Celebrity Doppelgängers in Pinoy Romance Novels

We found celebrities in a hopelessly romantic place!

(SPOT.ph) We were walking around a bookstore and something caught our eye. Could it be? Hindi kami makapaniwala nung una but it was true. Our eyes weren’t deceiving us. We found them on the shelves, naghihintay lamang na mahaplos ang kanilang mga pahina. These familiar faces drew us in and we couldn’t resist the urge to share.

 

"Piolo Pascual" in Stallion Island Series: Noah Ames Munieca

Excerpt: Her toes curled because of the sensation. Nang pumikit siya, sumambulat ang fireworks sa isip niya. Pakiramdam niya ay sasabog din siya sa sensasyong nararamdaman niya. Noah made her feel a lot of things with that kiss. He made her feel special and beautiful.

 

"Channing Tatum" and "Amanda Seyfried" in Aseron Weddings: I’ll Be There For You

Synopsis: Malaki ang utang-na-loob ni Elizabeth kay Lolo Nemo Aseron. Tinulungan siya nito noong panahong walang-wala na siyang ibang makakapitan. Kaya walang pangingiming um-"oo" agad siya kay Lolo Nemo nang pakiusapan siya nito na turuan niyang maging responsable sa negosyo ang apo nitong walang alam gawin kundi magwaldas ng pera.

Ngunit nang malaman niyang si Giac ang apo na tinutukoy ng matanda, parang gusto niyang umurong sa usapan. Umibig siya rito noon at nabigo. Kaya nga ayaw na niyang ipagkatiwala ang puso niya sa isang lalaki. Mas malalim, mas mahirap kalimutan, at napakaimposibleng paghilumin ang sugat na nilikha nito noon sa batang puso niya.

 

"Zooey Deschanel" in The Nerds Area: Ashly’s Hero

Excerpt:

"Will I pass as a hero in your story?"

"Hindi siguro. I mean, you're good-looking, but no offense meant, I've never found myself being attracted to you."

"Bakit?"

"Kasi, sa simula pa lang ay sinabi ko na sa sarili ko na trabaho lang ’to, walang personalan."

 

"Robin Padilla" in Stallion Island Series: Jayson Alden Arcena

Excerpt: He kissed her in a gentle fashion. Unti-unti nitong hinuhugot ang hangin at lakas sa katawan niya. And she was slowly melting in his arms. Ang akala niya noon, ang halik ay simpleng paglalapat lang ng mga labi. But with Jayden, it was a merging of two souls. As if they were bound as one.

 

"Alodia Gosiengfiao" in St. Catherine University: The Otaku Girl

Synopsis: Si Dara ay isang anime/manga fan at may isang lalake sa campus, si Tristan Revelar, na ang tingin sa kanya ay psycho.  "Sa ngalan ng buwan, parurusahan kita!" sabi niya rito bilang si Sailor Moon. Hindi niya inakala na ang "pagpaparusa" na iyon ang magiging daan para makilala niya ang totoong Tristan Revelar,  dahilan para magbago ang tingin niya rito. Lalong hindi niya inakala na isang araw, aasamin niyang maging very own Tuxedo Mask niya ito, ang love interest ni Sailor Moon. Willing naman kaya itong maging Tuxedo Mask niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Zac Efron"/"Jared Leto"/"William Martinez" in The Billionaire Boys Club

Excerpt: Tinitigan niya ang nakalahad na kamay nito at saka dahan-dahang inilagay roon ang kanyang sariling kamay. Warmth suddenly flooded her entire body as he gently wrapped his hand on hers. Hindi niya akalaing mararamdaman niya ang matinding pangugulila sa simpleng pagdadaiti ng kanilang mga palad. Na tila ba ayaw na siyang mawala nito sa piling nito kahit kailan.

 

"Katharine McPhee"/"Leighton Meester" in Traje de Boda Trilogy 1: Charo

Synopsis: Napilitan si Charo na magpakasal kay Iñigo dahil iyon ang dying wish ng kanyang ama. Tutol na tutol ang kalooban niya roon sapagkat hindi naging maganda ang unang impresyon niya sa aroganteng lalaki-nakita niya ito sa isang hindi kaaya-ayang tagpo sa isang pampublikong lugar pa mandin.


"Kristen Stewart" in My Honey Drew

Synopsis: Sa lahat ng pagkakataong kailangan ni Jemay ng karamay, to the rescue palagi si Drew. He was her most reliable friend. Hanggang isang umaga, na-realize niyang hindi na lang "reliable friend" ang tingin niya rito; he had become her dream guy. Sa puso niya ay naniniwala siyang hindi lang basta kaibigan ang turing nito sa kanya. Kaya isinugal niya ang pagkakaibigan nila para sa pag-ibig. Nag-level up nga ang relasyon nila: from friends, they became lovers.

"Kristen Stewart" and "Taylor Lautner" in Mrs. Cindy Rela

Synopsis: Mula pagkabata ay hindi na kasundo ni Cindy ang best friend ng kapatid niya na si Dylan. Ito lamang ang taong nagpaparamdam sa kanya na tila napakapangit niya. Hilig nitong asarin at inisin siya. Kaya hindi niya inakala na isang gabi ay magsasalo sila sa isang mainit na halik. Sandaling nagulo ang mundo niya. Nangyari pa iyon noong gabi ng engagement niya sa fiancé niya. Mahal na mahal niya ang kanyang fiancé at hindi ito maaaring mawala dahil lang kay Dylan.

 

"Barbie Hsu," "Claudine Barretto," "Jerry Yan," and "Ricky Martin" in The Crisis Management Team

Excerpt: Ni-review naman ni Trigger sa isip ang step-by-step process ng lovemaking na nabasa at napanood niya. Ayaw niyang magkaroon ng aberya nang gabing iyon. Gusto niyang maging maayos ang lahat.

Tell us your #feels!

Win
Yum
LOL
1
WTF
1
2
Total votes
View more stories tagged ""

Read more stories about

Comments

Latest Stories

Load More Stories

SUBSCRIBE TO NEWSLETTER

Get the latest updates right in your inbox!