Spotlight: The Reconciliation Dinner at Kung Bakit Tayo Mahilig sa Dedma

The Reconciliation Dinner by Floy Quintos, Dulaang UP
PHOTO BY I.R. Arenas (Courtesy of DUP)

(SPOT.ph) Masaya ka ba sa buhay mo ngayon bilang Pilipino? Ito ang tanong na umalingawngaw sa tanghalan ng Unibersidad ng Pilipinas nitong nakaraang linggo para sa pagbubukas ng ika-45 tagdula ng Dulaang UP. Itinanghal ang The Reconciliation Dinner, ang pinakabagong isang-yugtong dula ni Floy Quintos na idinirehe ni Dexter M. Santos, mula Nobyembre 18 hanggang 20. Mabilis na nagkaubusan ng tiket para sa limitadong pagpapalabas na ito, at isang malaking panghihinayang na hindi ito napanood ng mas nakararami. 

Also read:
Anak Datu at Ang Rebelyon sa Mindanao
Ang Mula sa Buwan Bilang Liham ng Pag-Ibig Para sa Sining

The Reconciliation Dinner Dulaang UP
Randy Medel Villarama bilang Bert Mendoza at Stella Canete-Mendoza bilang Dina
PHOTO BY I.R. Arenas (Courtesy of DUP)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Dalawang Panig ng Pamilyang Pilipino

Anim na buwan matapos ang pambansang halalan ang panahunan ng The Reconciliation Dinner—sa madaling sabi: sa kasalukuyan. Ang nakatakdang "reconciliation dinner" ay ang muling pagsasalo-salo ng pamilyang Mendoza: mag-asawang Dina (Stella Cañete-Mendoza) at Bert (Randy Medel Villarama), ang kanilang anak na si Mica (Hariette Mozelle), at manugang na si Ely (Reb Atadero, Nelsito Gomez); at pamilyang Valderama: mag-asawang Susan (Frances Makil-Ignacio) at Fred Valderama (Jojo Cayabyab), at ang kanilang anak na si Norby (Phi Palmos). Matalik na magkaibigan mula pa kolehiyo sina Dina at Susan. At katulad ng maraming pagkakaibigang nabuo sa kolehiyo, ang relasyong ito ay tumagal hanggang nagkaroon na ng kanya-kanyang pamilya ang dalawa. Madalas magkaroon ng salo-salo ang mga Mendoza at Valderama, hanggang isang hapunan noong Nobyembre 2016 na ikinagulat nina Dina at Susan tungkol sa kaibigang akala nila'y matagal na nilang kilala. Balisa sina Susan at Fred tungkol sa pagkakalibing ng dating diktador sa Libingan ng mga Bayani, habang hindi naman makita nina Dina at Bert kung ano ang masama dito. Pumutok ang kaunting pag-aaway, ngunit agad din itong natigil. Paano? Katulad ng sinabi ni Susan na sagot ng mga Pilipino sa maraming bagay: "Dedma."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Recommended Videos
The Reconciliation Dinner
Reb Atadero bilang Ely, Hariette Mozelle bilang Mica, at Phi Palmos bilang Norby
PHOTO BY I.R. Arenas (Courtesy of DUP)

Unti-unti nang nagkalamat ang relasyon ng dalawang pamilya. Dumaan ang maraming malalaking balita sa administrasyon ni Duterte, na inisa-isa ni Fred: EJK, "rape jokes," pagpapasara sa ABS-CBN, panggigipit sa maraming peryodista, marami pang EJK, pandemya, patuloy na korupsiyon, at kung ano-ano pa. Nagsasagutan sa social media ang dalawang padre da pamilya na noong una'y nagsimula sa kaunting pasaring hanggang sa pumutok sa diretsahang pag-aaway. Dumating ang proklamasyon ng dalawang pinakamainit na kandidato sa pagkapresidente ng pambansang halalan 2022: Bongbong Marcos at Leni Robredo, at lalong nakita kung anong prinsipyo ang pinapanigan ng dalawang pamilya. Pagdating ng Nobyembre 2022, may pagtatangka sina Dina at Susan na ibalik sa dati ang nagkalamat nilang relasyon. Ngunit, maibabalik nga ba sa dati ang lahat?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Also read:
One Country, Two Peoples
A Glimpse of Hope: Take a Look at the Angat Buhay Museum in Quezon City

The Reconciliation Dinner by Floy Quintos
Magkaibigang Susan (Frances Makil-Ignacio) at Dina
PHOTO BY I.R. Arenas (Courtesy of DUP)

Ang Pamilyang Pilipino Matapos ang Halalan

Maraming katanungan ang itinampok ni Quintos sa The Reconciliation Dinner. Dapat bang magpaapekto ang pamilyang Pilipino sa usapin ng pulitika? Bati-bati na nga ba tayo matapos ang halalan? Masyado nga bang "tunog Heswita" (sa diyalogo ni Bert) ang pangangampanya ng mga tagausporta ni Robredo? Nagtagumpay nga ba talaga ang troll farm? Puro lang ba talaga troll ang nasa kampo ni Marcos? At ang paulit-ulit na tanong: "Move on" na nga ba tayo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa pamilyang Pilipino na katulad ng mga Mendoza at Valderama, siguro nga'y madaling mag-"move on." Sa isang nakakatawa (ngunit nakakalungkot) na palitan, ipinaalala na hindi sila ordinaryong Pilipino na madaling maapektuhan ng nangyayari sa pamahalaan. "Ang ordinaryong Pilipino, walang pa-cheesecake tiramisu"kahit pa pumalo ng isang daan ang isang kilo ng puting asukal. Sa kabila ng pagtaas ng inflation rate at patuloy na pagbulusok ng piso sa dolyar, ang pamilyang Mendoza at Valderama ay magsasalo-salo pa rin sa steak at red wine.

Katulad ng sampal ni Norby sa nag-aamok na Bert sa isang eksena sa dula, isang sampal sa mukha ang The Reconciliation Dinner. At hanggang walang kolektibong paggising (katulad ng sinasabi ni Ely na "The Big Snap"), tatanggapin at tatanggapin lang natin ang mga nangyayari kahit para tayong mga uod na sinasabuyan ng asin sa tuwing nababasa at naririnig natin ang mga headline sa araw-araw. Masaya ka nga ba sa buhay mo ngayon bilang Pilipino?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

The Reconciliation Dinner had a one-weekend-only run from November 18 to 20 at the UP Theater Main Hall Stage, University of the Philippines Diliman, Quezon City. For updates (and possible reruns), follow Dulaang UP on Facebook.

Share this story with your friends!

Help us make Spot.ph better!
Take the short survey

Read more stories about

Latest Stories

Load More Stories