On the Spot: Ramon Bautista

The funnyman and Internet action star on cam-whoring with celebrities, failing his students, and playing boy-next-door roles.

ramonbautista-click

Ramon Bautista wears many hats: filmmaker, actor, professor, student, radio host, endorser, and even love guru.

The star of the MTV hits Dan Michael: Master Magician and The Ramon Bautista Show co-hosts a radio show called Brewrats with Arvin "Tado" Jimenez and Angel "Erning" Rivero on U92.   He’s reaped local and international awards as a filmmaker.   He teaches film at the University of the Philippines-Diliman, where he’s also taking up his master’s degree at the same school.

When he’s not busy with his multiple endorsements (Mitsubishi, Smart Bro Surf TV, Sandbox, and the Commission on Elections automated polls to name a few), he grabs photo-ops with celebrities and posts it on his Tumblr account, along with LOL-worthy love advice.

SPOT.ph talks to Ramon Bautista about David Beckham, "jumping jologs", and his sweet-but-weird fans.


What’s your wackiest photo with a celebrity??
’Yung phinotoshop ko na katabi ko si David Beckham (football star). Kasi nagkaro’n kami ng photo shoot na ’yun ’yung peg. So ’yung peg ginaya ko. Parang sumakto naman. Tapos ’yung tunay? Ang paborito ko ’yung kasama ko si Vic Sotto. Idol ko talaga siya eh.

Among the girls whom you’ve had a photo taken with, did anyone ever put "the moves" on you?
Well, lahat naman sila nagme-make a move on me eh. Hindi ko naman mapigil ’yun. Hindi rin nila mapigil ’yun. Siguro sanayan na lang. Okay lang kasi friendly naman ako.

Girls go gaga for Ramon Bautista.

Has any celebrity refused to have a photo taken with you?
Wala pa naman. Siguro nagugulat na lang sila kasi pa-picture tapos nakapuwesto na ’yung photographer.

Do you have a Facebook fan page?
May fan page ako pero gawa ng fans kaya fan page na fan page eh. Minsan mean ’yung operator, parang nang-aaway. Hindi ako ’to ah. So sana matalino ’yung mga tao, [maiisip na] hindi si Ramon ’yan.

Has anyone "unfriended" you?
Hindi ko alam. Dami kong friends eh. ’Yung mga sino-stalk ko mukhang hindi naman nila ako binibitawan. Awa ng Diyos. Siguro ’yung mga wala akong pakialam, ina-unfollow nila ako. ’Di ko naman nararamdaman eh.

Many young people look up to you. Do you ever feel pressured when they say   you’re their idol?
Fans? Talaga, fans ba ’yun? Hayaan mo sila. Kasi ang daming salbahe sa mundo, ’di ba? P’wede naman nilang gawing role model ’yun. Kung meron mang ginagawa akong role model, ewan ko kung bakit. Suggestion ko sa kanila, si Piolo Pascual o kaya Vic Sotto na lang. Salamat sa mga [ginagawa akong] role model, sana makita niyo lang ’yung mabubuting asal na ginagawa ko. Mga masasama kong asal na pagpupuyat at pag-i-Internet hanggang madaling araw, tigil-tigilan niyo na ’yan. Mag-aral na lang kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

What was the sweetest thing that a fan did for you?
Hindi naman fan, mga friends naman ’yung mga ’yun eh. Mga lalaki. Sweet sila, nagbibigay sila ng drawing sa’kin. Tapos inuutusan ko sila, next time ’yung drawing ko, gusto ko para akong general tapos may hawak akong espada. Self-centered kasi ako eh.

How about the weirdest thing?
Lahat naman sila weird eh. Hindi ko na alam ’yung weird tsaka ’yung normal eh. Sa tingin ko, kung fan ko sila, weird na ka’gad ’yun. ’Yun na ’yung weird na bagay doon. Fina-follow nila ’ko sa Twitter o kaya Tumblr. Wala namang kakwenta-kwenta ’yung ginagawa ko, puro ako eh ’di ba?


What do you usually do during the summer?
Every Holy Week, nagbababad sa init. Nagda-drive ng malayo papuntang probinsiya. Masaya na ’yun kasi nakakaintrospeksyon ako. Naks. May mga trabaho na required magpunta sa beach. Okay din, masaya din naman sa beach. Pero mas gusto ko sa bundok.

How did you celebrate Earth Day?
Para sa akin, ang Earth Day araw-araw. Tipid ako ng papel, kuryente, gan’yan. ’Di ako nagaaksaya ng gasolina. Lahat ng appliances earth friendly basta hindi mo gagamitin. ’Di ba? Gagamitin mo lang’ yung kailangan mo.

