HOY, BASAHIN MO ’TO!

World Book Day noong April 23, baka busy ka lang sa Candy Crush kaya hindi mo napansin. Pero oras na para muling magtanong: Patay na ba ang pagbabasa?

 

(SPOT.ph) Sa bawat post sa blog na ito, imposibleng walang ganitong comment: "Ok sana ang article mo. Ang haba lang."

 

Waw.

 

Pati sa Facebook. Magpo-post ka ng flyer or poster ng isang event/programa, nakalagay na lahat ang mga detalye - date, venue, oras. Sigurado- at, diyos na mahabagin, lagi at laging merong ganito- may magko-comment na: "Kelan to?"

 

Ano kaya ang posibleng problema?

  1. Masyado lang silang na-excite?
  2. Masyadong maliit yung font na ginamit? Dapat ba Comic Sans na size 72?
  3. Nagpapansin lang sila?
  4. Hindi lang talaga sila marunong magbasa?
  5. Pero paano sila nakakapag-Facebook kung hindi sila marunong magbasa?
  6. Hindi lang yun: kung titingnan mo ang profiles nila, estudyante naman daw sila.
  7. Ang tanong: saan ba sila nag-aaral at oras na ba para sunugin ang mga paaralan nitong mga hinayupak na ito?
  8. O baka lang mas nananaig ba yung urge na humirit kaagad bago intindihin nang mabuti ang binasa?
  9. Hanggang anong letra aabot itong multiple choice na ito?
  10. Pustahan tayo itong parteng ito muna ang una mong tiningnan kesa sa unang paragraph.
  11. Leche.  Andito ka pa rin? Joke lang. Tine-testing lang kita.

 

• Kaya ba ang SPOT.ph ay mahilig mag-Top Ten List ng kung ano-ano? Kasi nga naman, maluwag sa mata ang mga lista-listahan.

 

• Olats na ba ngayon ang magsulat nang mahaba? Mas marami bang magbabasa ng blog na ito kung bigla akong nagsingit ako ng ganito?

 

 

• Wala na bang nagbabasa ng mahahabang paragraph? Tipong ganito:

 

Sprupsfjsdjlvkdsmnvjsrkhtw4ubikrhwofjknz 23ib4y21 pc'j;eqhjkascjas c,mas,md;asjf oa;sjkfhls ijkrh ew;ovbh ruweljkf aw0rioq3y4[092[1hgjebqmldnsBd.asmknfbuwekh nw;rl hvwerocklqxjeopu qehrcq3egq egqw ieuhioqlehvpqu29eirhq3cu2p3ihrqkwhpiewqorgq3wp9hrucwdea,srytuijlawnmeknwm4v qdsahyciujdow48eduyugrhekqwopsjdfhdusjikoknwepjnewlp,ernheijokpwkdfnoaksmfnhr

 

 

• Tama ba ang mga propeta ng lagim sa kanilang pagluluksa sa "kamatayan ng mga libro?"

 

• Ngayon, napakadali lang na dedmahin nitong bagay na ito. Busy naman tayo lahat para pag-aksayahan pa ng panahon ang katanungan ni otakuotep421, di ba?

 

• Pero hindi. Bigla kong naisip: paano, kung, pagdating ng araw, itong mangmang na ito ang magmamaneho ng ambulanysang magdadala sa akin sa emergency room? Paano kung sa kamay at (kakaunting) talino nitong mangmang na ito nakasalalay ang buhay ko? Paano kung siya yung nagda-drive ng ten-wheeler na nasa likod ko?

 

• Ulitin natin ang tanong: dumadami na ba ang mangmang na Pinoy? Pero hindi rin naman ganap na totoo na patay na ang pagbabasa. Noon pa lang naman-nung pagkaimbento ang TV at pelikula-ay ipinagluluksa na nila ito.

 

• Pero 2013 na, at kung titingnan natin, marami pa rin namang pumupunta sa mga bookstores na hindi bumibili ng styro at plastic cover (Kahit sabihin nating ang tinatangkilik nila ay mga libro tungkol sa bampira at mga kahalayan gaya ng Fifty Shades of Gay). Mukhang blockbuster pa rin naman lagi ang annual bookfairs.

 

So ano'ng problema?

Heto ang ilang mga datos na nakalap ng 2012 Readership Survey ng National Book Development Board.

 

•          88% o 49.2 million Filipino adults ang may kakayahang magbasa ng mga simpleng salita.

 

•          Ang mga Pilipino na nasa edad 18 to 24 ang pinakamadalas na nagbabasa, sinundan ng mga nasa 25-34 age bracket.

