in his catchy campaign slogan: "Ano ang nais mo?"

 

SPOT.ph had the rare opportunity to sit down with the former Congressman himself to talk about the 2016 elections, Grace Poe, and his thoughts on pressing issues.

 

Kamusta ang Party List ninyo?

Okay na. Ngayon, tumatakbo tayo bilang Presidente. So ngayon, pinagpipilian ko kung sino ang magiging Vice President ko. May video nga na lumabas na nilapitan ko si Grace Poe. Marami akong nilalapitan ngayon.

 

May Top 3 choices ka na ba?

Marami eh. Marami akong choices. Siyempre, kasama diyan si Gary V.

 

Bakit si Gary V?

Kukunin natin siya para sa Department of Energy. So far, siya pa lang nasa isip natin. To follow pa 'yong iba.

 

Nakausap niyo na ba siya?

Hindi pa, pero makakausap natin siya sa pamamagitan ng ating spokesperson, si Ginoong Ramon Bautista. Tsaka sa lahat ng kandidato, ako lang ang may BAYAG.

 

 

Ano ang BAYAG?

Sa youth sector naman 'yan. Ito ang BAYAW Youth Action Group. Maraming kandidato kasi sa atin dito, wala naman talagang BAYAG eh. Ako lang ang may BAYAG. Sa darating na eleksyon, kailangan natin 'yan. Kailangan natin ng pagkapantay-pantay na may BAYAG.

 

Ano ang reaksyon niyo noong hindi kayo in-endorse ni P-Noy para sa eleksyon?

Okay lang 'yan. Mas ie-endorse ako ng taong-bayan dahil ampon din ako na katulad nila. Katulad ni Binay, ni Grace Poe, katulad nila Mara Clara. Ngayon naman, kayong mamamayan ang aampunin ko sa aking puso. 

 

Papayag ka ba na tumakbo bilang Vice President?

Ay hindi!

 

Paano kung tinanong ka ni Mar [Roxas] o kaya si Binay? Ikaw na lang daw ang running mate?

Sila ang mag-step down. Sa katunayan, hinihintay ko lang um-oo si Grace [Poe], kasi ipapasauli ko lahat ng poster na pinagawa ko, para ilagay ko pangalan niya doon. Dapat kasi mas malaki kita ko, diba? Kapag Vice President ka, kaunti lang kita mo.

 

Maliban sa inyo, sino sa tingin niyo ang natatanging Presidente?

Wala nang iba. Ako lang! Kasi nasa akin ang katangian ng pagiging Presidente; medyo katamtaman 'yong kulay parang si Jejomar Binay at tsaka may bigote, parang si Erap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

(If the video appears blurry, you can change the settings in your player! We recommend 720p.)

 

Gusto mo bang sumali sa mga presidential debates?

Gagawin natin 'yan. Pero sa totoo lang, nonsense na 'yang debate eh. Kalokohan na lang 'yan. Mahirap makipag-debate. Titirahin lang nila 'yong aking bigote at tiyan. [Pero handa ka?] Oo naman, handa ako makipag-debate. Ilalatag natin sa kanila ang ating plataporma.

 

Ano ang solusyon niyo sa MRT?

Tatanggalin na natin 'yang MRT na 'yan.

 

Ano ang ipapalit niyo?

Maraming puwedeng ipalit diyan. Puwede namang zip line diba? Mula Taft hanggang North.

 

Ano ang masasabi niyo sa Freedom of Information (FOI) Bill?

Hindi tayo papayag! Out tayo diyan. May privacy rin kaming mga pulitiko.

 

Eh, sa Anti-Dynasty Bill?

Hindi puwede! Paano na mga kamag-anak ko na wala namang trabaho, tapos umaasa lang sa akin? Kailangan din namin ilagay mga 'yan sa mga munisipyo. 


 

So papayag ka na pumasok anak mo sa pulitiko?

Oo naman! Maaga pa lang, itine-train ko na siya maging pulitiko. Bata pa lang, four years old. Ngayon, pinapasulat ko na siya ng mga speech.

 

Ano ang masasabi niyo sa mga artistang gusto mag-pulitiko?

Okay lang naman 'yan. Dapat nga, iboto sila eh. Kasi popular, katulad ko. 

 

Papayag ka bang gawing movie ang buhay mo?

Siyempre naman. 'Yong title, Huwag, Bayaw. [Sinong gusto mong leading lady?] Sino ba ngayon sa FHM? Hindi na puwede si Marian, kay Dingdong na 'yon eh. Kung tumanggi na si Robin Padilla kay Maria Ozawa, eh 'di ako na lang. Kung puwede nga, ako na bida sa Nilalang. Makakadagdag 'yon ng punto.

 

Also read:

TRENDING: Non-Campaigning Campaigns for the 2016 Elections
10 Winning Presidential Pairings for 2016

 

BAYAW for President is part of TV 5's ongoing campaign to promote voter's education. 

Tell us your #feels!

Win
75
Yum
1
Want!
1
LOL
37
Yuck
2
WTF
2
118
Total votes
View more stories tagged ""

Read more stories about

Comments

Latest Stories

Load More Stories

SUBSCRIBE TO NEWSLETTER

Get the latest updates right in your inbox!