IMAGE Christa I. De La Cruz

On the Spot: Ricky Lee on his insecurities, a writer’s innate madness, and millennials

The renowned writer is excited about his upcoming workshop.


 

(SPOT.ph) When Ricky Lee asked his workshop committee “May magwo-workshop pa ba? Mamaya announce tayo nang announce, te-twenty ang pupunta, o te-thirty,” he didn’t know that thousands of professional and aspiring writers were more than willing to sign up to be mentored by the award-winning screenwriter, journalist, and playwright.

 

Lee started sharing his personal experiences and tips on writing through a free scriptwriting workshop at his residence in Loyola Heights, Quezon City in 1982. It went on for 14 years and has since produced cinema greats like Lav Diaz, Jeffrey Jeturian, Jerry Sineneng, Vincent de Jesus, and Leo Abaya.

 

After a 14-year hiatus, he announced on his Facebook page in July that he'll be reviving his personal workshop this year. Much to his surprise, 5,000 people responded. "Na-overwhelm ako, madugong trabaho 'to, ang hinihingi ko lang naman, substantial number." In an effort to trim down the number of applicants, his team released another online form in August which contained questions that require lengthy answers. More than 2,000 submitted the accomplished questionnaire but it still wasn't enough to make the selection process easier. On September 4, the second part of the application process was conducted at the Film Institute of the University of the Philippines-Diliman. Through the help of previous workshop fellows and co-writers like Antoinette Jadaone, Dan Villegas, and Jerry Gracio, they gave on-the-spot writing exercises and started conducting interviews. Thousands still came and it didn’t help that there were also walk-in applicants.

 

Despite the piles of paper that he had to read during the tumultuous selection process, Lee was kind enough to chat with SPOT.ph in his own library one rainy Thursday afternoon, October 6. He talked about his passion for teaching, his favorite project, and what he’s most excited about in this year’s workshop.

 


Ricky Lee's Workshop Committee

 

Ano ang kailangan pagdaanan ng isang manunulat?

Kung gusto mong magsulat...sa akin, tatlo 'yong best teachers ng writer. 'Yong unang teacher ay mga libro, o mga pelikula kung gusto niyang mag-direct o magsulat sa pelikula. Kung gusto mong magsulat, dapat nagbabasa ka. Kung gusto mong gumawa ng pelikula, dapat nanonood ka. Since childhood dapat basa ka nang basa nang basa kasi 'yon ang gagawin mo e, magsusulat ka. 'Yon ang best teacher, or one of the three best teachers ng pagsusulat. 'Yong mga nababasa mo ang nagsasabi sa iyo kung ano’ng tama, ano’ng mali, ano’ng pwedeng gawin, ano’ng allowed, pwede palang ganito, pwede palang non-linear, pwede palang tumatalon ang flashback, pwede palang gano'n...sila ang nagsasabi sa 'yo, kung magbabasa ka talaga ng totoong pagbabasa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

Ikalawang instructor 'yong buhay mismo. Lahat ng paraan ginagawa ng buhay para tulungan ka magsulat, lahat ng mga nangyayari sa palibot, lahat ng nakikita mo, ando'n na. Kailangan ka lang makinig at tumingin. Hindi ka kailangan maghirap maghanap, so nando'n na. Again, kung nakabukas ka sa buhay, sa palibot, tuturuan ka niya kung anong tama. Anong tao, anong dapat ginagawa ng tao, anong dapat nangyayari sa tao. Makikinig ka lang.

 

Ikatlong teacher mo sa pagsusulat 'yong sinulat mo mismo. I think kung gusto mong magsulat dapat magsulat ka, maski na gaano kapangit o kamali ang masusulat mo. Kasi pag tiningnan mo 'yong nasulat mo na pangit at mali, 'yon ang magtuturo kung ano pa ang dapat mong matutunan, 'yon ang magtuturo sa 'yo kung anong hilig mong isulat—tungkol ba sa mga tatay, tungkol ba sa mga broken hearts. 'Yon ang magsasabi sa 'yo kung saan nakalagay ang puso mo. Pakikinggan mo 'yong sinulat mo para malaman mo kung ano pang mga dapat mong gawin bilang isang would-be writer. O maski na nagsusulat ka na, kung paano ka maging mas mahusay, 'yong isinusulat mo ang magsasabi sa 'yo.

