DEAR XEREX: First Sexperience (Conclusion)

Mabuti na lamang at alam mo kung paano pasiyahin ang sarili. Kung hindi, siguradong bugnutin ka na at suplada na hindi mo nalalaman kung bakit. (Warning: Adult content)

Warning: Content is intended for adult audiences only. By opening this article, you confirm that you are over 18 years of age.

 

 

Dear MissScorpio25,

 

Salamat sa pagshare mo ng sexperience. Nababagabag ka ba na mas pinipili mo ang sarap ng pag-iisa o ng solong kaligayahan ng masturbation, kesa ang pagkakaroon ng relasyon at pakikipagtalik? Huwag mabagabag. Malamang ay isang yugto o phase lang yan ng sarili mo at di magtatagal ay mag-iiba na naman ang gusto o hanap ng katawan mo. Nagbabago-bago ang klima ng panahon, ganoon din ang init ng katawan.

 

Malamang ay stress o pagod sa trabaho ang dahilan kaya nakakaramdam ka ng pag-iisa. Mabuti na lamang at alam mo kung paano i-relax at pasiyahin ang sarili sa loob mismo ng iyong kuwarto. Kung hindi, siguradong bugnutin ka na at suplada na hindi mo nalalaman kung bakit. Sexual knowledge is power. Isang mahalagang hakbang ito para makilala mo ng lubos ang iyong sarili, ang iyong pagiging babae.

 

Hindi ka rin dapat mabagabag na sa napakamurang edad ay nagkaroon ka na ng mala-sexual na pagmumulat-dahil sa "paglalaro" noong bata ka pa, naging aware ka sa sexual excitement na hatid ng paghimas o paghawak o paglalaro sa mga maselang parte ng katawan mo. Sa pakikipanayam ko sa maraming mga kabataan, hindi ka nag iisa sa ganyang karanasan, darating at darating sa iyo ang sexual awareness bilang bahagi ng natural na pag-unlad mo bilang tao.

 

Na tinanggap mo ang kaalamang ito nang bukas-loob at ginamit para mas kilalanin ang sariling katawan sa pamamagitan ng "exploration" ay pruweba ng isang malusog na sexual development.

 

Ang female masturbation-pag kiliti sa maselang bahagi ng pagkababae para sariling kaligayahan-ay ginagawa ng maraming kababaihan sa kanilang kabataan. Natututuhan nila ito sa iba-ibang paraan-kuwentuhan, solong "paglalaro" sa sarili, pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan (lalaki o babae), pagbabasa at iba pa. Bukod sa pisikal na kasiyahan, ang female masturbation ay naghahatid ng kaalaman tungkol sa sariling katawan at tuloy, nagiging bahagi ng paglusog ng pagiging babae ng isang babae. Wala nang iba pang babaeng mas "empowered" kundi iyong alam kung ano ang gusto nila, iyong mga babaeng alam kung paano sila liligaya.

 

Sa mga susunod nating isyu, mapag uusapan natin nang malaliman ang tungkol dito sa female masturbation. Sana ay lagi kang aktibong sasali sa talakayan at sulatan dito sa SPOT.ph para mas mahikayat natin ang iba pang babae na magbahagi ng kanilang mga kuwento.

 

Nagpapasalamat,

Xerex

 

At ikaw naman, dear reader, (oo ikaw), ready ka na ba na magbahagi ng iyong sexperience? Paano ka unang namulat sa sex? Nasiyahan ka ba sa iyong sexual explorations? Saan ka nahirapan? Ano ang naging problema mo? Ano ang mga bagay na gusto mong malaman hinggil sa sex at iyong sexualidad, pero nahihiya kang itanong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

Tara, sali na, dito sa maliit nating talakayan at bahaginan tungkol sa mga bagay na di gaanong pinag-uusapan pero napakahalaga sa ating pagkatao? Nagkaroon ka na ba ng kakaibang karanasang sexual? Naghahanap ka ba ng partner na kapareho mo ng hilig. Dali, ikuwento ang inyong sexual encounters at mga kahilingang sexual, baka nandiyan lang at nagbabasa ang partner na para sa iyo.

 

Magkuwento ka (nakasulat o thru voice recording) at ipadala sa orig.xerex@gmail.com. Hintayin kita, ha....  ;)

Tell us your #feels!

Win
42
Yum
18
Want!
17
LOL
8
Yuck
13
WTF
23
121
Total votes
View more stories tagged ""

Read more stories about

Comments

Latest Stories

Load More Stories

SUBSCRIBE TO NEWSLETTER

Get the latest updates right in your inbox!