Si Sisa, ang Foodie at ang Ensaladang Pak?

Lingid sa kaalaman ng lahat, si Sisa, na isa sa mga pangunahing tauhan sa <em>Noli Me Tangere</em>, ay isang <em>foodie</em> na may <em>organic lifestyle.</em>

 

 

Hindi ko personal na kakilala si Carlos Celdran, ngunit kahanga-hanga ang kanyang ginawang palabas noong isang taon noong nagbalatkayo siya bilang Damaso.

 

Inisip ko, kung nag-Sisa na lang kaya siya, siguro mas epektibo at naawa pa ang mga kaparian sa kanya. Imagine, makikita mo si Celdran na gumagapang sa gitna ng Manila Cathedral, na parang sirena, gusgusin at punit punit ang damit, sumisigaw ng "Basilio, Crispin! Nasaan na kayooooooooooo?"

 

Pero tapos na iyon, kaya ang pag-usapan nalang natin ay si Sisa. Isa sa mga tampok at pinaka-sikat na karakter si Sisa na sumibol sa mula nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. (By the way, next week, 150 years old na si Abuelito.)

 

Masusukat ang kasikatan ni Sisa sa dami ng batang babae na ginamit ang  Sisa monologue bilang declamation piece sa Linggo ng Wika sa kanilang mga paaralan. Eventually, naging audition piece para sa mga gustong mag-artista, and finally, naging Miss Talent piece para sa mga beauty contest tulad ng Bb. Pilipinas, atbp. Iba talaga ang hatak ni Sisa sa mga kababaihan na nagtatangkang mag-artista.

 

Archetypal na 19th century Pinay si Sisa kung tutuusin, ito ang babaing matiisin, iniisip ang kapakanan ng mga anak, mapagpagdasal, pero sa kasawiang palad, laging binubugbog ng asawa-in other words, "Boogie Nights" ang theme song niya. Lagi siyang kimi, tahimik at walang kibo. Kahit binubug-boogie nights na siya ni Pedro, ang sugarol, lasinggero at sabungerong asawa ni Sisa, OK lang sa kanya. Pero tila yata, hanggang ngayon kahit tayo ay na sa 21st century na, hindi ko naman nilalahat, pero karamihan pa rin sa ating kabababaihan, lalo na yung mga nasa lalawigan, kinikimkim pa rin nila ang kanilang takot at galit, kaya ayan tuloy, nalukis lukis ang kawawang ale.

 

Pero lingid sa kaalaman ng lahat, si Sisa ay isang  foodie. Well, halos naman lahat ng major characters ng Noli ay foodie. Pati nga si Abuelito (a.k.a Lolo Pepe Rizal) ay major arch-foodie! Ano ba ang unang unang pinagawayan sa Noli? Eh hindi ba, ang tinolang manok? Pero bumalik tayo kay Sisa at ang kanyang favorite food at paborito rin ni Padre Damaso.

 

Noong pinagbintangan ng kura paroko si Crispin sa krimen ng pagnanakaw, kumaripas ng takbo si Sisa sa kumbento ng simbahan. Gumising siya ng pagkaaga-aga upang mamitas ng gulay sa kanyang bakuran at nagtungo din siya sa tabing ilog upang mamitas ng talbos ng pakô o fiddlehead fern. Hindi ba very organic and green ang lifestyle ni Sisa? Foraging ang tawag ng mga foodies sa ginagawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

 

"Sisa" ni Gerry de Leon, 1951. Nanalo si Anita Linda bilang Best Actress sa pagganap kay Sisa.

 

 

Pagdating niya sa kusina ng kumbento, sinalubong siya nila Sister Juana, Sister Sipa at Sister Rufa na mapupula ang ngipin dahil mahilig silang ngumuya ng nganga at ang susungit pa nila. Sila ang nga beata na nanunungkulan bilang kusinera ng kumbento.

