On the Spot: Pete Lacaba

"Do you think English influences Filipino too much?" "Hindi, tina-tagalog nga natin e."

 

(SPOT.ph) On the epic 30-point list of Filipino Books You Must Read that Spot.ph released earlier this month, Spothead Genuine left a comment: "...Now I know Lacaba is a rockstar..." Though he denies it, many consider Pete Lacaba a rockstar. That is, someone respected, revered, celebrated; people get starstruck over him, they pee in their pants in his presence-you get the drift.  Pete Lacaba is a poet, journalist, screenwriter, the executive editor of Yes! Magazine, where he holds a column called "Showbiz Lengua." He champions the Filipino language.

 

In his column, where he discusses strange showbiz lingo, he sometimes refers to himself as a "Lenguador." On his calling card, he describes himself in the introduction of his book Showbiz Lengua: Chika & Chismax About Chuvachuchu, as an editorial consultant. As in someone people ask questions regarding a myriad of things: spelling of words, correct usage, punctuation sometimes, other times how the words came to be.

Today is the last day of Buwan ng Wika. We sat down with Sir Pete, in a library no less, to talk about words and wika and how he never really got around to using poetry in winning his wife's heart. "Eh, tumutula rin naman kasi siya, e."

Most people know of you now through your column in Yes! Magazine. What are your thoughts about the language?
Katulad lang din dati, may mawawala, may mananatili. Nung araw, nung college kami, bago lang yung "jahe." Pero ngayon, ordinaryo na salita nalang siya.

Saan po kaya nanggaling yun?
Ipinagbali-baliktad lang yun na salitang 'hiya.' Hiya na naging "hedya" na naging "dyahe." Parehas nung 'ihi,' naging 'jiji' naging "jingle."

Sa mga bagong salita, ano po yung nagugulat kayong ginagamit mo na rin ngayon?
Wazak. Kina Khavn dela Cruz ko narinig yun; ginagamit ko na rin.

 

May salita po ba kayong kina-aasaran ngayon?
Minsan pag nakikinig ka sa TV, halibawa. Yung "kung saan," kahit hindi lugar, ginagamit. Halimbawa, "Si Rudolph ay may apat na babae, kung saan mayroon siyang pitong anak." Eh hindi naman lugar yung mga babae. Paulit-ulit yung "kung saan." I-reconstruct mo nalang yung sentence.

Yung "kung saan," kung saan-saan din ngayon ginagamit. Nung araw, ginagamit lang yun kung walang noun before that phrase: "Kung saan may pang-aapi, naruon si Superman." Hindi tama yung "nagpunta kami sa Plaza Miranda kung saan may rally," pero ngayon, tinatanggap ko na rin, basta lugar.

 

 

 

Isa pa: Kaganapan. Tinutukoy nila, mga pangyayari, mga ginaganap. Pero yung kaganapan, ibig sabihin nun "realization." Coming to reality. Si Marne Kilates ang nalabas ng mga punto na ito. Kasi ganap na, diba? Hindi siya pangyayari. Pero ngayon, nauuso na rin kasi mga salitang kapulisan, kaparian, kaguruan. Nung araw ang meron lang niyan, kabataan, kababaihan. Pag matatanda hindi naman katandaan, diba? Ang salitang "kapulisan," pulisya yun dati e. Kaya lang ang pulisya ngayon, ginagamit to mean "policy." Eh, patakaran naman talaga yun.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So you think masyadong na-i-influence ng English ang Filipino?
Hindi. Tinatagalog nga natin e. Ina-ano nila yung structure ng Tagalog using English words.

 

Paano po nangyari yung pagsusulat niyo sa Tagalog? When did you fall in love with the language?
Mother ko, teacher. Ang tinuturo niya, Filipino; tawag dun dati, National Language. Pero I was born in Cagayan de Oro. Father ko Boholano. Ang unang language ko Bisaya. So ang mother tongue ko, Bisaya. Pero ang Mother's tongue ko, Pilipino. Lumipat kami dito sa Pateros, mga 8 o 9 ako nun. A few years later, nung high school ako, namatay tatay ko. When my father died, hindi na kami masyado nagbi-Bisaya. Hindi na namin nagamit.