 

Sa akin 'yong tatlo ang pinakamahahalaga at pinakamahuhusay na teacher ng isang writer. On the side na lang, nakatutulong 'yong mga kurso sa eskwelahan, mga workshop gaya ng kino-conduct ko, 'yong mga advice ng iba pa, teachers man or mentors ng writing, mga scriptwriting books. Makatutulong 'yon. But I think hindi nila tatalunin 'yong tatlo na nauna. So even if nagwo-workshop ako, naniniwala ako na hindi ako ang primary teacher na makapagtuturo sa writers. 'Yon 'yong tatlo.

 

In fact, sa workshop hindi ka naman pwede magturo, hindi mo pwedeng ikahon 'yong workshop at sabihin na dapat ganito ka magsulat. Hindi siya pwedeng ikulong, dapat may sarili siyang boses. Hindi ka naman nagtuturo talaga sa workshop, nagga-guide ka, nag-i-inspire ka, nagmo-motivate ka, nagshe-share ka. Hindi ka dapat nagtuturo.

 

 

Anong klaseng aplikante ang hinding-hindi niyo tatanggapin sa workshop?

'Yong makaka-harm sa ibang kasamahan na workshoppers. 'Yong masyadong makasarili, or nagpe-plagiarize. Naghahanap ako ng may madness, may kabaliwan, pero baka naman sumobra na 'yong kabaliwan na harmful na sa iba, destructive na, talagang iiwasan 'yon. That's why we had interviews. Kumbaga kailangang protektahan ko 'yong ibang participants para maging fruitful talaga at productive 'yong workshop. 'Yon isa 'yon sa iniiwasan ko.

 

 

Paano niyo na-gauge ang kabaliwang ito?

Unang-una dahil sa mga sinulat, sa paraan ng pagpapakilala sa sarili. Makikita mo kung may liko o out-of-the-box siya magkuwento. Then, doon sa on-the-spot writing makikita mo ulit. 'Yong iba napaka-standard nung mga sinubmit nilang kuwento. Kumbaga, basa kami nang basa, halos parepareho. Then, biglang may isa iba 'yong approach, naging fantasy o sci-fi, or ang husay ng pagkakasulat. So kita mo agad na may kabaliwan, may liko, may toyo. Sa interview din, makikita naman pag nagdi-discuss na lahat, pag may sinabi 'yong interviewer, makikita mo sa sagot, may kabaliwan na hindi sobrang kabaliwan. Maraming pwedeng hanapin sa isang gustong magsulat. Halimbawa, sabihin natin 30, hindi mo naman kailangan hanapin 'yong 30 sa isa. Mga 15 o 16 no'n, okay na 'yon. Hindi naman pareho ang 15 niya, sa 15 niya, sa 15 niya. Kanya-kanyang potensiyal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

 

Ano ang pinakakinasasabikan niyo sa workshop?

Hindi ako napapagod mag-workshop. Sa ABS-CBN nga, nagkaroon ng panahon last year o this year lang na halos daily ang workshop. Nakakapagod physically pero emotionally hindi. Gusto ko talagang gawin 'yong pagtuturo, pagme-mentor, so lagi akong excited. This time, excited ako kasi ibang mix e. Meron kang Gino Santos and Kanakan Balintagos (a.k.a. Aureaus Solito). Merong mga professional na. Meron kang si Bela Padilla na mahusay magsulat. At meron ka ring mga high school pa lang, 19, 18. May isang 16 na ang ganda-ganda at ang lalim-lalim ng pagkakasulat, ang well-read, well-read. 'Yong mix ng mga tao. Merong mga scriptwriter, sina Gian [Abrahan]. May nanalo ng Palanca. Merong andami nang nagawa sa pelikula o sa writing, meron namang halos wala pang nagagawa pero nakikita mo nang mukhang may potential. So exciting 'yon.

 

Ang problema ko lang dito, andami-daming qualified hindi ma-accommodate. As in sa initial pa lang na pumasok sa akin nasa hundred plus na highly recommended ng readers ko. Tig-tatatlo bawat isang form ang kailangan makabasa. Anong gagawin ko sa 160? Hindi ko kayang i-workshop ang 160.

