On the Spot: Martin Escudero of Zombadings 1: Patayin Sa Shokot Si Remington

Everyone’s saying he’s <em>the</em> actor to watch. Here, his thoughts on playing Remington, kissing another man, his next dream role, and more!

(SPOT.ph) Even before the award-deserving gay flick Zombadings 1: Patayin Sa Shokot si Remington hit the cinemas in its commercial run last week, you probably already noticed actor Martin Escudero. With stints in the reality artista search StarStruck, his role in TV 5's Babaeng Hampaslupa; and appearances in films like My Monster Mom, Mag-ingat Ka Sa...Kulam, and Shake Rattle and Roll 12, you could say it was slowly but surely the start of bigger things to come.

 

Then, ta-dah! Before you could shriek "Awaaaaard!" Escudero landed the role many actors ahead of him in the game could only dream of: the landmark role of Remington, homophobic youngster-turned-bakla against his macho, manly will. After its hit premiere at last month’s Cinemalaya, the campy comedy, written by Raymond Lee, Michiko Yamamoto, and Jade Castro (also the director), propelled the fresh-faced, "best friend"-playing supporting actor to lead role status. Critics have named him an actor to watch for, commending his perfectly delivered punch lines and impeccable portrayal of Remington.

 

In Zombadings, the young Remington, who has a penchant for teasing homosexuals, is cursed by a mysterious cross-dressing gay man-he is to grow up to become a bakla himself. Fast forward 15 years and the curse takes effect. As Remington undergoes a transformation, his town is terrorized by a serial killer victimizing gays. Remington could be next, so with the help of his family and friends, he seeks to put an end to the senseless killing spree.

 

Only three days after the movie's opening on August 31, aptly called "National Zomba Day," a dozen more screenings were added to cater to the overwhelming response from moviegoers, bringing up to 69 the total number of thaters where the movie is playing. Now, if this doesn't make you want to dash to the nearest cinema right now to see for yourself what the hype about Escudero’s acting and the movie is all about, we don't know what will.


Martin Escudero as Remington. Click for more.

 

Still on a high from all the rave reviews about his performance, Martin Escudero chatted with SPOT.ph to share his thoughts on playing Remington, kissing another man, his impromptu choreography for the movie, and more.

 

Paano ka nag-audition para sa role ni Remington?

Narinig lang namin ang balita kay miss Janice de Belen dahil isa siya sa mga unang na-cast. Siya ang nagsabi na may audition sa GMA para sa role ni Remington kaya pumunta ako at sinubukan kong kunin ang role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Sa tingin mo, bakit ikaw ang pinili?

Hindi ko inisip na ako ang makakakuha. Ipinagpa sa dios ko nalang at naghintay para sa resulta.



Nag-alinlangan ka bang tanggapin ang role? Anong mga naisip mong pwedeng maging epekto nito sa career mo?

Walang hesitations o kahit na nagdalawang-isip man lang sa pagtanggap sa role. Ang negatibo lang e baka hindi magustuhan ng tao ang pelikula. Siyempre lahat naman kami gusto namin umangat sa makatarungan na paraan.



Paano ka naghanda?

Napakahaba ng aking paghahanda. Marami akong movies na pinanood, nag-observe sa maraming tao, may mga araw ding halos buong araw na in character ako.



Maraming nagsasabing magaling daw ang pag-arte mo sa Zombadings. Anong atake ang ginamit mo para dito?

Siyempre sa pinakasimpleng paraan ayaw ko ng OA. Naniniwala ako sa less is more. Lahat dapat manggagaling sa puso at isip, kusa nang gagalaw ang katawan.

 

 

Martin Escudero’s audition for the role of Remington.

 

 

Nagulat ka ba sa lahat ng mga papuri sa’yo?

Oo naman.Hhindi ako nag-e-expect ng kahit na ano. Ngayon lang ako nakatanggap ng mga papuri na mga napakagaganda.

 

Paano kayo naghanda ni Kerbie Zamora para sa kissing scene ninyo? Anong tumatakbo sa utak mo habang ginagawa ang eksenang ’yon?

Matagal yung naging paghahanda namin para sa eksenang yun. Araw-araw kong pinag-aaralan yun at binabasa. Mahabang rehearsal at bago ang take, nag-usap muna kami ni Kerbie. Kahit ginawa namin ng isang take, parang nahirapan pa rin kami. Siguro sobrang focus sa character hindi na ako nag-isip ng kung ano para hindi na ko matakot pa o ano. Lahat ng inhibitions ko inalis ko para magawa ko ng tama yun.

 

Anong pakiramdam nang makahalik ng kapwa lalaki?

Crazy! Hahaha! Ibang experience. Natatawa nalang talaga ako pag naaalala ko.

 

Sabi nila Raymond Lee at Jade Castro, ikaw daw ang nag-choreograph sa sarili mo para sa dance number sa Zombadings dahil hindi dumating ang choreographer. Nahirapan ka ba?

Matagal din naman akong sumayaw sa SOP kaya hindi na masyadong naging problema sakin. Naghanap lang ako ng magandang kanta para magawan ng steps. Dahil may pagka-gay yung sayaw naging mas madali para sakin. In-enjoy ko nalang at nilagyan ng konti kwela.

 

Saan ka nahirapan at nasiyahan habang ginagawa ang Zombadings?

Yung sa hagdanan na yung pinakamahirap para sakin. Lahat ng eksena in-enjoy ko. Lahat nakakatuwa. Wala akong experience dun na ’di ko in-enjoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

 

Get the story behind this movie truly deserving of an awaaard!


Nabago ba ng pelikula ang pananaw mo sa mga bading? Ano sa tingin mo ang mensahe ng Zombadings?

Oo naman. Mas naintindihan ko sila. Siyempre hindi tamang manlait ng kapwa lalong lalo na sa panlabas na kaanyuan dahil tao pa rin sila.

 

Bago ka mag-comedy, mga drama ang ginagawa mo. Nakakatawa ka ba talaga sa totoong buhay?

Kung hindi drama, horror ginagawa ko. Mahilig ako magpatawa at magbiro. Bata palang ako paborito ko na ang comedy. Gusto ko talaga magpasaya ng tao. Swerte ko talaga pinagbigyan ako nila Raymond at direk para gawin ’to.

 

Sinong mga aktor ang iniidolo mo? May artista ka bang pinamamarisan?

Dennis Trillo at Eddie Garcia. Wala eh.

 

Ano pang mga ibang bagay ang kinahihiligan mo? Paano mo ilalarawan ang sarili mo kapag wala ka sa harap ng camera?

Sa totoong buhay, I’m a very shy and quiet person. May interes ako sa mga bagay na may kabuluhan. Yung mga hindi makakatulong sakin, hindi ko na pinapansin.

Ano pang mga role ang gusto mong gampanan? Kung may hihilingin ka para sa career mo, ano ’yon?

Dream role? Isang psycho killer. Good projects!

 

Catch it in cinemas while you can.

 

 

Photos courtesy of Martin Escudero

Tell us your #feels!

Win
Yum
LOL
WTF
0
Total votes
View more stories tagged ""

Read more stories about

Comments

Latest Stories

Load More Stories

SUBSCRIBE TO NEWSLETTER

Get the latest updates right in your inbox!