 

•          Karamihan sa mga Pilipinong nagababasa ay college graduate na nagmula sa National Capital Region at kumikita ng higit P8,000 kada buwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

•          12% sa mga Filipino adult readers ang nagbabasa araw-araw. One-third naman o 32% ang nagbabasa at least isang beses sa isang linggo.

 

Nababato ka na ba sa mga numero? Naghahanap ka na ba ng punchline? O, heto muna, para magising ka.

 


Ayos ba? Ituloy natin ang mga datos.

 

•          Ang Bibliya ang pinakasikat at pinakamadalas na basahing non-school book ng mga Pilipino (58%). Sinundan ito ng mga aklat patungkol sa pag-ibig (25%) at mga cookbooks (21%).

 

 

•          67% ng mga non-school book readers ay nagbabasa ng mga Tagalog non-school books; 50% ang nagbabasa ng non-school books sa wikang Ingles; 6% sa Bisaya at 6% din sa Cebuano.

 

•          Taliwas sa paniniwalang may masamang epekto ang telebisyon at internet sa pagbabasa ng mga Pilipino, ipinapakita ng National Book Development Board survey na mas nahihilig magbasa ang mga Pilipinong exposed sa TV at Internet kaysa sa mga hindi nanood ng telebisyon o hindi gumagamit ng internet

 

 

•          91% sa mga non-school book readers ang nagsasabing magandang leisure activity ang pagbabasa.

 

•          88% sa mga non-school book readers ang nagsasabing magandang panregalo ang aklat.

 

 

•          45% sa mga non-school book readers ang nakabili ng non-school book sa nakalipas na 12 buwan sa presyong P200 and below

 

•          16% sa total number of Filipino households ang may computer, 10% ay may Internet connection. 6% o humigit kumulang 3.3 milyong Filipino adults naman ang may tablet computer at 2 % o 1 milyon ang gumagamit nito para sa pagbabasa ng electronic o digital books.

 

Ayun naman pala eh. Mukhang positibo naman pala ang mga numero.  Pero... nga ba? O para ba 'tong mga statistics ng gobyerno tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas? Kahit sinasabing lumalago nang lumalago ang ekonomiya, eh bakit parang mas dumarami ang mga ganito?

 

Photo from Interaksyon.com

 

Kung ako lang naman ang tatanungin, heto ang ilang bagay na dapat tandaan:

 

• Nagbabasa tayo hindi dahil sa mensahe, pero dahil masarap magbasa. Masarap mag-trip sa mga salita. Masarap malunod sa mga pangungusap na astig ang pagkakatahi. Mga salitang nakakalasing, o mas matindi pa. OA ba? Hindi naman. May mga taong naaadik sa Candy Crush. Puwede ka rin namang maadik sa salita at panulat. Lahat naman ay puwedeng ma-develop eh.

 

 

• Marami pa rin ang nag-aantay sa pagdating ng tinatawag na The Great Filipino Novel. Pero posible pa rin kaya ito sa panahon ng social media? May magbabasa pa rin kaya nito sa henerasyon ng paiksi na paiksing attention span? O baka naman ang The Great Filipino Novel ay hindi na gaya ng inaasahan natin na may kumbensyonal na anyo. Baka iba na ang hitsura. Baka may mga video na ito, gifs, pop-up hyperlinks (may gumagamit pa ba ng term na 'to?), slideshows, o baka bawat pahina ay puro ganito na lang:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

Kung sakali, what's wrong? Sino ba ang nagsabi na ang mundo ay hindi na magbabago? Kung noong araw nga ay ganito sila magsulat:

 

 

O kung sa atin kaya'y ganito

Na ngayo'y makikita na lamang bilang mga tattoo sa braso ng mga adik na nagbabanda.

 

Sinong makapagsasabi na balang araw ang mga aklat ay hindi magiging ganito?

 

• Mabuti na lang at hindi na rin gaano nauuso ngayon ang jejenese, ang kinatatakutang salot na papatay raw sa intelehenteng ortograpiya at diskurso.

 

Depende siguro kung saan mo titingnan.

 

• Paano na ngayon kung ang diwa at mensahe ng isang buong aklat ay puwede mo nang gawing caption sa isang Facebook meme?

 

• Heto na yata yung pinangangambahan noon ni Albert Einstein: "I fear the day that technology will surpass our human interaction. The world will have a generation of idiots."

 

• Wow. Ang galing talaga ni Einstein (Pero bakit niya pinakasalan yung pinsan niya?)

 

• Pero para mas maintindihan nating lahat:

 

Tell us your #feels!

Win
24
Yum
1
Want!
1
LOL
1
Yuck
1
WTF
1
29
Total votes
View more stories tagged ""

Read more stories about

Comments

Latest Stories

Load More Stories

SUBSCRIBE TO NEWSLETTER

Get the latest updates right in your inbox!