Rico Beybeh

Our SPOT.ph blogger recalls the "good ’ol days" in this ode to his Macho Guapito idol who’s back on the boob tube.

Si Dostoevsky ay sugarol at mahilig sa tsiks. Ang composer na si Schubert ay mahilig sa 163 (Bantay Bata, i.e. menor de edad, lalake). Si Picasso ay kalbo, malaki ang tiyan at babaero.   Si Mozart daw ay isip-bata at marumi ang bunganga. Si Beethoven, kung paniniwalaan ang pelikulang Immortal Beloved, ay kamukha ni Gary Oldman at mainitin ang ulo maliban sa bingi. Si Van Gogh ay baliw at sinabing isa sa mga unang nakadiskubre ng sisig (matapos niyang putulin ang sarili niyang tenga). Gaya ng maraming sumunod sa kanya, ang jazz saxophonist na si Charlie Parker ay namatay na adik. Si Nora Aunor nakulong dahil sa shabu.

Ano ang punto nito? Eto: kadalasan ang mga dakilang artista, mga matitinding manlilikha ay sablay sa buhay. Para maintindihan ng mga henyong mambabasang mahilig mag-comment sa espasyo sa baba: The best artists are oftentimes the most inferior of human beings. Mahirap sabihin kung gumanda ang mga likha nila dahil mismo sa sablay na moralidad. Wala naman sigurong kinalaman ang husay sa paghalo ng kulay o pagtimpla ng mga himig at nota sa linis ng kalooban. Sa mga tulad ng mga nabanggit kong pangalan, malamang may ibang huni at tinig sa loob ng kanilang kamalayan. Alam na nating lahat na hindi patas ang Diyos, at masakit din siyang magbiro. May eksena sa pelikulang Amadeus: pumuputok ang butsi ng relihiyosong court composer na si Antonio Salieri habang binabasa ang mga piyesa ng komposisyon ng mahalay at tarantadong si Mozart. Tinanong niya ang sarili, "Putangina (siyempre dagdag ko na lang ’to di ba?), ang gaganda nitong mga notang ito, parang galing langit. Pero bakit sa lahat pa ng pagbibigyan ng Diyos ng ganitong talent, itong hayup na ’to pa ang napili niya?"

Pero hindi pag-uugali at pakikitungo sa kapwa-tao ang isyu dito. Sa mga santo lang ’yun. Pero dapat rin nating tandaan na ang mga taong gumawa ng mga pagkaganda-gandang mga basilica, painting, at estatwa sa Europa ay gawa ng mga taong isinuka mismo ng simbahan. Pero hinuhusgahan natin sila hindi dahil sa pakikitungo nila sa kapwa tao, o kung ilang beses sila nag-rorosaryo araw-araw.

Sa bigoteng-bigote pa lang, hinding-hindi mo matatawag na santo si Rico J. Puno. Alam kong kilabot siya ng mga tsiks nung ’70s (pero si Hajji daw talaga mismo ang binabato ng panty), pero ngayon nakakakilabot lang, period. Kulubot na ang mukha, mukhang naka-wig pa ’ata, at may tiyan na resulta ng maraming serbesa. Hindi rin siya larawan ng kawalang-malay: in fact, ang palayaw sa kanya ay Haring Bastos. Walang preno ang bunganga niya pag nag-green joke. Minsan, sa gitna ng rendition niya ng "El Bimbo," may tinuro siyang babae at humirit, "Anlaki ng suso nito o." Meron din siyang malalaswang knock-knock joke: Parachute. "Darling, dito ka pumuwesto (gestures doggy-style, gyrates obscenely)  para shoot." Or ito: "Alam mo ba yung ibig sabihin ng ’PLDT?’ Pekpek ligo. Dating titi." Kung hindi ka naniniwala na may Diyos, siguro pag nakinig kang mabuti sa mga kanta ni Rico J. Puno, baka bigla kang mapa-simba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

