Lourd de Veyra: Tara, Party Tayo!

Another opus in Filipino: SPOT.ph blogger Lourd de Veyra on the growing number of party-list groups in our crazy, rough and tumble electoral politics.


lourd_partytayo

Simple at maiksi lang dapat ang balota, pero humaba ang lintek- halos 25 inches, to be exact-- dahil sa haba ng listahan ng mga tumatakbong party list. Alam mong hindi prinsipyo ang pinaninindigan ng mga hindot dahil sa paglagay ng mga 11111111111-AAAAAAAA sa mga pangalan nila-senyales na gaguhang diskarte at tarantadong taktika ang magiging labanan, imbes na maayos na diskurso at plataporma. Depende na lang siguro sa mga tatatanga-tangang botante na mamarkahan na lang ang unang bilog na hugis itlog makita sa balota. Dahil siguro yun lang ang turo ng Sex Bomb sa kaniya-at hindi ang tunay na diwa ng party list, na medyo mahirap atang ipaliwanag sa pamamagitan ng gumigiling na balakang at pagsigaw-sigaw ng "Aawwww!"

Kaya ganun na lang kung tarantaduhin ng mga taong nasa puwesto ang party list system, na dapat ay magbibigay representasyon sa mga marginalized sectors ng lipunan (a.k.a mga olats, mga walang boses, mga naiitsapuwera). Iilang aktibista at miyembro ng civil society lang naman ang nakakaintindi niyan, di ba? Kaya, okey lang na maging nominado si Kuya Mikey bilang kinatawan ng grupo ng mga security guards. O si Angelo Reyes na maging representative ng party list ng mga tricycle drivers. Tandaan na ang utol ni First Gentleman na si Ma. Lourdes Arroyo ay miyembro ng party list na diumano ay kumakatawan sa mga magbabalot. Nung isang taon, may nag-apply sa Comelec na grupo ng mga sabungero. Ano’ng susunod-party list ng mga lasenggo’t sugarol?

Pero ’wag ismolin.

Siguro para sa nakararami, parang minor issue lang ang party list. Pero medyo nakakatakot ito sa harap ng nangyayari ngayon na tila yatang may maitim na hangarin si Misis Arroyo sa Kongreso (correction: "kongreso" with a small ’K’-’ika nga ni Shakespeare, mutherfuckers don’t get no caps).

’Wag din ismolin ang kakayahan ni Ate Glo na maghasik ng mas matinding lagim-dahil kung kahayupan lang naman ang pag-uusapan, daig pa ng administrasyong ito ang National Geographic channel.

Tutal, nagkakagaguhan na rin naman sa mga nominado ng party list system, meron akong ilang mungkahi.

Dahil tatakbong kongreswoman si Gloria Arroyo at-kung hindi siya biglang kidlatan harinawa-marami siyang puwedeng mabuong lupon, maliban sa naghihingalong Lakas-KAMPI (na parang lumulubog na barkong tinatakasan ng mga nagpapanic na daga). Andiyan yung Gloria Arroyo’s Governmental Organization (GAGO), na ang mga adhikai’y kabaligtaran ng ginagawa ng mga NGO, at siguradong sigurado ako na walang kinalaman sa term extension.

Puwede ring gabayan niya-kasama na rin siguro ang First Gentleman at ang panganay na anak-- ang mga kabataan tungo sa proyektong may kabuluhan, sa pagbuo ng Building Advocacy and Better Opportunities for the   Youth (BABOY). Pero dahil maliit lang siya, siguro mas bagay ang Bagong Inisyatibo para sa Inspirasyon at Kalinisan o BIIK, isang quasi-spiritual renewal movement na ang focus ay sa panloob na pagpapabuti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

And speaking of families,   hindi lang pala mga Arroyo ang puwedeng magkaroon ng sariling party list. Kahit ang mga kaawa-awang mga Ampatuan ay kailangan na ring i-organisa ang kanilang mga sarili dahil pinagtutulungan na sila ng lahat. Karapatan ng mga Ampatuan Tungo sa Aksyon at Integridad (KATAI) ang maaring itawag nila dito. Kung ayaw nila, mungkahi ko ang MASSACRE o Maguindanao Society for Alternative Causes, Charities, Rights, and Education na tutulong sa paghahanap ng mga makabagong programa para mapaunlad ang naturang probinsiya at para mawala ang imahe ng pamilyang Ampatuan na mga warlords.

Kailangang mabawi ni Hayden Kho ang kanyang dangal pagkatapos ng matinding scandal, at isa sa mga paraan ay ang pagtulong sa mga importanteng miyembro ng hospital staff at ang mga duktor ng mga buntis. Puwede siyang maging founding president ng Philippine Organization for the Rights of Nurses and Obstetricians o PORNO. Kung hindi man tungkol sa medisina, marahil bilang isa sa mga kilalang personalidad sa lipunan ngayon, baka naman makatuong siya sa mga manggagawa ng sining na kailangang kailangan ng tulong-pinansiyal, gaya ng mga stage hands, theater staff, production assistants, at iba pang maliliit na tao. Karamihan dito ay walang health benefits, walang pabahay, at walang pinagkakakitaang permanente-lagi na lang silang umaasa kung may raket. Sa ilalim ng Cultural Management Service, Housing, and Trade (CuMSHoT), baka magamit niya ang kanyang katanyagan para makalikom ng pondo para sa mga taong ito.

Ang Pambansang Kamao? Dapat hindi na siya tumakbo para sa pagka-kongresista ng Saranggani. Mas makakatulong pa siya sa mas maraming tao-lalong lalo na sa mga manggagawa ng transport sector na maliit lang ang kinikita--   sa pamamagitan ng Kilusan ng Republikang   Itaas ang Sahod ng Transport   Alliances (KRISTA).

Si Kris Aquino naman dapat nagtatag din ng kanyang sariling party list. Sa kanyang walang-kupas na star power, siguradong panalo ang grupong tutulong lalo sa karapatan at kalinangan ng kabataan-- ang JOEY (Justice, Order, and Excellence for the Youth). Maari niya ring gamitin ang kanyang kasikatan para mailuklok sa kongreso ang mga dakilang inhenyerong hindi lang gumagawa ng mga tulay sa probinsya, pero kaakibat din sa paggagamot ng mga may sakit sa mga malalayong baryo. Eto ang grupong Health Operations for Public Engineers o HOPE.

Siyanga pala, dahil marami na rin ang Arroyo sa House of Representatives, puwede na rin silang magtayo ng sarili nilang grupo: ang Kapisanan ng mga Arroyo sa Lehislatura a.k.a KAPAL. Puwede rin itong tawaging The Arroyo Enterprise pero baka masyado na yatang bulgar, masyado nang unfair, masyado nang nakakahiya-sa ebak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

###


P.S. An episode of Word of the Lourd   from March 2009.

 

This is a Crazy Planets is available in newsstands, bookstores and supermarkets nationwide for only P195. For more information, click here.

Artwork by Warren Espejo.

Tell us your #feels!

Win
Yum
LOL
WTF
0
Total votes
View more stories tagged ""

Read more stories about

Comments

Latest Stories

Load More Stories

SUBSCRIBE TO NEWSLETTER

Get the latest updates right in your inbox!