What’s the best place in Manila for a date?
Bahay lang tapos manood ng DVD. Mas intimate ’yun kasi lalo pag wala ’yung magulang. Dot dot dot.

Bahay tao talaga ako. Okay na’ko sa malapit lang, pareho lang eh. Hindi ako nagsasawa. Natutulala lang ako, na-e-entertain na ako. ’Pag natutulog ka, nananaginip ka ng kung anu-ano. Parang, oy, ang bilis ng oras ah, tulog pa tayo.

Where do you hang out?
I don’t go out too much; if I do, I go to strange lands like Tagaytay, Baguio, and RA Rivera’s house in Quezon City. Sometimes, I go to Cubao X to hang out with my cool friends and be cool by association.

Do you go to comedy clubs?
Not really. I’m afraid some of the gays there will make fun of me and cause me to lose more self-esteem.

Who do you find funny?
Tado (his Brewrats co-host), RA Rivera, and Jun Sabayton(directors). They’re hilarious! Every minute with them is a barrel of laughter. I think that’s the way life should be lived.

Mga Bangkang Papel sa Swimming Pool ng Kumukulong Arnibal trailer


For those of us who don’t know Ramon the filmmaker, what subjects do you usually feature when making videos and documentaries?
Gusto ko ’yung tungkol sa love, passion, seduction, murder. Sa mga tunay na problema nating mga Pilipino tsaka mga historical epic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

We can’t find a copy of your award-winning movie, Mga Bangkang Papel sa Swimming Pool ng Kumukulong Arnibal.
Wala kasi napadala na sa mga international film festival lahat ng kopya nun. Tsaka sa CCP (Cultural Center of the Philippines). ’Wag mo panorin ’yun, ’yung trailer na lang. Maganda’ yun, nanalo ng maraming awards dito tsaka sa abroad.

No plans to release it here?
Hindi na kasi baka ’yung audience na Pilipino hindi pa handa sa mga ganung seryosong mga bagay. Wala pang balak pero namimigay naman ako ng VCD nun.

Will you ever cross over to mainstream cinema? Be the next John Lloyd Cruz?
Gusto ko ’yung maka-devirginize sa’kin sa larangan ng pelikula, sila RA Rivera. Sabi ko mga boy-next-door ’yung roles na gawin niya para sa’kin o kaya mga historical characters tulad ni Jose Rizal.

Aside from Mogwai and the usual film festivals, can you recommend any place in Manila where people can watch good indie films?
’Yung UP Cinema, isang org na ako ’yung adviser, may film festival na tinatawag na POV o Piling Obrang Video. Mga gawa ng studyante ’yan. Okay ’yang mga ’yan. Tapos kami ni RA Rivera, may Nepa Q film festival. Mga gawa lang namin na ine-exhibit sa bahay namin. Wala siyang kinalaman sa Nepa Q (Nepa Q Mart in Quezon City). Proclaimed winners kami ng film festival na ’yun.

Out of all the characters you’ve played, which one is your favorite?
Wala akong favorite, parang lahat kasi sila special eh. Shumo-showbiz ’no? Pero totoo naman. Halimbawa, ’yung Nescafe na palistuhan, ’yung rapper ako, kasama ko si Francis M. Special ’yun kasi isipin mo kalaban ko the master rapper himself ’di ba? ’Yung sa Ramon Bautista Show, lahat ’yun mga idol ko. ’Yung pagiging teacher, special din ’yun kasi may natutunan ata ’yung mga studyante ko sa’kin.

Ramon Bautista with Master Rapper Francis Magalona


What subjects do you teach?
Nagtuturo ako ngayon ng editing tsaka documentary film for undergrad kasi tinatapos ko pa ’yung MA (Master of Arts) ko. ’Pag natapos ko na ’yung MA ko, baka pwede na’kong magturo ng MA. Tsaka sa workshops, nagtuturo din ako ng filmmaking. Sa UP workshop, non-linear editing. Three days lang, magiging editor ka na.

What are you like as a professor?
Strikto talaga ako. Hindi ko alam eh. Tanungin mo studyante ko. ’Pag sinabi kong strikto ako, wooh, pa-strikto kunyari. ’Di ko alam. Maraming akong requirements kasi tingin ko ’yung film natututunan siya through experience. Kahit na anong daming pelikulang pano’rin mo, kahit anong daming lecture gawin mo ’pag di nila na-put into practice ’yan, hindi sila magiging marunong. May mga short films, editing exercises, exams, lectures.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

’Yung mga studyante ko alam naman nila pinagkaiba ng TV sa eto teacher ’to eh. Siya ’yung master natin tsaka hawak niya ’yung grade natin. ’Pag kinonsider natin siyang gago-gago, babagsak niya tayo. Alam nila yung bounds. Ewan ko nga eh, naiinis nga ako kasi parang lahat sila mukhang hindi pa napapanod ’yung mga gawa ko eh.

