Ang Tunay na Lalake, Walang Abs*

Our SPOT.ph blogger on what abs-olutely constitutes a real man.

 

Ayon sa kumpare at idol kong si Norman Wilwayco at lahat ng kasapi sa mala-alamat na TNL blog , ito ang ilan sa katangian ng mga tunay na lalake: 1.) Ang tunay na lalake,  ay hindi nag-te-text back, maliban na lang kung pasahan mo ng load. Ang tunay na lalake, walang abs. 2.) Ang tunay na lalake ay hindi sumasayaw. 3.) Ang tunay na lalake ay laging may tae sa brief.

Mag-focus tayo sa pangalawa.

"Ang tunay na lalake ay walang abs." Of course, pag sinabi kong "abs," ibig sabihin ay abdominal muscles-yung mga mala-pandesal na umbok-umbok sa tiyan, gaya ng nakikita sa mga billboard ng Bench. Hindi naman puwedeng walang abs ang tao-otherwise, may malaki kang butas sa tiyan (Saan mo naman ilalagay yung mga pinagkakain mong hamburger at pansit, di ba? Pagtitinginan ka ng tao pag naglalakad ka sa mall.  Si Gabe Mercado lang ang puwedeng gumawa nun. Okey ka ba, tiyan?).  Ang tinutukoy natin dito ay yung kumikintab at nagtitigasang tumpok-tumpok ng mga masel. Sa linggwahe ng mga miyembro ng Badingky Soliman Foundation-a.k.a berde ang anino, ka-Federacion, o plain and simply, bading-"illegal logging."

Natatawa lang ako pag kumakain kami sa restaurant ng mga kaibigan ko at sasabihin nilang hindi sila magkakanin. Ayaw lang nilang sabihin out loud pero ang subtext ay gusto nilang magpaliit ng tiyan. "Iwas carbs" sa lingwahe ng mga nage-ehersisyo at nagda-diet. Hindi ko alam ang motibasyon ng mga mokong na ito. Huli kong pagkakaalam, ang trabaho nila ay hindi naman pagmo-model ng salawal na gawa ng Bench.

So bakit sila nagpapaliit ng tiyan? Bakit sila nag-enroll sa gym? Bakit ayaw na nilang magkanin? Hindi naman krimen ang pagkakaroon ng abs at karapatan ng bawat tao na mag-desisyon kung ano ang isasaksak nila sa lalamunan nila. Pero medyo nakakatawa na.

Hindi siyempre maipagkakaila ang epekto ng mass media sa pag-iisip ng tao-kahit sino pa man, kahit ano pa ang trabaho mo, mayaman o mahirap, lalake o babae, tomboy o bakla, may ipin man o wala. Dahil ang subtext, ang puno't dulo ng mga naglalakihang billboards sa Edsa at mga sandamakmak na slimming products sa telebisyon ay iisa lang: sex. Health? Puwede rin, dahil may nagsasabi na ang laki o liit ng tiyan daw ay repleksyon ng estado ng kalusugan. Pero higit sa lahat, sex. Lumilikha ito ng pananaw na pag maganda ang ab muscles, dadami ang iyong tsiks.

Siyempre, ang tunay na lalaki, mahilig rin sa sex, mahilig sa tsiks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

Ang mga ito para sa akin ang ehemplo ng mga tunay na lalake:

Ano ang pagkakapare-pareho nitong mga pangalang ito? Bukod sa binago nila ang takbo ng kasaysayan, lahat sila ay walang abs.

Masyadong busy ang tunay na lalake sa pakikipagdigma sa larangan ng buhay para mag-abdominal exercises. Ang tunay na lalake kadalasa'y walang panahon sa gym dahil okupado ang katawan at isip nila sa paglikha--- paglikha ng mga siyantipikong teorya, mga obrang makasining, mga prinsipyong pang-rebolusyon para mabago ang lipunan. Wala silang oras para sa pang-araw-araw na 100 sets ng crunches, 45 minutes ng cardio, at dalawang oras ng pagtitig sa kanilang katawan sa salamin.

Puwera na lang kung ang iyong kabuhayan package ay may kinalaman sa pagkakaroon ng maskuladong sikmura. Suwerte ka na lang pag ganoon: binabayaran ka para maging seksi (Pero di ba ganun din ang job description ng mga dalagitang nagtatrabaho sa Quezon Avenue?) Siyanga pala, yung mga construction workers at kargador sa pier, magaganda rin ang mga abs. Pero suwerte nga ba talaga sila?

Siguro. Sino ang may ayaw ng Hummer, mansion, at libo-libong nagsisigawang mga tagahanga? Ang mga artistang yun, milyon-milyon nga ang kinikita sa mga endorsements, pero ano naman ang kapalit? Araw-araw na almusal-tanghalian-hapunan ng kamote at nilagang itlog lang? Kangkong at tokwa? Meryenda na Sky Flakes at tubig?  Ang saya, no?

So nagtagumpay ba ang aking mga kaibigan sa kanilang misyon na magpaseksi at magkaroon ng abs? Ewan. Huli kong pagkakaalam, wala pa rin silang mga tsiks. Hindi pa rin sila kinukuhang maging Bench underwear endorsers o para mag-pose bilang Cosmo Hunks. Kaya, mga ’tol, mag-kanin na lang ulit kayo. Andaming nagugutom sa mundo, abs pa rin ang problema niyo.

 

*Inspirasyon halaw mula sa "Hay! Men: Ang Blog ng mga Tunay na Lalake"

 

 

This is a Crazy Planets is available in newsstands, bookstores and supermarkets nationwide for only P195. For more information, click here.

 

Artwork by Warren Espejo. Photos courtesy of Wikimedia Commons.

 

Tell us your #feels!

Win
26
Yum
Want!
2
LOL
2
Yuck
1
WTF
2
33
Total votes
View more stories tagged ""

Read more stories about

Comments

Latest Stories

Load More Stories

SUBSCRIBE TO NEWSLETTER

Get the latest updates right in your inbox!