Handa Ka na ba sa Pasko?

"Hindi kailangang mahal at magarbo ang ating handaan," ayon sa aming SPOT.ph blogger.

 

 

Oktubre pa lang ay nagkukumahog na tayo sa paghahanda sa Pasko. Ang mga lansangan natin ay ginagayakan na ng palamuti ang mga radyo ay nagpapatugtog na ng mga tugtuging pamasko at ang mga telebisyon ay nagpapaalala gabi-gabi sa atin ng kapaskuhan sa pamamagitan ng kanilang countdown.

May krisis man o wala, tuloy na tuloy na ang Pasko at hindi natin ito mapipigilan. Nandiyan na ang mga batang paslit nating mga kamag-anak at inaanak na kumakatok sa ating mga pintuan para hingiin ang kanilang aguinaldo, ang mga bisita at mga nangangaroling nandyan at nag-aabang na!

Ano ba talaga ang diwa ng Pasko? Lalong-lalo na sa mga panahong ngayon na tila tayo ay salat at kakaunti ang kita, at halos ipangutang na natin ang ating pang-Noche Buena, para mairaos lang ng maluwalhati ang paghahanda ng salu-salo para sa ating pamilya at mahal sa buhay.

Hindi kailangang mahal at magarbo ang ating handaan, maaari nating maitawid nang maayos, mura at masarap ang ating kapaskuhan kung susundan natin ang mga tips kung saan tayo makakamura.

Maaari tayong magluto ng Spaghetti. Imbes na purong karneng giniling, lahukan ito ng na tokwa. Bukod na ito'y masustansya sa protina, ito'y mura pa. Kumuha ng tig-isang 1/4 kilong giniling na karne ng baboy at baka, haluan ito ng 1/2 kilo ng giniling o tinadtad na pinong-pinong tokwa at ibabad ito sa tig-iisang kalahating tasa ng toyo at haluin ng mabuti.

Maggisa ng 10 ngipin ng bawang, pinitpit, binalatan, at tinadtad; at 2 malaking sibuyas, tinadtad din ng pinong-pino, 3 dahon ng laurel at 2 beef cubes sa limang kutsarang mainit na mantika.

Kapag mabango na ang amoy nito, o pagkatapos ng limang minuto,  isalin ang pinaghalong giniling na karne ng baboy at baka, at ang tokwa. Lutuin ito ng 15 minuto hanggang maging ginintuang kayumanggi ang kulay nito. Dahil ito ay may toyo na, huwag na itong asinan.

Dahil manamis-namis ang nais ng ating mga chikiting, lagyan ito ng limang paketeng Filipino-style tomato sauce. Haluin ng mabuti at pabayaan itong sumubo sa mihinang apoy. Kung sa palagay mo ay natutuyuan ito, unti-unting dagdagan ng isang tasang tubig. Ang spaghetti sauce na ito ay kasya sa 30 katao.

Para sa kapartner nitong tinapay, paghaluin ang isang tasang star margarine, kalahating tasang mayonaise, isang tasang ginadgad na keso at dalawang kutsarang tinadtad na pinong-pinong pimento at ipahid sa pan de americano, loaf bread o tasty at ilagay sa toaster oven o sa pugon ng isang minuto, o hanggang ang keso ay matunaw.

Para sa panulak naman, huwag na kayong bumili ng soft drinks, gumawa nalang kayo ng ginger ice tea. Sa isang litrong pinakulong tubig, magkunaw ng limang tea bags hanggang sa umitim ang tubig. Haluan ng 2 pulgadang pinitpit na luya, 2 pirasong pinitpit na dulo ng tanglad, katas ng 30 kalamansi, 2 tasang brown sugar. Isalin sa mas malaking lalagyan at dagdagan ng tubig at palamigin. Lagyan ng yelo bago i-serve. Kita mo na, e di nakaraos din tayo!


Mga Patok na grocery items kung papaano ka makakatipid sa darating na Pasko:


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

 

Artwork by Warren Espejo. Photos from thaitable.com (light soy sauce), Spaghetti photo from stepbysteprecipe.com

 


Tell us your #feels!

Win
Yum
LOL
WTF
0
Total votes
View more stories tagged ""

Read more stories about

Comments

Latest Stories

Load More Stories

SUBSCRIBE TO NEWSLETTER

Get the latest updates right in your inbox!