"Macho Guapito": Rico J today


Para sa akin, isa sa mga pinakadakilang singer sa balat ng lupa--past or present, local or international-- ay si Rico J. Puno. This time, hindi ako nang-aasar, hindi ako ironic. Transcendental ang dating.   Ibang uniberso ang tinatahak ng boses niya. ’Pag umaawit siya, parang humahati ang karagatan, bumubukas ang ulap at sumasabay ang mga anghel. ’Tol, nasubukan mo na bang patugtugin ang "Lupa" sa malaking speaker at nakatodong volume na amplifier? Nasubukan mo na bang pakinggan ang mga linyang "Kaya’t pilitin mong ika’y magbago/ Pagmamahal sa kapwa ang isipin mo" habang nilalatagan ng mga orchestral strings at sinesegundahan ng mga mala-kerubim na backup singers?   Parang ordinaryong mga salita lang pag binasa. Pero iba na pag dumaan sa bunganga niya-"the same bunganga na pinagdadaan ng mga katagang, "Gusto mo, anakan kita?" or mga joke gaya ng "Pag ang Pinay pumuntang Japan, ’Japayuki.’ Ang Hapon, pag pumunta dito... Namumuki." Hindi ko sinasabing "heavenly" ang boses niya. Iba ’yun--Charlotte Church ’yung mga ganun. On the contrary: taong-tao. Medyo paos, magaspang, tila nahihirapan pero hindi, parang may hinahanap, parang may sinusuyo, nagmamakaawa, pero lumalaban at umaapaw una sa poot, tapos sa tuwa at tagumpay.   In short, boses ng mortal.

Kaya parang muling bumalik ang kapayapaan at saya sa mundo nung napanood ko si Rico J. Puno na nagho-host ng noontime show na Pilipinas Win na Win, at binabantaan ang isang babaeng contestant: "Gusto mo anakan din kita?" bago niya bigyan ng pera at pagkatapos pag-kwentuhin ng malungkot na karanasan sa Middle East. Sexist? Bastos? Malamang, pero may kasabihan, tone is all. May paraan si Rico J. Puno na "mambastos" sa isang paraang hindi nakakainis. Hindi gaya ng iba diyan. -˜Wag na natin pangalanan. Mayaman pa rin naman siya.

Ilang buwan din nagkumahog ang ABS-CBN sa paghahanap ng kapalit ni Willie Revillame. Marami na silang sinubukan--mga guwapo, macho, seksi, bata, nagpapatawa, kumakanta, nagpapakilig. Pero, olats pa rin. Ngayon, kung wala sa mga subok nang formula ang gumagana, ano ang gagawin mo kung ikaw ay isang   TV executive na natatae na sa takot? Maghanap ng wala sa nakasanayang gimik. Talo pa rin ang ratings kahit na mga sikat na endorsers ng shampoo at hamburger ang   nilagay? Kumuha ng mga medyo napaglipasang singers na kumakanta na lang ngayon sa mga Pinoy communities abroad. Unconventional, pero desperate times call for desperate measures, ika nga. At sa mga ganitong emergency pa minsan nagkakaroon ng "Eureka!" moments. Nga naman--hindi kayang matukoy ng mga kanta nila Lady Gaga at Justin Bieber ang buhay ng isang OFW na iniwan ng misis niya, o kaya’y magsasaka na namatayan ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero eto sina Rico J. Puno, Rey Valera, Nonoy Zuniga, at Marco Sison, buhay na buhay pa, at hindi pa rin nakakalimutan ang mga kanta. Hindi man pinapatugtog sa MYX o Channel V, ang sukatan pa rin na may saysay pa rin sila sa buhay ng taumbayan ay ito: hanggang ngayon, kinakanta pa rin sila ng mga lasing na construction worker sa videoke. Swak. Tangina, ngayon, mapapanood mo si Rico Puno at Rey Valera na kumakanta ng "Habang May Buhay" on noontime television. Priceless. Mas gugustuhin ko pa ito kesa sa mga teen star na gigiling to da tune of "Poker Face." If only for Rico J.

Hanep ang kasikatan ni Rico J. nung ’70s--panahon ng mga afro at bell-bottom na bakat-itlog at hiwa ng puwet, panahon ng mga kantang may katuturan at angking ganda--hindi parang ngayon na nadadaan lang sa boladas ng PR at ’yang putanginang text votes na ’yan. Naghahari din noong mga panahong yun sila Nora Aunor, Pilita Corrales, at Victor Wood. Iniisip ko rin: ano kaya ang kapalaran ng isang walang-pangalang Rico J sa kasalukuyang konteksto ng mga reality search TV shows? Baka hindi pa nga ’yan papasukin ng sekyu sa ABS-CBN dahil sa bagote.

