Champorado: Ang Comfort Food ng Pinoy

<em>Tamang-tama ngayong tag-ulan!</em>

 

Para sa akin, ang champorado ay isa sa mga bukod-tanging mapagpaginhawang pagkain o "comfort food." Mula pa noong ako'y bata pa, kapag pinagluluto ako ng nanay ko ng champorado, napapatahan ako nito kapag ako'y umiiyak at nagmamaktol. Hanggang sa ako'y lumaki, nagluluto ako ng champorado-lalung-lalo na kapag masungit ang panahon at kung nais kong sariwain ang mga ala-ala noong ako'y musmos pa.

 

Alam ba ninyo na ang champorado ay galing sa bansang Mexico? Ang tawag nila dito ay champurrado-"rrrrrr," nirorolyo ang pagbigkas ng titik "R." Ang ibig sabihin ng champurrado ay "halu-haluin" sa pamamagitan ng paggamit ng molinera o batidor. Bitbit ito ng mga Mexicanong tripolante ng mga galleon noong panahon ng mga Kastila. Sa Mexico, ang champurrado ay isang malapot at mainit na inumin na gawa sa tsokolate na may halong masa harina, isang uri ng arina na galing sa pinatuyong mais. May halo din itong gatas at sinangkapan ng cinnamon, anise at vanilla. Karaniwang iniinom ito sa almusal na may kasamang churros o di kaya, tamales.  Samantala ang ating champorado naman ay kinakain na parang arroz caldo o sopas.

 

Ang ibig sabihin ng "champurrado" ay "halu-haluin."

 

Ang tradisyonal na ginagamit sa paggawa ng champorado sa Pilipinas ay ang sungsung na malagkit, kung minsan naman ay bahaw o sinaing hindi naubos nang nakaraang gabi. Hinahaluan ito ng cocoa powder (tulad ng markang Ricoa o Van Houten) o tablea (markang Dutché, Antonio Pueo o Alfonso). Karaniwang niluluto ang malagkit sa kumukulong tubig at hinahaluan ito ng tsokolate, asukal at gatas na evaporada. Ang kaulayaw ng champorado sa lamusal ay tuyong lawlaw o tuyong tunsoy, ang alat na nanggagaling sa tuyo ay nag bibigay ng balanse sa tamis na nagmumula sa champorado.

 

"Ready-to-eat" champorado mix

Mayroon ding mabibiling instant champorado mix sa mga supermarket para sa mga tamad at tinatamad. May mga champorado din na "ready-to-eat" na nakapapete na parang cup noodles.  Mayroon ding nabibili na parang sachet na may nakalagay na "just add water." Mayroon ding chocolate-flavored oatmeal na parang champorado din ang lasa, kaya lang imported nga lang. Dahil sa dami nang mga bagong sangkap na lumalabas sa mercado, maaari na tayong gumawa ng gourmet champorado.

Sangkap ng "gourmet champorado": pinipig, pandan, cinnamon, tablea, cocoa powder, gatas, at kanin

Ang sangkap ng aking champorado ay talagang espesyal, at simple lamang ang paggawa nito. Kumuha ng isang tasang malagkit at isang tasang pinipig (mas bago at kulay berde, mas mabuti) hatiin ang pinipig sa dalawang bahagi. Tustahin ng bahagya ang isang bahagi ng pinipig, palamigin at ipaisang tabi. Samantala, magsalang ng anim na tasang tubig sa isang kaserola at ilagay ang malagkit, kasama ang apat, hanggang anim na pirasong tableya, dalawang dahon ng pandan, isang tasang muscovado. Kapag nagsimula na itong kumulo, hinaan ang apoy at patuloy na lutuin at halu-haluin ng 20 hanggang 25 minuto, hangang maghalo-halo ang samyo ng tsokolate at pandan. Kapag namaga na ang malagkit, ibig sabin, ito’y luto na. Isalin ang tinustang pinipig (magiwan ng kaunti na pang-budbod) at haluin ng mabuti. Ihain sa mga mangkok, budburan ng cinnamon powder o ginadgad na kanela o cassia bark at salinan ito ng gatas ng kalabaw at budburan muli ng naiwang tinustang pinipig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

 

May alat ang dapat na kasama ng champorado upang mabalanse ang tamis na taglay nito-pritong tuyong lawlaw, tinustang dilis, o kaya tinapang tunsoy o galunggong na galing sa Salinas, Rosario, Cavite. Ang kulang na lang dito ay ang nagbabadyang kulay abong ulap, kulog, kidlat, at malakas ulan. Tiyak, sa bawat subo sa halu-halong linamnam ng tsokolate, pandan at kanela; at sa bawat pagngasab at kagat ng malutong-lutong na pinipig, talagang makakalimutan mo ang dilubyo, bagyo at ano pang uri ng sama ng panahon. Dahil madaling gawin ang champorado sa ating mga tahanan, tila mahirap humanap ng mga restoran na nag-aahin nito. Bakit ka ba naman magbabayad ng sandaang piso para sa isang tasa ng champorado kung sa halagang ito ay makakakain na ang apat na tao? Narito ang listahan ng  mga restoran na may champorado sa kanilang menu:



Lahat ng sangay ng  Tapa King (Php 49.00)
Jupiter St.
Makati City
Tel: 895-8272

Tapa King
Pioneer St.
Pasig City
Tel: 633-8272

Tapa King
2467 Reyes Bldg.
Taft Ave. cor. Estrada St.
Malate, Manila
Tel: 522-8272

Tapa King
3/F Podium 3 RCBC Plaza
Ayala Ave. cor. Gil Puyat
Makati City
Tel. 889-1685

Lahat ng sangay ng Max’s Restaurant
(Triple Chocolate Champorado Php 71.50)

Max’s Champorado

Max’s Restaurant
Roxas Blvd. Baclaran
Parañaque City
Tel: 7-9000

Max’s Restaurant
Bluewave
D. Macapagal Blvd.
Pasay City
Tel: 832-9325

Max’s Restaurant
1123 M.Y. Orosa St., cor. UN Ave.
Ermita, Manila
Tel: 7-9000

Max’s Restaurant
1/L Forum Robinsons
30 EDSA cor. Pioneer St.
Mandaluyong City
Tel: 7-9000

Lahat ng sangay ng Jay-J’s Inasal
(Champorado with Danggit, Php 105.00)

Jay-J’s Inasal
106 Ortigas Bazzar Center
Julia Vargas cor. Meralco Ave.
Pasig City
Tel: 638-6410

Jay-J’s Inasal
Hobbies of Asia
8 Pres. D. Macapagal Ave.
Pasay City
Tel: 556-1308

Photos by Illem Guro. Artwork by Warren Espejo

Tell us your #feels!

Win
Yum
1
LOL
WTF
1
Total votes
View more stories tagged ""

Read more stories about

Comments

Latest Stories

Load More Stories

SUBSCRIBE TO NEWSLETTER

Get the latest updates right in your inbox!