Mula't mula, Pilipino na talaga. Nakikinig ng radyo na Tagalog yan. Kapitan Kidlat, Sebya Mahal kita. Babasa ako ng komiks, Franciso V. Coching, Mars Ravelo, mga ganyan. Interes ko nun drawing, hindi writing. Gusto ko sana katha't guhit. Ako rin magdodrawing. High school.

Nung college na, nabigyan ako ng scholarship sa Ateneo. Wala namang Fine Arts dun. Napunta ako sa Humanities, nag-shift ako sa English kasi masyado heavy on Philosophy yung Humanities at that time. So sa Ateneo ako nahilig magsulat ng tula. May mga teachers ako na nag-encourage sa ’kin. Gawa kayo ng haiku! Nung high school nga kami bawal magsalita ng Tagalog except during Tagalog classes. Sa Pasig Catholic College yun.

 

Anyway, dun ako nagsimula mag sulat ng tula. At the same time na nagsusulat ako ng tula sa English, gusto ko rin gamitin Tagalog. Nagkataon, mayroon ding dalawang English teachers, na parehong National Artists na ngayon-si Bien Lumbera at si Rolando Tinio-English teachers, but they were also writing in Tagalog. Si Bien, Batangas Tagalog. Si Rolando, Tondo. So na-encourage ako. Yung ano pa ang namin, gamitin ang conversational Tagalog-though si Bien, malalim na Tagalog yun kasi galing Batangas. Si Rolando mula Tondo, siya pa nga ang nagsimula na magumpisa ng tula sa Taglish e. Salitang Maynila, Salitang Pateros. Iniiwasan namin yung malalim na Tagalog.

Ah, so may dialect pa ang bawat city?
Hindi naman. Yung Tagalog lang na ginagamit sa Bulacan, sa mga pelikula may tendency maging matulain at malalim. Halimbawa mayayaman yung mga characters pero ang sasabihin, 'Sulong sa iyong silid!' wala namang sisilid-silid, diba? Nilalabanan namin yun. Kailangan mas conversational, closer to what is being used. So hindi ako nag-ngu-ngunit-ngunit.

Bakit po ito naging adhikain niyo?
Closer to reality for one thing. Dahil yun talaga yung ginagamit, duon sa kinaruruonan ko. Kung ano yung ginagamit sa usapan, yun ang gagamitin ko sa tula. In fact, yung generation namin, kami yung nag-umpisa gumamit ng mga bastos na salita sa tula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tulad ng?
Puta.

 

Kayo po nag-pauso nun?!
Generation namin. Binabanatan kami ng older writers nun, bakit daw kami gumagamit ng mga salitang ganun sa panitikan. Hindi naman pwede gamitin sa pelikula.

So parang may divide between proper and improper Tagalog.
Oo, duon kami sa salitang kanto.

Paano niyo nahanapan ng lugar ang salitang kanto sa panitikan?
It's part of our language. That's how it develops. At saka kung pag-aaralan mo, nuong panahon nila Chaucer, gumagamit din sila what was considered at that time inappropriate language. Later on, they became acceptable. Like "damn." Diba parang ordinaryo na sa Ingles ngayon yun pero noon, bastos yun. Bastos pa rin naman yung "Fuck you;" I-bi-bleep yan.

So that’s one way to keep language alive?
Not necessarily. Basta kung ano yung ginagamit ng actual na tao sa usapan.

May favorite word po ba kayo?
Wala.

Wala ho yung  tuwang tuwa kayo na pinagti-tripan niyo lang?
Gumawa ako ng isang tulan, paulit-ulit lang yung salitang 'puta' pinagtripan ko yun. Nilapatan ng musika nina Lourd. "Yung lahat ng hindi ko malaman..." basta ang bawat second line, ending in "puta."

 

Nagamit niyo po ba yung mga pag-tula niyo to win a girl’s heart? Love letters, kunwari, to your wife before?
Hindi. (Laughs) Tumutula rin kasi yun.


Tell us your #feels!

Win
Yum
LOL
WTF
0
Total votes
View more stories tagged ""

Read more stories about

Comments

Latest Stories

Load More Stories

SUBSCRIBE TO NEWSLETTER

Get the latest updates right in your inbox!