Lady Gaga, Satanista!

"<em>Bakit ka pa ba pumunta dito,</em> Gaga? <em>Minalas ang Pilipinas dahil sa iyo.</em>"

 

(SPOT.ph) Makasalanang haliparot!

 

'Yan kasi ang problema pag sumusunod ka sa yapak ng isang malanding bruha. Kaming mga relihiyosong Kristiyano ay hinding-hindi maaring lumimot. Kala mo natabunan na ng Coronovela at pagkatalo ni Jessica Sanchez ang mga pinaggagagawa mo sa Mall of Asia? Neknek mo. Dalawang araw kaming nakatutok sa iyo, may dalang mga mapanghusgang placards, rosaryo, at mga kandila. Nandun kami para magdasal. Para ipagdasal ang kaluluwa mo- ang lahat ng mga makasalanang nanood sa iyo!

 

Mula ngayon ay ibo-boycott na namin ang SM. Alam namin na sinabi ng kaharian ni Henry Sy na "We've got it all," pero dapat siyang parusahan at kondenahin lang siya sa pagpayag niyang mag-perform ang isang kampon ng dilim na gaya mo. Pagkatapos niyang i-masaker ang mga puno sa Baguio... eto!

 

"Judas?" Napakapangit na awitin! 'Wag na muna natin pag-usapan ang mga blaspemosong letra. Ang chorus mo, para kang sinisinok o nakalulong ng higanteng tahong. "Jooo-daaaah-hah-hah-ha-haaa." Parang wala ring kinaiba dun sa isa mong kanta na "Daaa-dada-dada-daaaaa." Sa totoo lang, walang kwenta ang mga kanta mo kaya dinadaan mo na lang sa mga pa-costume-costume na weird. Shock effect, ika nga. At mukhang marami kang nabobola.

 

 

The aforementioned "Judas"

 

Nabola mo pa ang Time Magazine. Paano ka naging Influential Artist? Eh ika nga ng isang matandang kolumnista sa isang pahayagan, ikaw ay isang "Poor Man's Madonna." Ouch. Ang sakit nun, ha. Lahat ng may "poor man" ay hindi katanggap-tanggap. Parang shabu: "Poor man's cocaine." Kumbaga sa drugs, shabu ka lang. Kumita na 'yang gimik mo! Buti na lang matandang kulubot na si Madonna, pero marami ding na-shock sa kanya noong '80s- 'yang mga pa-giling-giling habang may suot na rosaryo. Ang malas mo lang: mas maganda pa rin ang mga kanta niya kesa sa 'yo. Gaya-gaya ka lang. Sinong niloko mo? Yung "Born This Way" ay katunog ng kanta ni Madonna na "Express Yourself." Kaya, tama yung kolumnista (Na mukhang wala na yatang ng ibang pinakinggan kundi ang "Sound of Music"), ginagawa mo lang ang lahat nang itong mga pa-epek-epek na ito dahil wala ka naman talagang laman!

 

 

Listen to this song backwards for true Satanism!

 

Kung uso pa ang mga plaka ngayon at pinakinggan ang mga recordings mo nang pabaliktad- backmasking, ika nga- sigurado kami (kasama na ang mga alagad ng moralidad gaya nila Lito Atienza, Archibishop Ramon Arguelles, at Benny Abante) na may maririnig kaming mga nakakapanindig-balahibong mensahe mula sa impiyerno. Naaalala namin tuloy ang mga kantang gaya ng "Stairway to Heaven," "Hotel California," at lahat ng mga 'slo-rock' hits na paborito ng mga jeep biyaheng Taytay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil karamihan ng fans mo ay mga makasalanang beki, kami at nila Miriam Quiambao at Manny Pacquiao ay iisa sa pagkundena sa iyo at sa lahat ng iyong mga kampon na parang dadalo sa Halloween. Nakita mo ba yung isang batang baklita? Naiyak pa nung hindi pinapasok dahil sa costume niya na mukhang pinagawa pa sa karpintero at mekaniko sa Pritil. At mukhang in-assemble mula sa mga junk shop sa Pateros. Born this way? Pinanganak ka nang ganyan? Kaninong anak ka? Si Satanas?! Ika nga ni Miriam Quiambao: "Homosexuality is a lie from the devil!"

