ILLUSTRATOR War Espejo

Sa Pelikulang Pinoy

Ilang eksenang hinding-hindi puwedeng mawala sa Pinoy cinema.


 

(SPOT.ph) Ilang eksenang hinding-hindi puwedeng mawala sa Pinoy cinema. The first of many, many parts.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, pag ang babae sumuka, buntis na agad.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, pag ang lalaki sumakit ang ulo at hinawakan niya ng dalawang kamay, may taning na ang buhay.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, lalo na pag mga bagong rom-com, magkaaway muna ang bidang lalaki at bidang babae. At one point, makikita ni babae na nakahubad si lalake.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, pag nagsisigawan ang dalawang magkapatid, biglang aatakehin sa puso ang tatay.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, pag maaaksidente ang nagmamaneho, laging sa gabi. May bubugang ilaw sa mukha ng artista at imbes na kabigin ang manibela ay itataas at mag-eekis ang dalawang kamay sa harap ng mukha. May tunog ng gulong na biglang preno.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, ang mga sidekick ng bidang babae ay sobrang bibo, maingay, at malalandi.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, pag may nakita kang lumang kotse, siguradong sasabog ito sa huli. Pero bago nito, may babanggain siyang prutasan.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, ang palaging almusal ay hatdog, pritong itlog, at isang pitcher ng orange juice.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, kapag pupunta sa beer house dahil may problema ang bida, pagsisilbihan siya ng magandang waitress. Pero sa kabilang mesa, may mga nagtatawanang goons na naka-jacket at hahawakan sa braso ang waitress. At mangyayari ang ganitong palitan ng mga linya:

 

GOON: Miss, eh, nagkakasiyahan lang kami ng kasama ko gawang kaarawan ko ngayon. Maari ka bang anyayahan? Let's join us! 

 

WAITRESS: Ano ba...? Nasasaktan ako!!! Ano ba?! Bitiwan mo ko... Bastos! (Biglang tatayo ang bida at hihilahin ang kamay ng goon palayo sa braso ng waitress.)

 

BIDA: Pare, ang babae, minamahal, hindi sinasaktan.

 

GOON: Aba't tarantado 'tong pakialamerong 'to a!

 

Magsusuntukan na sila.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, ang suntukan at barilan ay magaganap sa may area ng El Jogar sa Escolta. Magtatapos ito sa habulan ng kotse sa Regalado. Doon ay rarampa ang kotse at sasabog. Ilang beses itong ipapakita nang slo-mo mula sa iba't-ibang anggulo (Para sulit ang ginastos).

 

Habang ang bida ay kalmadong naglalakad palayo na parang nasa park lang.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, ang mga lalaking hindi tapat sa asawa ay laging kamukha ni Gabby Concepcion o Christopher de Leon. Kung sa mga medyo bago-bagong pelikula, si Derek Ramsey.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, ang mayayaman ay laging naka-bathrobe at may dalang baso ng scotch whisky.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, ang mga kontrabida ay laging naka-jacket kahit gaano kainit . Kung hindi leather, maong. Minsan, meron din silang hawak na baso ng whiskey.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, ang mga goons ay walang mga pangalan. Isa lang ang tawag sa kanila ng kanilang amo: “Mga bata.”

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, kadalasa’y bigong mahuli ng mga goons ang bida. Tadtad ng mga black eye at pilay, mapagkumbaba at mahiya-hiya silang babalik sa big boss. Sa una ay nakatalikod sa kanila ang big boss pag kinakausap sila. Marahan lang muna ang boses. Hanggang sa bigla na lang itong iikot at sasabog:

 

“ANG DAMI-DAMI NINYO… ISANG TAO LANG HINDI NIYO PA MAHULI-HULI? MGA INUTIL! MGA GUNGGONG!

