Spotlight: Ang Mula sa Buwan Bilang Liham ng Pag-Ibig Para sa Sining

This Filipino musical is created by by Pat Valera and William Elvin.

mula sa buwan cover
PHOTO BY Kyle Venturillo/Courtesy of Mula sa Buwan

(SPOT.ph) Sa tradisyon ng mga makata, may tinatawag na anyong “Ars Poetica,” isang tula tungkol sa sining ng tula. Tinulaan ni Archibald Macleish, halimbawa, ang kalinawan at katahimikan ng mga salita; ni Dylan Thomas, ang lihim na pag-ibig sa sining; at ni Rolando Tinio, ang paghahambing ng pagtula sa "[pagpapatulo] ng isperma sa tubig." Makikita rin ito sa iba pang anyo ng sining. Kamakailan lang ay ipinalabas ang pelikulang Leonor Will Never Die na isang oda ni Martika Ramirez Escobar sa paglikha ng pelikula. Sa entablado, nariyan ang Mula sa Buwan na tila isang liham ng pag-ibig para sa mapagpalayang mundo ng sining.

Also read: Director Pat Valera Talks About Pain, Hope, and Truth in Mula sa Buwan

mula sa buwan's cyrano and christian
Myke Salomon bilang Cyrano at Markki Stroem bilang Christian
PHOTO BY Kyle Venturillo/Courtesy of Mula sa Buwan
Article continues after this ad.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
mula sa buwan's cyrano and roxane
Gab Pangilinan bilang Roxane
PHOTO BY Kyle Venturillo/Courtesy of Mula sa Buwan

Ang Pagbabalik ng Mula sa Buwan

Likha nina Pat Valera at William Elvin, unang itinanghal ang Mula sa Buwan bilang isang maliit na proyektong pinamagatang Cyrano: Isang Sarsuwela noong 2010. Naging ganap itong musikal noong 2016, at nagkaroon ng mga muling pagsasaentablado noong 2017 at 2018. Sinubok nitong magkaroon ng malaking pagbabalik noong 2020 bilang pagdiriwang ng isang dekada ng kuwento ni Cyrano. Ngunit, tumaon ito sa kasagsagan ng pandemya na siya ring dahilan ng higit na dalawang taon na pagsasara ng teatro.

Sa ganitong danas nagbukas ang pinakabagong bersiyon ng Mula sa Buwan noong Agosto 26 sa Samsung Performing Arts Theater sa Makati. Isang danas na salat sa pakikisalamuha sa ibang tao, isang danas na hinahanap-hanap ang entablado, isang danas na sabik sa dalang pag-asa ng sining. Kaya’t hindi maipagkakaila ang maliit ngunit matunog na mga rebisyon sa piyesang makailang beses nang napanood ng marami.

Litaw na litaw na ito sa unang eksena pa lang ng musikal. Tampok sa gitna ang “ghost light,” ang nag-iisang ilaw sa gitna ng entablado sa tuwing sarado ang teatro—ang liwanag sa dilim ng mga artista, manunulat, musiko, direktor, at iba pang bahagi ng tanghalan. "Ang tanghalang ito’y atin ngayong gabi, walang makakapigil," akmang sambit sa unang mga taludtod ng kantang ito ng Mula sa Buwan. At para sa maraming nangulila sa mundo ng teatro, hindi maiiwasan ang patak ng luha sa kabila ng mala-piyestang tugtugan ng eksenang ito. Dagdag pa riyan na isa ang musikal na ito sa mga mangilang-ngilang palabas na nagbalik sa pisikal na entablado ngayong taon, kasunod lamang ng Virgin Labfest sa Cultural Center of the Philippines at Joseph the Dreamer sa Maybank Performing Arts Theater.

Article continues after this video.
ADVERTISEMENT
watch now
mula sa buwan war scene
Ang Mula sa Buwan ay kuwento ng mga kadete sa gitna ng giyera sa Maynila noong 1945.
PHOTO BY Kyle Venturillo/Courtesy of Mula sa Buwan

Ang Sagot ng Mula sa Buwan sa Kasalukuyan

Dahil ang sining ay sumasalamin sa buhay, nakatahi sa kuwento ng pagpapakasining ng Mula sa Buwan ang buhay ng mga tauhan sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Maynila. Sina Cyrano (Myke Salomon), Christian (Markki Stroem), Roxane (Gab Pangilinan), Rosanna (Phi Palmos), Tato (Jon Abella), Gabriel (Jillian Ita-as), Limon (Stephen Viñas), Rosario at Gimo (Rapah Manalo at Jep Go), Maestro (Abe Autea), Carissa (Ericka Peralejo), at iba pa ay pawang mga kabataang hindi inakalang haharap sa karahasan at kamatayan sa gitna ng giyera.

mula sa buwan cabaret scene
Phi Palmos bilang Rosanna
PHOTO BY Kyle Venturillo/Courtesy of Mula sa Buwan
Article continues after this ad.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Higit pa sa inaasahang salaysay ng pag-iibigan nina Christian at Roxane—at si Cyrano bilang tulay—mas napaigting sa bersiyong ito ang kolektibong aksiyon: ang pagpupulong sa cabaret ng “Kabataang Makulay,” ang pangangaroling para makalikom ng pera, at ang pagsama-sama ng kanilang lupon hindi lamang para puksain ang kalaban ngunit para rin igpawan ang lumbay at galit sa kanilang mga puso. Umaalingawngaw sa kanilang sabay-sabay na pagsigaw, pagkanta, pagsayaw, at pagtaas ng kamao ang karanasan ng marami nitong mga nakaraang buwan: ang pagsasama-sama para sa pag-asa ng mas magandang kinabukasan.

mula sa buwan funeral scene
PHOTO BY Kyle Venturillo/Courtesy of Mula sa Buwan

Sa huli, pumagitna mula sa entablado ang “ghost light” habang inaalala ang mga nawala sa pakikipaglaban—o ang mga bumalik sa buwan, sabi nga ng dula. Isang pagpapaalala na magsara man muli ang teatro, matalo man tayo sa laban, at wala mang kasiguraduhan ang hinaharap—lagi’t laging nariyan ang sining bilang liwanag sa dilim.

Rating: 5 out of 5 spots

UPDATED: Mula sa Buwan moved its closing weekend. It now runs until September 18 at Samsung Performing Arts Theater, Hippodrimo Street, Circuit Makati, Makati City. Tickets are still available through Ticketworld.

UPDATED (December 12, 2023): Mula sa Buwan is having a two-weekend rerun from December 2 to 4, and from December 9 to 11.

Article continues after this ad.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Share this story with your friends!

Help us make Spot.ph better!
Take the short survey

Read more stories about

Latest Stories

Load More Stories