 

Nagdadasal kaming lahat na tamaan sana ng kidlat ang lugar na yun. Ipinagdasal namin na sana'y bumukas ang lupa at lamunin silang lahat (tutal, reclaimed area naman yun). Naku, ngayon lang yata ako nakakita ng ganoong karaming siyoke sa isang pagtitipon- maliban na lang sa Bench Underwear show, mga party ng Cosmo magazine at Binibining Pilipinas (Maraming operadang contestants dun; di lang umaamin).

 

Wala kaming pakialam kung ikaw ang pinakamalaking contributor sa charity nung nakaraang dalawang taon.  Ang Satanista ay Satanista. Malamang ginagawa mo lang yang mga charity-charity na 'yan para ikalat ang ebanghelyo ng kadiliman. Nasa Bibliya mismo ang kasagutan! Ika nga ng 2 Corinthians 11:14:  "And no wonder! For Satan himself transforms himself into an angel of light."

 

 

Lady Gaga gets banned from Indonesia in this ENTV clip

 

At ang lakas-lakas pa ng loob mo na humirit na "I am not a creature of your government!" Pero mukhang naduwag ka sa Indonesia, kung saan ang mga relihiyosong panatiko ay hindi nagbibiro. Dahil ikaw ay malaswa! At alam mo 'yan! Sino ba naman ang nasa matinong kaisipan na kumakanta na naka-panty lang at bra? Ganyan din naman ang ginagawa ng mga nasa beerhouse sa Cubao at Kalookan pero wala namang tumatawag sa kanila na "artist."

Bakit ka pa ba pumunta dito, Gaga?

 

Minalas ang Pilipinas dahil sa iyo. Isabay mo ba naman ang ikalawang araw ng iyong konsiyerto sa pag-upo ni CJ Corona sa Impeachment Trial. Tingnan mo. Nagkanda-leche-leche tuloy ang lahat. At muntik pang mamatay ang kawawang diabetic na nasasakdal.  Higit sa lahat, na-ospital pa ang crush ng bayan na si Atty. Karen Jimeno dahil sa problema sa kidneys.  Ang hirap tuloy manood ng mga presscon ng defense panel. At for the first time, si Justice Cuevas ay mukhang nawalan ng sasabihin. Speechless. Paano nangyari yun? At natalo nga sa American Idol si Jessica Sanchez! Paano nangyari yun? Sabagay, kasi ang kabalan ni Jessica ay isang WGWG (White Guy with Guitar!) Ika nga ni Malcolm X: "The white man is the devil!" Nadaan siya sa gitara! At alam naman nating lahat na ang gitara ay instrumento ng demonyo. Ito na lang sa lahat ng Satanistang rakista sa kasaysayan: Robert Johnson, Johnny Cash, Jimmy Page ng Led Zeppelin, Tony Iommi ng Black Sabbath, Richie Blackmore ng Deep Purple, Angus Young ng AC/DC, mga taga-KISS (Knights in Satan's Service) at lahat ng mga adik na mahahaba ang buhok na nagfa-flash ng devil's sign. Speaking of which, mga kampon din ni Satanas ang mga taga-American Idol na yan. Nakita niyo ba yung mukha nung Jennifer Holliday habang kumakanta? Yung parang lalamunin ang kawawang Jessica? Ganun ang mukha ng mga sinasapian ng demonyo! Tingan niyo si Linda Blair sa The Exorcist! O baka sadyang natatae lang siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

 

The fans go crazy over Lady Gaga’s Manila concert.

 

Talo si Jessica. Inalat si Corona. Lahat yan... dahil sa iyo, Gaga!

 

Isa kang salot sa bansang ito. At mamalasin na mula ngayon ang bagong-bagong arena ng Mall of Asia dahil makasalanang tulad mo ang nagbinyag. Tingnan mo ngayon: mga mas grabeng Satanista pa ang susunod: ang Backstreet Boys at New Kids on the Block.

 

God save us! Iligtas Mo kami mula sa kamay ng kadiliman! In Jesus' name!

 

Artwork by Warren Espejo

Tell us your #feels!

Win
Yum
LOL
2
WTF
4
6
Total votes
View more stories tagged ""

Read more stories about

Comments

Latest Stories

Load More Stories

SUBSCRIBE TO NEWSLETTER

Get the latest updates right in your inbox!