 

Sabay sampal sa mga goons.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, ang bidang babae kahit patulog na ay naka-style pa rin ang buhok, naka-lipstick, may eyeshadow, naka-contour ang pisngi at ayos na ayos ang kilay.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, ang kinikidnap ay siguradong matatagpuan sa isang malaki at madilim na warehouse. Madalas, nakatali sa poste at may busal ang bibig.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy lahat ng dream sequence ay may habulan at landian sa beach. Kung hindi, sa Tagaytay.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, ang sasakyan ng bidang pulis ay laging owner-type na jeep.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, kung kelan ang bidang babae ay hinahabol na ng multo, doon magkakaproblema ang pinto.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, magwawakas ang kuwento sa masayang kantahan at sayawan sa beach. Ang makabagong bersyon nito ay ang flash mob.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, dumadating ang mga pulis pag tapos na ang barilan.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, ang pulis ay puting panyo na nakatali sa ulo.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, sa lahat ng mga kontrabida, ang pinaka-big boss ang pinakahuling mamamatay.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, wala ring silbi ang pancit na pasalubong ng bida dahil patay na ang lahat ng anak niya at ginahasa ang asawa niya.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, sa bandang huli, masasangga rin ng bidang babae ang sampal ng matapobreng biyenan at makakaganti ito matapos sambitin ang isang madramang linya (Kadalasan ay nasa title ng pelikula).

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, kayang pasabugin ng isang putok ng baril ang isang rumaragasang kotse. O kahit na helicopter.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, pag may bilyaran siguradong may suntukan.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, ang babaeng maliligo sa banyo na gawa lang sa pawid ay laging bobosohan.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, magkakaroon bigla ng slow, sexy music pag nagsimula nang mag-shower ang babae.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, laging maliligtas ang buhay ng bida dahil mauubusan ng bala si Paquito Diaz.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, laging pipilitin ng mga tambay painumin ang bida. Pag tumanggi ang bida at sasabihin na hindi siya umiinom, hihirit ang tambay: “Aba, tarantadong ‘to ha…. pinapahiya mo kami!”

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, pag ayaw na talagang sumuko ng bida, ibibigay ng mga pulis ang megaphone sa nanay, asawa, at anak para luhaang makiusap sa kanya.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, lahat ng binabaril nanginginig ang katawan at patay agad. Pero pag ang binaril ay kamag-anak ng bida, kahit gaano katindi ang tama ay makakapagsalita pa rin ito para bigyan ng payo ng bida, bago malagutan ng hininga.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, ang isang suntok na bida ay makakapagpatulog sa kalaban.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, dadating sa squatters area ang mayaman na nakasakay sa Mercedes Benz at pagbaba, naka-all white na suit.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, laging mai-in love ang bida sa dancer sa beerhouse. O kaya sa prostitute.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, ang Tsinoy, marunong mag martial arts. Ihaharap ito para iligpit ang bida.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, pag binabasa ang liham, laging nadidinig ang boses ng sumulat. Pagkatapos basahin ay ititiklop ito ng bida at titingin siya sa malayo.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, ang mga nasa disko ang iisa lang ang sayaw: kaliwa, kanan. At laging nakatingin sa kasayaw nila.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, laging iniisip ng mayamang doña kung “ano na lang ang sasabihin ng mga amiga” niya.

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, magtatanong ang pari kung may tumutol pa sa pagsasama ng malungkot na bidang babae at ng pangit na lalaki (Napilitan lang siya dahil gusto ng mga magulang). Biglang dadating ang bidang lalaki at sisigaw ng, “ITIGIL ANG KASAL!”

 

  1. Sa pelikulang Pinoy, ________ (ADD YOUR OWN FAVORITE FILIPINO MOVIE CLICHÉ)

 

(TO BE CONTINUED)

Tell us your #feels!

Win
260
Yum
1
Want!
2
LOL
66
Yuck
5
WTF
4
338
Total votes
View more stories tagged ""

Read more stories about

Comments

Latest Stories

Load More Stories

SUBSCRIBE TO NEWSLETTER

Get the latest updates right in your inbox!