 

Initially, one batch 30 participants. Given andami-daming qualified, parang ang feeling namin sayang naman 'yong husay ng mga nag-apply. Sayang din ang pagod namin. Sa laki ng gastos, panahon, at pagod, parang sayang naman kung 30 lang ang matutulungan. So we decided na tatlong batches, tig-30, so 90. May November batch, February batch, at May batch. So lahat ng Sundays ng buhay ko hanggang sa susunod na taon, okupado.

 

 

Marami na kayong naisulat pero ano ang pinakapaborito niyo sa lahat ng mga ginawa niyo?

Unang-una, mas gusto kong magsulat ng nobela kaysa pelikula kasi akin 'yong nobela. Pelikula, maski anong gawin ko, hindi akin 'yon. Ngayon, ang inclination ko, magsulat ng libro, ng nobela. May ilalabas ako sa November, libro, hindi pelikula. I have about five, six, seven film assignments, puro ako delinquent. 'Yong iba two years na, hindi ko magawa. 'Yong iba, nag-back out na ako. 'Yong iba, pending ngayon. And yet ang ginagawa ko ngayon, libro.

 

 

Sa ngayon, Para Kay B ang paborito ko. Kasi 'yon ang unang nobela ko na hindi ko alam kung kaya ko bang mag-nobela, marunong ba akong magsulat ng nobela, kaya ko bang may love story na element na ganito karami. Ang dami kong doubts and insecurities doon. Ang daming occasions na magigising ako sa madaling araw na sasabihin ko, "Huwag ko na lang kayang ituloy," and then the whole day ako nagwo-worry. Then the next day, sige, ituloy ulit. So ang daming gano'ng see-sawing ng emotions and frustration. And then, papabasa ko sa readers. Sasabihin nila ang ganda-ganda, the next time naman sasabihin nila it's not working, wala akong maramdaman. Again, mahirap na proseso na napaka-involved ako dahil nga first time. Nang eventually nabuo, parang ang sarap ng pakiramdam e. And then nung nag-react na 'yong mga tao, masarap e. Di ko na madu-duplicate 'yong ganong feeling sa next novels kasi iba 'yong first na hirap na hirap ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

 

Ano ang mabibigay niyong advice sa mga batang manunulat?

Lagi nilang sinasabi kasi, at hindi ako naniniwala, sa palibot ko lagi kong naririnig na parang nagloo-look down lagi sila o pinupuna nila 'yong millenialls. Laging sinasabi, "Itong millenials ngayon, napaka-feeling self-entitled, di kayo maka-focus, napaka-short ng attention span niyo." To some extent, totoo. I think if you're a millennial, you have to accept. "Short talaga ang attention span ko, bakit ko pupuwersahin.” You can come out with stories na pang-short attention span. Kumbaga kung anong nature mo as a person, as a writer, sa generation mo, 'yong boses mong 'yon, magsulat ka mula doon. Huwag mong pilitin na magsulat ka na parang si Ricky Lee o parang si Lualhati Bautista kasi iba ang boses namin. Matuto ka sa amin, sa mga shine-share namin, but in the end, huwag mong ambisyunin maging Ricky Lee. Nag-iisa ka na kung ano ka man, kung anong pangalan mo, nag-iisa ka, wala kang kapareho,'yon ang ambisyon mo. Magpakahusay ka bilang ikaw. 'Yon ang boses mo. Look for your voice. Huwag mong i-deny 'yong unique na boses mo.

 

 

The list of fellows for Ricky Lee’s workshop was released on October 10. From the thousands of applicants, 95 were accepted and grouped into three batches. Batch 15 will undergo the workshop every Sunday from November 13 to February 5, 2017; Batch 16 from February 19 to April 30, 2017; and Batch 17 from May 14 to July 16, 2017. For the list of names, visit Ricky Lee's Official Facebook page.

Tell us your #feels!

Win
7
Yum
LOL
WTF
7
Total votes
View more stories tagged ""

Read more stories about

Comments

Latest Stories

Load More Stories

SUBSCRIBE TO NEWSLETTER

Get the latest updates right in your inbox!