Have you ever failed anyone?
Marami na. ’Pag bobo, ’ pag ’di nagpapapasok, masama ugali, o kaya nang-bu-bully. Babagsak mo ’yun, ’di ba?

Have any of your students begged for a passing grade?
Marami rin. Siyempre, ne-negotiate pa ’yun kung willing silang magbago. Depende sa kaso eh, walang mga rules. Siyempre, naoobserbahan mo siya. Kung gusto talaga niyang mag-aral, o para lang ma-appease ’yung magulang niya o kaya hindi niya alam direksyon niya sa buhay. Mas mabuti na bigyan mo siya ng direksyon talaga o makatulong ka sa paghahanap ng sarili niya. Naks, ’yun ’yung mga kino-quote sa mga sine ’di ba?


What do you like to sing in the shower?
Mga kanta nila Michael Jackson, Eraserheads, Taylor Swift, Miley Cyrus at Jason Derulo.

How do you stay so slim?
Me, slim? Ang fat ko nga eh. Actually mga ka-batch ko, ang tataba, mga tatay na eh. Wala, nagja-jogging lang ako. Kahirapan siguro, wala akong pambili ng pagkain.

But you have a lot of endorsements.
Hindi naman ganun kadaming raket, mahirap kasi buhay ngayon ’di ba? Kailangan magsipag kundi mamamatay ka.

Ramon Bautista and Chris Tiu for Sandbox.

Do you drink?
Minsan. Beer lang. Siguro isa lang, masaya na ako. Healthy living ako eh. Hindi ako nagyoyosi, umiinom, nagda-drugs. Puwede mo akong pakilala sa lola mo. Sobrang bait kong tao.

What’s your comfort food?
Spaghetti na gawa ko. Mabubuhay na ako dun. Iti-Tweet ko nga, "Comfort food ang metrosexual version ng favorite food." (His actual Tweet read: "is ’what’s your comfort food?’ the new ’what’s your favorite food?’?")

Where do you go for inspiration?
Kahit saan naman makakahanap tayo ng inspiration. Kung titingin lang tayo sa loob natin, makikita mo marami tayong inspiration. Showbiz ba? Pang-Miss-Universe talaga ’yun, cheesy talaga ako sumagot.

Spot the Niponggo punchline.

You once called yourself "jumping jologs," does that still hold true today?
Oo, lahat naman tayo jumping jologs; hindi lang natin alam. Meron tayong kanya-kanyang ka-jologan, ’di ba? Baka para sa ibang tao jologs ’yun, sa iba hindi. ’Yung ginagawa mong image depende ’yun sa tumitingin eh. Hindi mo dini-declare na jumping jologs ka kundi bina-brand sa’yo ’yan. So malamang may isang tao sa isang bilyong populasyon ng Pilipinas na sadyang tumawag sa’yo ng jumping jologs kaya jumping jologs ka na rin. Hindi mo sasabihin na cool ka, hihintayin mo munang may mag-brand sayo na cool ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

O kaya "I’m crazy." Hindi ka na crazy nun kasi may consciousness ka kung anong crazy at hindi crazy. ’Yung mga taong grasa, sinasabi ba nila, "You know what, I’m crazy"? Ibig sabihin, marami lang talagang pretentious na tao sa mundo. Sana enjoyin na lang ang sarili, ’wag mang-down ng ibang tao para lang i-assert na mas magaling, mas tama, sandigan ng awtoridad at coolness tsaka ng pagiging matalino. Tulad ng ginagawa ko ngayon, parang preachy shit na.

It’s not preachy if it comes from you. You’re cool.
Naks, thank you ha. (laughs) O ayun, ’pag galing sa SPOT.ph, cool ka na ’nun. Awtoridad kayo eh.

Ramon Bautista, Mo Twister and Lola Techie for IBA (It’s Better Automated) Na Ngayon.


Do you know who you’re voting for as president?
Hindi ko pa alam kung sinong iboboto ko, pinag-iisipan ko pa ng maayos. Hindi natin alam ’yung totoong sila so ang hirap magsabi kung sinong okay.

Last words?
Isa lang akong ordinary na tao na walang ginawa kundi mag-Internet.


Photos from Ramon Bautista’s Tumblr. Tik Tok launch photos by Jeff Cape.


Tell us your #feels!

Win
Yum
LOL
WTF
0
Total votes
View more stories tagged ""

Read more stories about

Comments

Latest Stories

Load More Stories

SUBSCRIBE TO NEWSLETTER

Get the latest updates right in your inbox!