 

Nilapag ni Sisa ang kanyang buslo o basket na punong puno ng fresh produce at maayos niyang isinalansan ang mga talong o aubergine (Solanum melongena), patola o sponge gourd (Luffa acutangula), ampalaya o bitter melon (Momordica chrantia), ang mga malalambot na talbos ng pakô, na alam na alam ni Sisa na gustong gusto ito ni Padre Damaso, dahil ginagawang ensalada ito ng mga kusinerang madre.

 

Nang nalaman ni Sisa na wala na si Crispin sa kumbento, nanikip ang kanyang dibdib at humihiyaw siya pero walang lumalabas na sound mula sa kanyang bibig. Para siyang si Ate Guy sa pelikulang Bona. Pinipigilan niya ang kangyang pag-iyak hanggang sa nawalan na siya ng ulirat.

 

Mula noon, nagpalaboy-laboy na si Sisa sa lansangan at buong kanayunan ng San Diego. Si Sisa ang naging prototype ng "babaeng baliw" sa TV at pelikula, pero pagkain pa rin ang bukang bibig niya:

 

"Basilio! Crispin! Mga anak! Nasaan na kayo! Umuwi na kayo, maawa kayo sa ina niyo! Nagluto pa naman ako ng pritong tawilis, ensaladang kamatis at pakô! Miswa na may patola! Uwi na mga anak, kakain na tayo. Pleaseeeee come home na! Mommy will spank you na!

 

Huwag nang maloka tulad ni Sisa. Kung nais niyong kumain ng ensaladang pakô nandito ang recipe na siguradong magdudulot ng ligaya sa iyo at ng inyong buong pamilya.

 

Ensaladang Pakô
(para sa 4 na katao)

 

Piliin lamang ang talbos ng pakô para sa ensaladang ito, dahil ito ay malambot, malutong, may tamis at hindi lasang damo. Dahil medyo sumisikat na ang pakô, maaari nang bilhin ito sa mga weekend organic markets na matatagpuan sa Salcedo at Legaspi Villages, AANI Market sa FTI, Taguig at sa Whitespace, Chino Roces Extension. Dahil tag-ulan na, ngayon ang tamang panahon upang mamili ng pakô.

 

Mga sangkap

1 kilo ng pakô

1 sibuyas na puti, katamtamang laki

2 itlog na pula

2 kamatis na pula

 

Para sa Vinaigrette

1/4 tasa, sukang paombong o puti

1/4 tasa, olive oil

asin at paminta ayon sa panlasa

 

Paraan

Tabasin ang mga pakô, kunin lamang ang talbos nito, mga tatlo’t kalahati hanggang apat na purgada lamang mula sa dulo. Itapon ang mga matitigas na bahagi. Maingat na hugasan at patuyuin gamit ang paper towel. Balatan at hiwain ng pino ang sibuyas, gayon din ang kamatis. Hiwain sa walong bahagi ang itlog na maalat. Haluin ang lahat ng sangkap sa isang malaking salad bowl. Ihain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

Sa mga hindi mahilig magluto, pero mahilig kumain, huwag na ring maloka na parang Sisa, dahil available na ang Ensaladang Pako sa mga sumusunod na restaurants:


Ang Bistro sa Remedios
1911 M. Adriatico Street,
Remedios Circle, Malate, Manila
Phone: 523-9153 or 523-9153

 

Abe Serendra
Serendra Plaza, Fort Bonifacio
Phone: 856-0526

 

Abe TriNoma
Level M3, Trinoma Mall, North EDSA, Quezon City
Phone: 901-5691 or 901-5692

 

Abe MOA
Entertainment Section SM Mall of Asia, Bay City, Pasay City
Phone: 556-0608

 

Fely J's Kitchen
2nd Level, Greenbelt 5, Ayala Center, Makati
Phone: 728-8878 or 728-8858

 

Benny’s Café
Rustan’s Supermarket Makati
Glorietta, Ayala Center
Makati
Phone: 666-6682

 

Artwork by Warren Espejo.

Tell us your #feels!

Win
Yum
LOL
WTF
0
Total votes
View more stories tagged ""

Read more stories about

Comments

Latest Stories

Load More Stories

SUBSCRIBE TO NEWSLETTER

Get the latest updates right in your inbox!