Nakilala siya sa mga hit gaya ng "Lupa," "Macho Guapito," "Magkasuyo Buong Gabi,"   at "The Way We Were" na may malupit na spoken-word opening "Everybody’s talkin’ ’bout the good ol’ days... hahalikan kita sa eyes, sa nose, sa lips." Actually naging trademark rin niya ang pagtra-translate mula (Ingles pa-Filipino) ng ilang mga berso at chorus sa kalagitnaan ng kanta. Wasak na wasak ang style na ’to, dre. At hanggang ngayon, walang makagaya. "Alaala  nung tayo’y mag-sweetheart pa/ Naglalakad pa sa Luneta/ At walang pera..." Pag hindi pa gumuho ang mundo mo, ewan ko na lang.

 

 

"The Way We Were," Rico J-style

 

Ipinanganak si Enrico De Jesus Puno noong February 13, 1953. Ipinangalan siya after the great operatic tenor Enrico Caruso. Laking Sampaloc si Rico J. at nagsimulang magbanda habang tinatapos ang kursong Business Administration sa Philippine School for Business and Arts (PSBA), patugtog-tugtog sa mga folkhouses at taverns sa iba-ibang parte ng Maynila, hanggang binigyan ng break ng Vicor Records. Una siyang lumabas sa show ni Nora Aunor, Superstar, na co-host si Lito Lapid (!). Nung mga panahong yun, pinapatugtog na ang recording niyang "Love Won’t Let Me Wait" sa sikat na radio show ni Johnny de Leon. Ang hindi alam ni Rico J, andami na pala niyang fans. "Nag-jeep lang ako papunta sa studio," kuwento niya. "Bumili ako ng damit na may star sa gitna. Nanghiram lang ako ng sapatos, at walang medyas." Nag-lipsynch siya. Tinanong siya ng station manager ng RPN 9 na si Kitchie Benedicto, "Sino ka ba? Ayaw tumigil mag-ring ng mga telepono dito. Nagre-request na pakantahin ka pa daw." Kumanta pa siya ng isa, "Sandra" at sinundan ng acapella version ng "You Are So Beautiful." Pag-uwi, naka-taxi na siya. At kinabukasan, pinagkaguluhan sa ekswelahan. A star is born.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa 12 ang bilang niya sa mga album niya: Rico Baby, A Private Concert with Rico J. Puno, Rico J. Puno, Macho, Guapito, Rico J. Puno, Tatak Rico J, Rico and Eliza, Spirit of Christmas, The Way We Were, The Total Entertainer, Sana Pag-ibig at iilang mga Best-of compilations. Nung 1976, tinanghal siya bilang Most Promising Entertainer of the Year ng Aliw Awards, sinundan ng Entertainer of the Year pagtapos ng dalawang taon. Ang "The Way We Were" ang sinasabing kauna-unahang Pinoy na recording na naging platinum, pero mas matindi ang "Kapalaran:" triple platinum. Nagko-concert siya sa mga lugar gaya ng CCP at Folk Arts Theater--nung mga panahong suplado pa ang mga ’to. "Wild, pare--tens of thousands talaga yung mga tao. Wawasakin talaga yung kotse mo."

Highlight ng buhay ko ang makapanayam si Rico J sa personal. Two (or three?) years ago, na-interbyu ko siya dati sa bar niya, Coriks, sa may Kamagong, Makati. Malakas pa rin siyang mag-yosi, at nagbi-beer. Inalok niya ako ng beer; yung kasama ko--gelpren ko--humingi ng kape. Sabi ni Rico J, "O, kape? Paano ka madede-virginize niyan?" Kung ibang tao yun,   hinampas ko na dapat ng bote sa bungo. Pero Rico J ’to eh. For some reason, natawa talaga ako, tangina. Pati na rin ang gelpren ko. Siguro kasi meron siyang kakaibang charm. O baka kasi biased lang ako kasi malanding fanboy ako, na kahit sabihin niyang susunugin niya ang bahay ko at kakainin niya ang aso ko. Actually--kung puwede lang talaga--kahit anakan niya ako.

This is a Crazy Planets is available in newsstands, bookstores and supermarkets nationwide for only P195. For more information, click here.

Tell us your #feels!

Win
Yum
LOL
WTF
0
Total votes
View more stories tagged ""

Read more stories about

Comments

Latest Stories

Load More Stories

SUBSCRIBE TO NEWSLETTER

Get the latest updates right in your inbox!