Letter from Libya

"Dear mahal, Kumusta na kayo diyan? As expected, magulo dito sa Libya. Nakakatakot dito. Hindi ko alam kung nasaan ako..."

 

Dear mahal,

Kumusta na kayo diyan? As expected, magulo dito sa Libya. Nakakatakot dito. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi rin ako makalabas ng building. Binabaril nila kahit sino. Nagliliparan ang mga bala. Sigaw nang sigaw ang mga tao sa labas.

Walang sinabi yung mga aktibista sa Mendiola. Dito sunog nang sunog ng kung ano-ano. Siyempre hindi namin maintindihan yung nakasulat sa mga placard. Pero hindi mo malalaman kung kalaban o kakampi. Basta ilag ka na lang.

Gustong gusto ko nang umuwi talaga. Ambabagal ng mga taga embahada natin. Bakit ngayon lang sila kumilos? Buti pa yung ibang mga Pinoy. Ang suwerte naman. Siguro nagdu-Duty Free na sina Pareng Tonyo. Pero sila Pareng Fred...balita ko stranded sa Malta. At wala raw makain. May report sa TV Patrol na pati aso at pusa daw tsinitsibog na nila. Teka, asan nga ba ang Malta? Marami bang aso dun?

Ang hirap lang kumilos dito. Ang laki-laki ng bansang 'to--- puro disyerto. Oy, take note ha? Ang Libya ay nasa Africa, hindi sa Middle East-sabihin mo sa ibang brodkaster diyan sa Pinas na tanga-tanga. Buti pa yung bagong acting secretary ng DFA... ang suwabe-suwabeng mag-Ingles. Sosyal na sosyal ang accent. At bedroom voice pa.

Yung employer namin, malabo. Tinakasan kami. Mga hayup sila. Buti pa yung mga Briton at mga Instik naming kasama sa trabaho. May mga barko at C-130 na sumundo na sa kanila. Paano naman yung sa atin? Panahon pa yun ng Vietnam War di ba? Yan kasi, imbes na ipambili ng mga eroplano, pinambabaon sa mga heneral. Sabi ng chief of staff ng AFP mahal daw masyado pag ginamit ang mga eroplano nila dahil aabutin daw ng P35 million. Naku. P35 million? Barya lang yun. Tanong mo kay Gen. Carlos Garcia.

Si  Gaddafi...siyempre, baliw pa rin. Actually nababaliw na kaming lahat sa pag-ispelling ng pangalan niya. Hindi ko alam kung "Gaddafi o Qaddafi o Kaddafi o....ano ba talaga kuya? Basta. "The Glory of Libya" daw siya. At mahal pa rin daw siya ng mga tao. Pero hindi naman daw siya presidente.

Hindi ko rin maintindihan ang japorms niya. Ibang klase ang fashion sense nitong si Kaddafi. Ang hirap ipaliwanag pero funky na funky talaga. Minsan, mukhang sasayaw sa Club Mwah. Minsan naman parang nag-overdose sa panonood ng Saturday Night Fever. Minsan naman parang bumili ng mga tiring balat ng hayup sa zoo at ginawang balabal.  Hayup din ang buhok. Tumitira siguro ng acid at PCP ang stylist nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

Screen cap of Qaddafi Fashion Gallery in Vanity Fair’s website. Click for more.

 

Hindi ko alam kung ano yung hinihithit nitong pinuno ng Libya. Langis na ata eh. Mas sabog pa 'to sa sabog. Forty-one years na kasing namumuno eh. Kung ano-ano na iniisip. Nilalagyan daw ng droga ang kape kaya kung ano-ano iniisip-pati na rebolusyon. Pero mapapababa ba nila yan? Ano bang magagawa ni Obama kahit sabihin niyang "Leave." Kung sila Reagan nga eh walang nagawa. Forty one years. Sabay sila ni Macoy na naging presidente. At gaya ni Macoy, meron din siyang mga crony na humaharbat mula sa kaban ng yamang-bayan. (BTW, alam mo bang nahumaling siya kay Imelda noong '70s. Oo, tumawid si Madam sa milya-milyang disyerto para amuhin si Glory of Libya para dun sa Tripoli Agreement. Ewan, basta may kinalaman ata yun sa MNLF).

 

"BTW, alam mo bang nahumaling siya kay Imelda noong 70s?"


Gusto ko nang mag-Facebook pero walang computer at walang Internet dito. Hindi ko na rin ma-update ang status ko. Hindi ko like ang nangyayari dito sa akin. Nami-miss ko na kayo diyan.

Ewan ha. Kung ang mga tao nga sa Pilipinas, hindi maalagaan ng gobyerno, pano pa kaya yung nasa ibang bansa.  Kung bakit ba kasi nauso pa yang People Power-People Power na yan kasi eh. Gusto lang naman naming magtrabaho at kumita. Bukod sa bumbunan ni P-Noy at katawan ni Rachel Lobangco, wala na ba talagang ibang pagkukunan ng langis diyan sa Pilipinas?

"Bagong bayani" nga kami. Dapat ba kaming matuwa? Di ba mga bayani binabaril sa Luneta? O kaya binibitay sa Singapore?

Haaay... gusto ko na talagang umuwi. Buti pa yung ibang mga kababayan ko dito... nandiyan na sila. At may libreng cap pa sila. Mas maganda yung orange. Bagay na bagay sa maong kong jacket at gold necklace at bracelet.

Sige. Hanggang dito na lang muna. Shower tayo pag-uwi ko ha?

Nagmamahal,

Jun

P.S.
Use "Libya" in a sentence. "Darleng, 'wag kang magkakaroon ng kabit ha. Or else, I'm gonna Libya."

 

 

This is a Crazy Planets is available in newsstands, bookstores and supermarkets nationwide for only P195. For more information, click here.

Artwork by Warren Espejo.

Tell us your #feels!

Win
2
Yum
LOL
WTF
2
Total votes
View more stories tagged ""

Read more stories about

Comments

Latest Stories

Load More Stories

SUBSCRIBE TO NEWSLETTER

Get the latest updates right in your inbox!